Paolo Contis not a fan of being friends with exes

Paolo Contis explains his position about not being friends with exes.

Paolo Contis on his ex-girlfriends

Single na ulit si Paolo Contis matapos amining wala na sila ni Yen Santos noong November 2024.

Sa tantiya ng marami ay halos dalawang taon ang itinagal ng relasyon ng dalawa.

January 2023 inamin ni Paolo na girlfriend niya si Yen, pero nitong huling bahagi ng 2024 ay nag-unfollow-han sila sa Instagram.

PAOLO CONTIS ON BEING FRIENDs WITH HIS EXES

Sa programang Your Honor ng YouLOL Youtube channel, naging panauhin nina Tuesday Vargas at Buboy Villar si Paolo sa episode na lumabas noong Sabado, January 4, 2025.

Paolo Contis on his exes

Photo/s: Courtesy: Instagram

Sa isang bahagi ay nagbiro si Tuesday tungkol sa pera ng Japan.

Aniya, “May tanong ako, Paolo, kung usapang ex tayo, ano ang tawag sa pera sa Japan?”

Tumawa lamang si Paolo dito.

Ang ibig kasing ipakahulugan ni Tuesday ay ang yen, na kapangalan ng ex-girlfriend niyang si Yen Santos.

Tanong naman ni Buboy, “Pagdating naman sa exes, puwede ba talaga maging magkaibigan ang mag-ex? Or can you be friends with your exes?”

Dagdag ni Tuesday, “Let’s be more specific. Are you friends with your exes?”

Sagot ni Paolo: “Civil.

“It’s a different story, saying they’re friends and civil. It’s different.

“And we have reasons to be, di ba?

“So, ako, hindi ako naniniwala na ang mga mag-ex dapat maging magkaibigan, unless you actually have reasons to be.”

Bakit hindi siya naniniwalang puwedeng maging magkaibigan ang mag-ex?

Paliwanag ni Paolo: “Naghiwalay na kayo, e. And I think it’s your respect to your partner.

“Especially yung partner mo. I mean, nakakailang yun para sa partner mo.

“Yung hindi kayo nag-away, okay yun. Yung civil kayo, like when you see each other, ‘Hey, how are you? Blah, blah.’

“Pero friends, like magkumustahan? You had your time na magkumustahan. Ba’t ngayon magkukumustahan kayo?”

Ayon kay Paolo, mahirap din ito lalo na kung meron ka nang bagong partner.

Dagdag niya, “Especially kung may partner ka, nakakahiya.

“And I believe, ako, hindi mo rin gusto yun, kung yung partner mo ganun.”

Ang puwede lamang daw ay yung mag-“hi” at “hello” kung nagkikita kayo nang di sinasadya.

PAOLO CONTIS ON FRIENDSHIP AND STRONG RELATIONSHIP

Ano naman ang masasabi ni Paolo sa teorya na “friendship is the foundation of a strong relationship?”

Agree ba siya rito?

Saad niya, “Totoo yun. Totoo yun.

“At the end of the day, especially pag mag-partners na kayo na matagal.

“Kung hindi kayo magkaibigan, wala kayong pag-uusapan.

“Di ba yung ilang, siyempre siguro ilang taon siguro na pakilig kayo nang pakilig sa isa’t isa.

“Eventually, kailangan maging magkaibigan kayo.”

Dagdag ni Paolo, “Yung foundation na friend, totoo yun.

“Pero again, nangyayari yun during the courtship. Sa loob ng courtship, bago maging kayo, tingnan mo kung magiging magkaibigan kayo.

“Kasi, like for example, ang hirap ng… halimbawa may partner ka, may girlfriend ka.

“Tapos, hindi mo masama sa labas, sa gimik ng barkada, kasi ang dami mong tinatago. Kasi baka yung barkada mo, baka kung anu-ano ikuwento.

“Habang nanliligaw ka, that’s your opportunity to come clean. Sa akin, ha? Sabihin mo na lahat.

