– Nanawagan ang ama ni Carlos Yulo na si Mark Andrew Yulo na magkaroon ng pagkakataon na mag-usap ang kanilang buong pamilya
– Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Mr. Yulo na nais niyang linawin ang kanilang mga hindi pagkakaintindihan
– Hiling ni Mr. Yulo na mag-usap-usap ang kanilang pamilya kasama si Chloe upang matapos ang kanilang alitan
– Wala pang pahayag si Carlos Yulo ukol sa panawagan ng kanyang ama
Nanawagan ang ama ni Carlos Yulo, si Mark Andrew Yulo, na magkaroon ng pagkakataon na mag-usap ang kanilang buong pamilya. Sa isang panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Andrew na nais niyang magkaroon ng pag-uusap sa kanilang pamilya upang linawin ang kanilang mga hindi pagkakaintindihan, kabilang na ang mga akusasyon laban sa kanila.
Ama ni Carlos Yulo: “Kahit sa kanila na yung cash, basta magkabalikan lang yung love ng family” Source: Facebook
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Mr. Yulo na binabati niya si Carlos at si Chloe, at umaasa siyang magkakaroon sila ng pag-uusap, partikular na ni Carlos at ng kanyang ina, upang maayos ang anumang isyu na naglalabasan. Iginiit din ni Mr. Yulo na hindi totoo ang mga kumakalat na balita tungkol sa kanilang pamilya.
Ayon pa kay Mr. Yulo, ang kanyang tanging hangad ay mabuo muli ang kanyang pamilya. Hiniling din niya na mag-usap-usap ang kanilang pamilya, kabilang si Chloe, upang matapos na ang kanilang alitan. Dagdag pa niya, kahit pa ibigay na sa iba ang pera, basta’t maibalik lamang ang pagmamahalan sa kanilang pamilya.
Sa ngayon, wala pang pahayag si Carlos Yulo ukol sa panawagan ng kanyang ama. Matatandaang kumalat sa social media ang mga post ni Mrs. Yulo kung saan tila sinuportahan pa nito ang Japan kaysa sa kanyang sariling anak.
Si Carlos Edriel Yulo ay isang tanyag na gymnast mula sa Pilipinas. Siya ay kilala sa kanyang mga kahanga-hangang pagtatanghal sa iba’t ibang gymnastics competitions, partikular na sa floor exercise at vault. Si Yulo ay nagsimulang mag-train sa murang edad at nagkaroon ng pagkakataong mag-aral at magsanay sa Japan, na lalong nagpahusay sa kanyang kasanayan. Siya ang kauna-unahang Pilipino na nanalo ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships noong 2019.
Naging kauna-unahang gymnast at lalaking atleta mula sa Pilipinas si Carlos Yulo na nanalo ng gintong medalya sa 2024 Paris Olympics. Inihayag ng ina ni Yulo na si Angelica Poquiz Yulo ang alitan nila dahil sa kasintahan ni Caloy na si Chloe San Jose.
Hindi nagpatinag si Chloe San Jose sa kabila ng alegasyon na siya ang dahilan ng tensyon sa pagitan ni Carlos Yulo at ng kanyang pamilya. Sa comment section ng post niya, tinanong ni Chloe kung bakit nawala ang video ng panayam sa ina ni Carlos at humingi ng kopya para sa reference.
News
Vice Ganda, may hirit sa English ni Maymay Entrata sa “It’s Showtime”
– Vice Ganda, in one episode of “It’s Showtime,” commented about Maymay Entrata’s evaluation of the Kalokalike contestant – She was an Ariana Grande impersonator, who really nailed it – Maymay was among the judges and she was asked to…
Ogie Diaz, may payo kay Mark Yulo ukol sa bago nitong kontrobersyal na naging pahayag
– Nagbgiay pahayag si Ogie Diaz tungkol sa nasabi ni Mark Yulo sa isa sa mga live videos nito – Alam din umano ni Ogie na hindi pa nagkakausap ng maayos sina Carlos Yulo at kanyang mga magulang – Hiling…
Mark Andrew Yulo, ibinida ang paghanga kay Nesthy Petecio
– Nirepost ni Mark Andrew Yulo ang isang quote card ni Nesthy Petecio kung saan ibinida niya ang paghanga sa mga prinsipyo nito – Tinawag ni Mark Andrew na “idol” si Petecio dahil sa dedikasyon nito sa pagtulong sa kanyang…
Gary Valenciano pens a message of appreciation for Carlos Yulo: ‘A dream come true, a champion, a national hero’
Gary Valenciano is happy and proud to finally meet Filipino double gold medalist Carlos Yulo. Photo credit to @garyvalenciano Instagram Kapamilya singer Gary Valenciano was still in awe after meeting double gold Olympic medalist Carlos Yulo, who previously visited the…
Vice Ganda, nag-react nang tawaging ‘babae’ ni Jhong: Magagalit si Cristy Fermin’
– Usap-usapan ang naging pahayag ni Vice Ganda habang nasa Expecially For You segment ng ‘It’s Showtime’ – Nag-uusap sila ni Jhong Hilario tungkol sa desisyon ng mga magkasintahang maghiwalay nang sabihin ni Jhong na ‘ganyan naman kayong mga babae’…
Vice Ganda, may makulit na nabanggit sa umano’y love life ni Kathryn: “Wala akong sinasabi!”
– May makulit na nabanggit umano si Vice ganda ukol sa love life ni Kathryn Bernardo – Ito ay matapos siyang magkomento sa isang performance sa anniversary concert ni Darren Espanto – Kasama ni Kathryn sina Chie Filomeno at Alora…
End of content
No more pages to load