Alden, ayaw tantanan kay Kathryn!

Kathryn Bernardo at Alden Richards

Sa takbo ng mga propaganda ngayon sa social media, talaga nga bang pwede sina Alden Richards kay Kathryn Bernardo?

Walang tigil ang  isyu sa celebration ni Kathryn sa Palawan na andun si Alden, dumating pa siya sa post-birthday party ng aktres na may dalang bulaklak at “isang special gift.

Pero aangat ba iyan kagaya ng KathNiel?

Iza, pinanghihinayangan

Ano nga ba ang nagpapababa ng popularidad ng isang artista? Noong nagsisimula pa lang ay ang lakas ng dating ni Iza Calzado.

Pero ba’t parang nawawalan ng proyekto si Iza kahit may talent naman talaga siya at mahirap humanap ng ganyan kaganda.

Sana nga ay magkaroon siya ng bagong mga teleserye para naman hindi masayang si Iza.

James, napapabayaan si Liza?!

Masayang-masaya raw ang magsyotang sina James Reid at Issa Pressman habang sila ay nagbabakasyon sa Bali, Indonesia. At panay pa ang post nila ng kanilang mga litratong nagsi-swimming.

Ang sarap ng buhay ng mga taong ganyan, mahaba ang kanilang oras para sa kanilang bakasyon.

Wala kasi silang iniintinding responsibilidad, wala silang pelikula, walang TV show, wala pa rin namang recording na kailangang i-promote kaya nagpapakaligaya na lang sila sa buhay.

Marami ang naiinggit sa sitwasyon nila ha.

Wala silang trabaho pero afford naman nilang gumastos ng pera para sa kanilang mga bakasyon sa abroad.

Ni hindi nababantayan ni James ang imina-manage niyang si Liza Soberano sa Hollywood. Baka isang araw magising na lang siyang iba na ang agent at manager ni Liza at iniwan na rin siya.

Aktor, big time na gay for pay!

Ang bading na male star, hindi pa pala tumitigil sa pagiging isang “gay for pay.” Ibig sabihin isa siyang bading na nagpapanggap na lalaki at nanananso ng kapwa niya bading.

May mga bading namang ganyan ang hanap, bading ding gaya nila dahil mas fulfilled daw sila sa kanilang pakiki­pagtalik kung kapwa bading.

Pero talagang big time ang gay for pay na male starlet. Hindi siya nakikipag-date sa mga small time. Hindi rin siya pumapatol sa local dates. Gusto niya sa abroad ang date nila at natural mas malaki ang datung noon, lalo na ngayong may malaki siyang pinagkakagastahan. Talagang pumapasada na nang husto ang ate ninyo.