Jane de Leon hints at new teleserye after Darna
Jane de Leon on her next projet after Darna: “Alam ko na dumarami na ang naghahanap sa akin, a year na rin siguro after the Darna. Pero, yun, magbabalik na rin ako sa telebisyon.”
PHOTO/S: Ermarc Baltazar
Bukas at hindi nagsasarado ng pintuan si Jane de Leon sa pakikipagrelasyon kung saka-sakaling kumatok muli ang pag-ibig sa kanya.
“Open ako sa lovelife. Sinasabi ko naman yan sa previous interviews ko na open ako.
“Masarap may nagmamahal sa iyo at nagmamahal, so why not?” pahayag ni Jane sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Gabi Ng Parangal ng 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) na ginanap sa Solaire Resort and Casino, sa Pasay City, noong December 27, 2024.
Sa naunang interview ng mag-asawang Dra. Vicki Belo at Hayden Kho sa Kapamilya actress, inamin ni Jane na tatlong aktor ang sikretong nakarelasyon niya at nauwi sa breakups.
Ayon pa sa Kapamilya actress, ang pinakahuli niyang boyfriend ay nung ginagawa niya ang fantaseryeng Darna ng ABS CBN.
JANE DE LEON’S CHRISTMAS CELEBRATION with her mother
Masaya raw ang selebrasyon ni Jane ng nakaraang Pasko kung saan kasama niya ang ina na si Maricor Benitez-de Leon.
Lahad niya, “With my mom, she’s leaving na rin for good sa U.S. Ginagawa ko ang lahat para mag-spend time sa kanya.
“Masaya na rin ako na nandito si Mama to see me here sa MMFF.”
Tinanong din ng PEP.ph si Jane kung ano ba ang nilu-look forward niya ngayong 2025.
“Happiness and successful projects and to see my mom again,” tugon niya.
MORE CINEMAS FOR TAIWAN KILLER HOSPITAL
Si Jane ay isa sa mga bida sa MMFF 2024 official entry na Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital.
Tulad ng ibang artista na kasali sa MMFF 2024, hiling din ni Jane na madagdagan ang mga sinehan kung saan mapapanood ang kanilang pelikula.
“Yes, deserve din po namin na katulad nila madagdagan ang mga sinehan.
“Siguro naman dasal ng lahat na madagdagan ang sinehan nila kasama na rin ang Strange Frequencies dun.”
Sa Gabi ng Parangal ay nasungkit ng kanilang pelikula ang Best Sound, at labis itong ipinagpapasalamat ni Jane.
“I’m happy for everyone, especially my team, Strange Frequencies.
“Sabi ko nga sa kanila, ‘Sobrang masaya na ako dahil nakapasok tayo sa Metro Manila Film Festivall. We did our best.
“‘Ang importante, masaya tayong lahat at masaya din ako sa ibang pelikula na nagwagi ngayong gabing ito.’
“Actually, hindi lang ako masaya para sa amin, masaya ako para sa pelikulang Pilipino kasi pagkatapos ng pandemya, akalain mo na babalik na uli ang pelikula natin.
“Sana magtuluy-tuloy pa ito,” asam niya.
UPCOMING SERIES ON ABS-CBN
Pagkatapos niyang pagbidahan ang superhero series na Darna (2022-2023), ibinahagi ni Jane na muli siyang mapapanood sa telebisyon sa pamamagitan ng isang upcoming teleserye ng ABS-CBN.
Saad niya, “Alam ko na dumarami na ang naghahanap sa akin, a year na rin siguro after the Darna. Pero, yun, magbabalik na rin ako sa telebisyon.
“Yung role medyo kakaiba kaya, yun na rin naman ang feeling ko, kasi laging strong independent woman ag role ko.
“May kaunting twist, ayoko nang mag-spoil, abangan na lang ng mga Kapamilya natin.”