“Kasi, yan yung mga dahilan kaya ang lalaki hindi na maisasama ang girlfriend sa night out ng barkada niya. ‘Baka kung ano sabihin nito.’ Walang ganun dapat.

“Kung gusto niyo magtagal, ha? Kung gusto niyo magtagal, come clean.

“Kung tanggap ka niya, good. Kung hindi, babu.

“Ngayon, dun pumapasok yung friendship.

“At the end of the day, magagamit mo yung friendship na yun, habang pag tagal-tagal, makikita mo yung ugali niyong dalawa.

“Kung okay kayong friends, kasi importante yung okay kayong friends, okay na okay kayo sa barkada, sa barkada.

“Not necessarily na magiging part sila ng buhay niyo, siyempre iba kayo, di ba?

“Pero minsan, maganda rin na nasasama ka niya doon, nasasama mo siya doon, nang hindi ka natatakot at peace of mind niya yun.”

YEN-PAOLO RELATIONSHIP

January 2023, kinumpirma ni Paolo sa Fast Talk With Boy Abunda ang matagal nang espekulasyon sa tunay na estado ng relasyon nila ni Yen.

Iyon ang kauna-unahang pagkakataong inamin ni Paolo sa publiko na sila na ni Yen.

Aniya, “Sa amin kasi, kumbaga, what you see is what you get na naman, di ba?

“Hindi na namin puwedeng ipilit yung tao to be happy for us. Hindi namin puwede ipilit yung mga tao na paniwalaan yung gusto nilang paniwalaan.

“Sana isipin lang nila na kung ano lang yung nakikita nila na naka-post, yun lang yung truth na alam nila.”

Bago maganap ang pag-amin, nauna nang itinanggi ni Paolo na si Yen ang dahilan ng hiwalayan nila ni LJ Reyes pagkatapos ng ilang taong pagsasama.

“Hindi. Hindi,” diin ni Paolo.

Sinubukang ipaliwanag ni Paolo kung ano ang dahilan ng pagtatapos ng relasyon nila ni LJ.

Lahad niya, “Somehow medyo matagal na kaming hindi kami okay ni LJ, pero we were together, of course. Napapadalas ang away and everything.

“I think it’s a combination na ng stress sa pandemic and everything, ‘no.

“One of my biggest mistakes was hindi ko inalala yung mental health ni LJ. Isa yan sa feeling ko simula ng downfall namin, na hindi ko inisip yon.

“Kapag nahihirapan siya during pandemic, ang utak ko, ‘eeeh…’ alam mo yun? ‘Four times a day tayong kumain, chill ka diyan.’ Alam mo yung ganun?

“Plus, again, yung pagdidiskarte ko ng sarili ko, na hindi ko na ini-inform sa kanya yung mga bagay-bagay, which led to bigger problems.

“So, I won’t divulge na sa isyu na yon, pero eventually, it piled up. Again, hindi kami nag-uusap nang maayos.

“Plus, yun na nga, every time ako nakakalabas ng bahay dahil pandemic, may work… may kalokohan din akong ginagawa.”

Hindi idinetalye ni Paolo kung ano ang mga “kalokokahan” na ginawa niya.

Pero itinanggi niyang nagkakamabutihan na sila ni Yen noong panahong iyon.

Nilinaw rin ng Kapuso actor ang “as a friend” na sagot niya noon tungkol sa mga kumalat na larawan nila ni Yen na kuha sa Baguio.

Ayon kay Paolo, “Well, yung ‘as a friend,’ nung nag-Baguio kami ni Yen, nasa States na sila LJ nun.

“Nagmukhang baligtad because your [Boy Abunda’s] interview with LJ came out, pero wala na kami sa Baguio nun. So, ang feeling ng tao, habang ini-interview si LJ, nasa Baguio ako.

“Pero when you were interviewing LJ, mga one or at least ten days na silang nasa States, I left for Baguio nasa States na sila. Hindi na kami nun.”

Samantala, sa ngayon ay masaya na si LJ sa piling ng kanyang non-showbiz husband na si Philip Evangelista.

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2025 News