Netizens react to Jak partying prior to Barbie’s announcement

Netizen: “Yun mata at mukha nya parang wala sa sarili cguro…”

Netizens react to Jak Roberto spotted partying before breakup announcement

Jak Roberto is getting mixed reactions for partying before ex-girlfriend Barbie Forteza (not in the picture) announced their breakup. One netizen says, “Not to invalidate his feelings, pero si #JakRoberto spotted enjoying a New Year’s Eve Countdown Party in Ayala, Makati habang si BARBIE FORTEZA posibleng nagko-compose ng break-up announcement message sa Instagram.”
PHOTO/S: Screengrab Jak Roberto on Instagram

Umani ng magkahalong komento ang in-upload na video ng Kapuso actor na si Jak Roberto, 31, habang siya’y nagsasaya, ilang oras bago isapubliko ni Barbie Forteza, 27, ang kanilang breakup.

Noong January 1, 2025, in-upload ni Jak sa Instagram ang video clips na kuha sa naging pagsalubong niya sa taong 2025.

Ito’y sa pamamagitan ng pagdalo niya sa New Year’s Eve Countdown sa Ayala Avenue, Makati City, noong gabi ng December 31, 2024.

Sa nasabing New Year’s Eve countdown concert party, makikita ang pagtatanghal ng rapper na si Gloc-9, Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano at anak nitong si Gab Valenciano, at ang P-pop girl group na BINI.

Mapapansin sa video na masayang-masaya si Jak na nakikisabay sa pagtalon, pagkanta, at pagsayaw sa mga tugtugan ng mga nagtatanghal sa stage, kasama ang ilan niyang mga kaibigan

Netizens react to Jak Roberto spotted partying before breakup announcement

Photo/s: Screengrab Jak Roberto on Instagram

Hanggang sa dumating ang mismong countdown nang pumatak ang alas-dose ng hatinggabi ng January 1.

Sa video, makikita pa ang nakangiting pagbati ni Jak ng “Happy New Year” sa kanyang followers.

NETIZENS’ REACTION

Sa post na ito ni Jak, kapansin-pansin ang paglimita niya sa mga posibleng magkomento rito.

Pero isang Facebook page ang nag-screenshoot ng post ni Jak at ni-repost ito, na siya ngayong kumakalat sa social media.

Dito ay kinuwestiyon ng nag-post ang pagsasaya ng aktor, sa gitna ng pinagdadaanan daw nila ng longtime girlfriend na si Barbie.

Pero biglang kabig nito, maaaring ito raw ang paraan ni Jak para makalimot sa sakit na nararamdam sa hiwalayan nila ni Barbie.

Mababasang post nito (published as is), “JAK ROBERTO NAGPA-PARTY HABANG SI BARBIE FORTEZA…Not to invalidate his feelings, pero si #JakRoberto spotted enjoying a New Year’s Eve Countdown Party in Ayala, Makati habang si BARBIE FORTEZA posibleng nagko-compose ng break-up announcement message sa Instagram.

“Maybe it’s Jak’s coping mechanism. Despite his party vibe, kita lungkot sa eyes.”

Bagay na sinang-ayunan naman ng isang JakBie fan, tawag sa fanbase nina Jak at Barbie.

Saad nito, “I’m fan of JakBie I feel sad for Jak omg kitang kita sa mga mata niya ang lungkot literal na eye’s can’t lie stay strong kuya Jak.”

Pansin pa ng isa, “Yun mata at mukha nya parang wala sa sarili cguro,. Pinipilit nya lang sarili nya maging ok,. Deep inside NO.”

Pagdepensa naman ng isa sa mga bumabatikos sa pagpa-party ni Jak, “Ako man ang ibreak bakit ako mag mumokmok, syempre. Mag wawalwal ako hinde para mag saya kundi para mabawasan ang sakit, yung piling na akala. Mo masaya pag titingnan mo xa pero ang totoo durog ang puso nyan.”

NETIZENS CURIOUS ABOUT JAK’S COMPANION

Kung mayroong naiintindihan ang ginawang pagdalo ni Jak sa New Year’s Eve countdown, mayroon ding ilan na ginawan ng isyu ang mga kasama ng Kapuso actor.

Ilan sa mga netizen sa nasabing Facebook post ang pinapalabas na dahil umano sa “gender indentity” ni Jak kaya’t nagkahiwalay sila ni Barbie.

Lalo pang nagliyab ang haka-haka ng mga ito nang masama sa Instagram video ni Jak ang pagyapos sa kanya ng isang dayuhan nang batiin niya ito ng “Happy New Year” sa mismong countdown.

Netizens react to Jak Roberto spotted partying before breakup announcement

Photo/s: Screengrab Jak Roberto on Instagram

Komento ng isang netizen, published as is, “Ganyan kasaya kapag may mali ginawa tapoa iniwan, porke babae una nang iwan nag fefeling victim na,pero ang tutuo siya ang may malaking kasalanan na ginawa mas ok nga si barbie mabait pa,kaya tama lang na naghiwalay sila at hindi sila bagay, bagay lang si jack sa mga bakla.”

Pang-iintriga ng isa, “Jowa kasi ni Jack yung afam Hhahahahah.”

Susog ng isa pa, “hahaha bading pala gusto di agad sinabe kay barbie.”

JAK-BARBIE BREAKUP

Noong January 2, 2025, ipaalam ni Barbie sa publiko ang pagtatapos ng relasyon nila ni Jak makaraan ang pitong taong pagiging magkasintahan.

Sa kanyang madamdaming post sa Instagram, mahihinuhang walang sama ng loob si Barbie sa paghihiwalay nila ng aktor.

Sa katunayan, pinuri pa ng aktres ang dating kasintahan nang sabihin nitong naging masaya siya sa kanilang naging pagsasama sa loob ng mahabang panahon.

Sinimulan ni Barbie ang kanyang breakup announcement sa pamamagitan ng isang quote mula sa American children’s author na si Theodor Seuss Geisel a.k.a. Dr. Seuss.

Bungad ng Kapuso actress, “’Don’t cry because it’s over. Smile because it happened’ – Dr. Seuss.”

Kasunod nito ay ang pagbabalik-tanaw ni Barbie sa seven-year relationship nila ni Jak.

Papuri ng aktres sa dating nobyo: “Having you in my life was the happiest I had ever been. Seven wonderful years. A lot of laughs, a lot of ramen and so much love.

“Your love was exceptional.

“But sometimes, good things fall apart so better things can come together.

“Beautiful goodbye, @jakroberto”

Dagdag pa ni Barbie, “Thank you for loving me the way you did. I am excited for what’s to come for the both of us. You take care of yourself. May you find the love you deserve.

“I hope for everyone’s understanding and I wish you can help us put this matter to rest.”

Bagamat hindi sinabi ni Barbie ang dahilan ng breakup nila ni Jak, marami sa kanilang tagahanga ang nalulungkot at hindi makapaniwala sa kinahinatnan ng relasyon nila.

May ibang netizens naghinalang may kinalaman ang matagumpay na showbiz career ni Barbie kaya’t nagdesisyon umano itong makipaghiwalay kay Jak.

Maliban sa career, isa rin ngayong tinitingnan ng netizens ang pagiging malapit ni Barbie sa onscreen partner nitong si David Licauco.

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na pahayag si Jak tungkol sa naging pag-anunsiyo ni Barbie sa kanilang hiwalayan.

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2025 News