Joshua Garcia, Julia Barretto admit going through rough patch; deny involvement of Gerald Anderson
Inamin nina Joshua Garcia at Julia Barretto na dumaan sa isang pagsubok ang kanilang relasyon.
Kasabay nito, sinabi rin ng Kapamilya stars na balik muna sa pagiging “best friends” ang kanilang samahan.
Ito ay kasunod ng lumabas na balitang break na ang magkasintahan.
Sa eksklusibong panayam sa kanila ng ABS-CBN News entertainment reporter na si MJ Felipe, tinanong sina Joshua at Julia kung totoong hiwalay na sila.
“Hindi totoo yun. May pinagdaanan lang kami,” tanggi ni Joshua.
“Pero okay kami ngayon. Masaya kami ngayon, and napagdesisyunan namin na for now…” sabay tingin ni Joshua kay Julia.
Matagal na nagtinginan ang dalawa na tila hinihintay kung sino ang dapat sumagot sa kanila.
Hanggang sa si Julia na ang nagsabing, “For now, babalik muna kami sa pinagsimulan namin…”
Pagpapatuloy ni Joshua, “…which is pagiging best friend.”
Saad pa ni Julia, “Right now, we’re the bestest of friends. We have managed to remain the bestest of friends…”
Na-interview ang dalawa sa ToyCon 2019 na ginanap sa SMX Mall of Asia Arena, Pasay City, ngayong Biyernes, June 28.
Naroon sina Joshua at Julia bilang bahagi ng cast ng upcoming movie na Block Z.
JULIA BARRETTO DENIES GERALD ANDERSON INVOLVEMENT
Diretso ring tinanong ang dalawa kung may third party involved sa kanilang relasyon, partikular si Gerald Anderson na na-link kay Julia.
Noong Mayo, ipinalabas ang pelikulang pinagtambalan nina Julia at Gerald, ang Between Maybes.
Pagtatanggol ni Joshua sa dalawa, “Parang di naman totoo yun.
“Parang di naman magagawa sa akin ni Julia yun, tsaka magagawa kay Gerald. Kuya ko na yun, e…”
Umiwas naman si Joshua nang tanungin kung ano ang pinag-ugatan ng pinag-awayan nila ni Julia.
“Bigay niyo na lang sa amin yun. Kumbaga, para na lang sa aming dalawa yun kung ano yung nangyari.”
Sabi naman ni Julia, “I think, like a normal couple, you’ll go through phases at some seasons in that relationship.
“But I’m glad kami ni Josh… there was constant communication…”
June 5 nang nasulat sa PEP.ph ang matalinhagang posts at pahayag nina Joshua at Julia dahilan upang magsuspetsa ang mga netizen na hiwalay na sila.
Sa vlog na ipinost ni Erich Gonzales noong June 1, tinanong niya si Julia kung in love ba ito.
Mahaba ang naging sagot ni Julia, pero hindi niya binanggit kahit minsan ang pangalan ni Joshua.
Sa sagot ni Julia, may sinabi siya tungkol sa mga taong toxic sa buhay na nagpapakumplika rito at kailangang magdesisyon kung ano ang makabubuti sa sarili.
Naging matalinhaga rin ang tweet ni Joshua noong June 3: “i’m a thinker, not a talker.”
Sabi naman ng ilang netizens, parinig ito kay Julia na mas piniling magsalita kesa sa manahimik.
News
ANDREA BRILLANTES VIRAL!!! PINAGKAGULUHAN ANG SEXY DANCE MOVE VIDEOS
Andrea Brillantes recently became a trending topic on social media after her sexy dance move videos went viral. The clips showcase her impressive dance skills and confidence, which have captivated her fans and sparked a lively discussion online. In the…
HOT NEWS: Andrea Billantes was bitten by a sea snake during a diving trip in Batangas!
Andrea Brillantes Bitten by a Sea Snake During Diving Trip in Batangas In a shocking turn of events, young actress Andrea Brillantes had a terrifying encounter during a diving trip in Batangas when she was bitten by a sea snake….
Andrea Billantes’ body photo set was posted on the main page by ABS-CBN
Andrea Billantes’ body photo set was posted on the main page by ABS-CBN Undoubtedly, Andrea Brillantes is one of the rising teen stars in this era. The young actress has already made her name in the entertainment industry with her…
The appearance of a sister who surpasses Andrea Billantes’ beauty, is almost her competitor in the PH entertainment industry, REASONS REVEALED
Showbiz is not short of celebrities who have equally artistahin siblings. There’s Kim Chiu and sister Wendolyn, Rhian Ramos and sister Nadine, Carla Abellana and her ate Erica, and the list certainly goes on. Joining the fray is Kapamilya young star Andrea Brillantes and her pretty sisters Kayla Aan…
Alora Sasam apologizes over “insensitive joke” about KathNiel breakup, revealing the reason. Has she gone too far or not?
Mabilis na humingi ng paumanhin ang Kapamilya actress na si Alora Sasam matapos siyang kuyugin ng netizens dahil sa kanyang “insensitive joke” sa hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Si Alora ay malapit na kaibigan ng dalawa. Nitong Biyernes, December 1, 2023, nag-post si…
Alora Sasam, Kathryn Bernardo’s friend, just moved to separate Daniel Padilla and Andrea Brillantes, revealing the reason
Alora Sasam, Kathryn Bernardo’s friend, just moved to separate Daniel Padilla and Andrea Brillantes, revealing the reason Alora Sasam, one of the closest friends of Kathryn Bernardo, sparked curiosities after she unfollowed Daniel Padilla and Andrea Brillantes. She also commented…
End of content
No more pages to load