SINERMUNAN ng veteran actress na si Elizabeth Oropesa ang 2-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo dahil sa umano’y pambabastos nito sa kanyang inang si Angelica Yulo.
Hindi na raw nakayanan ni La Oro ang mga nababasa at naririnig niya tungkol sa kawalang respeto raw ng Pinoy champ sa sariling ina, lalo na ang pagtawag ng binata kay Angelica ng “magnanakaw.”
Hanggang ngayon ay marami pa rin ang nagsasabing maling-mali ang ginagawang paninikis ni Caloy sa sarili niyang pamilya, lalo na kay Angelica at sa ama niyang si Mark Andrew Yulo.
Binabatikos din ang Filipino gymnast ng mga netizens dahil mas pinili pa nitong makasama sa kanyang tagumpay bilang atleta ang dyowa niyang si Chloe San Jose kesa sa mga magulang niya at mga kapatid.
Isa nga ang beteranang aktres na si Elizabeth Oropesa sa mga naglabas ng saloobin tungkol sa kontrobersyang kinasasangkutan ng Yulo family, sa pamamagitan ng TikTok video.
“I can’t help it anymore. Masyado nang matindi ang tabas ng dila ng batang ito, hindi ko na kinaya,” ang simulang pahayag ni La Oro.
Ayon sa premyadong aktres, nasasaktan siya para kay Angelica at hindi na raw niya kayang tiisin ang nararamdaman kaya nagsalita na siya.
“Hindi po ako sang-ayon, the way he is treating his mother is horrible. