KALAT na ang chika na nililigawan umano ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards si Kathryn Bernardo matapos makipaghiwalay kay Daniel Padilla.
Pero inalmahan ito ng Kapuso star at sinabing gawa-gawa lamang ito ng mga taong gusto na naman siyang wasakin at idamay sa kontrobersyal na breakup ng KathNiel.
Nakachikahan namin si Alden kasama ang ilan pang miyembro ng entertainment media sa pa-thanksgiving niya sa press kasabay ng pagdiriwang ng kanyang 13th anniversary sa showbiz.
Ginanap ito sa Stardust Bar and Restaurant sa Jupiter Street G/F 58, Building Jupiter, Makati City na isa sa mga bagong business ni Alden.
Super thankful ang binata sa lahat ng blessings na natanggap niya sa loob ng 13 years na pananatili niya sa entertainment industry.
Kasama na sa ipinagpapasalamat niya ngayong 2023 ay ang pelikula nila ni Megastar Sharon Cuneta, ang “Family of Two (A Mother & Son Story)” na isa sa 10 official entry sa Metro Manila Film Festival 2023 na mapapanood na simula sa December 25.
Inamin ni Alden na napakarami niyang pinagdaanang challenges nitong nagdaang 13 years pero ipinagpapasalamat pa rin niya ang mga ito dahil mas tumibay pa ang kanyang faith at pagmamahal sa Diyos.
Kasunod nito, nilinaw ni Alden ang chika na may pumipirata raw sa kanya na isang big company, “Wala po, wala pong ganu’n. Loyal po tayo sa GMA until the last day.”
At sa balita ngang nanliligaw daw siya ngayon kay Kathryn, “Wala pong katotohanan ‘yan. Hindi po totoo.
“Kasi parang ginagawan na naman ako ng issue para mapunta sa akin ‘yung blame, ‘di ba? Parang nananahimik ako, so ngayon po, wala pong ganu’n. Hindi po ‘yun totoo,” mariing pagtanggi ni Alden.
Natanong din ang binata kung nag-try siyang tawagan o magpadala ng mensahe kay Kathryn after ng breakup nito kay Daniel Padilla.
“Hindi ko pa po nagawa. Kasi siyempre, that’s her personal and nu’ng ginagawa po namin ang Hello, Love, Goodbye, parang ‘yun din ang respect ko. Anything that has to do with that angle, ‘yung sa kanila ni Daniel, hindi po ako nakikialam.
“So I keep that oath po, and para hindi na lang din po tayo masyadong maraming… hindi ko na po ini-involve ‘yung sarili ko with this issue. Kasi malaki na po siya as it is,” sey ni Alden.
News
SHOCK: Ion Perez breaks silence on rumours ‘CHEATING’ on Vice Ganda
PHOTO: @praybeytbenjamin on Instagram Ion Perez took to Instagram to address bashers who think he will cheat on Vice Ganda! Ion Perez condemned accusations made by critics that he will most likely cheat on his partner, the Phenomenal Box Office Star Vice…
SHOCK VIDEO: VICE GANDA’S WIG BEING PULLED IN CANADA, AND HIS CALM REACTION
Photo lifted from the Instagram account of Kapamilya host Vice Ganda. @praybeytbenjamin via Instagram MANILA, Philippines — Host-comedian Vice Ganda kept a calm composure as he confronted a couple of fans who tried to pull his wig while at a concert…
Gerald Anderson, inihayag naramdaman sa pelikula ni Julia at Joshua: “Awkward talaga trabaho namin”
– Gerald Anderson, in an interview with ABS-CBN, expressed what he felt about the movie of Julia Barretto and Joshua Garcia – In an interview, he was first asked of his reaction about rumors about him and Julia, as well…
Rumored gf ni Joshua Garcia, nanood ng pelikula nina Joshua at Julia Barretto
– Masayang ibinahagi ni Emilienne, rumored girlfriend ni Joshua Garcia, ang kanyang kagalakan matapos mapanood ang pelikulang #UnHappyForYou – Ipinahayag niya ang kanyang paghanga sa talento nina Joshua Garcia, Julia Barretto, at director na si Antoinette Jadaone – Sinabi ni…
Joshua Garcia, ginulat mga fans sa kissing scene nila Julia Barretto sa pinost na BTS video
– Joshua Garcia’s fans were thrilled at his kissing scene with ex-GF Julia Barretto in the “Un/Happy For You” BTS video that he posted – In the video, one can see one scene where the ex-couple hugged and kissed –…
Charlene Gonzalez reacts to Julia Barretto’s stunning photo: “beautiful”
– Julia Barretto didn’t fail to captivate the netizens with her new post on Instagram – The actress showed off her stunning outfit and captioned her post with an ice cream emoji – Furthermore, Julia’s post has gone viral and…
End of content
No more pages to load