isaac

Ipinagmamalaki at ikinagagalak nang husto ng Filipino boxing legend na si eight-division champion Manny ‘Pacman’ Pacquiao ang alaga sa MP Promotions na si Mexican Isaac “Pitbull” Cruz nang matagumpay na mapagwagian ang World Boxing Association (WBA) super-lightweight belt nitong Linggo laban kay Rolando “Rolly” Romero sa pamamagitan ng eight-round technical knockout sa jampacked T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada sa Amerika.

“So glad to see Mexican Isaac “Pitbull” Cruz rose to the occasion to become a world titleholder under our promotion,” pahayag ng 45-anyos na dating many-time world champion patungkol sa malaking pagpapahalaga sa mga sakripisyo at paghihirap na ginugol ng Mexican boxer.

“He [Cruz] is a testament of a true hardworking warrior, his boxing skills, power and speed are honed by years of his sacrifice in training and learning. The MP Promotions is very proud of his accomplishment.”

Dahil sa karangalan ay naging kauna-unahang dayuhang boksingero ang 25-anyos na tubong Mexico City na hinahawakan ng MP Promotions kasunod ng mga dating naging kampeong Pilipino na sina Marlon “Nightmare” Tapales, Pedro Taduran, Rene Mark “Mighty Mouse” Cuarto, Mark “Magnifico” Magsayo at Jerwin “Pretty Boy” Ancajas.

Dahil sa nakuhang panalo ni Cruz ay umangat ang kartada nito sa 26-2-1 kasama ang 18 panalo galing sa knockout upang patalsikin ang dating kampeon na si Romero at pahabain ang winning streak nito sa apat, matapos minsang mabigo laban kay undefeated WBA lightweight titlist Gervonta “Tank” Davis sa unanimous decision noong Disyembre 5, 2021.

“When they met, Sir Manny said this gentleman is so humble, he is family man, and he loves spending his time with his kids and wife. He doesn’t smoke, he doesn’t drink, he doesn’t do any bad habits similar to the senators, and both of them are great persons,” kuwento ni MP Promotions President Sean Gibbons patungkol sa mga katangiang may pagkakapareho sina Pacman at Pitbull, habang ipinagmalaki pa ng international matchmaker ang pagkakaroon ng matatag na ‘Hispanic’ na relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Mexico na minsang naging mortal na magkalaban sa ibabaw ng ring.

“Mexico and Philippines have a great history together in boxing. Manny Pacquiao had so much great history with his fights with Erik Morales and Marco Antonio Barrera and Juan Manuel Marquez,” ekspilka ni Gibbons. (Gerard Arce)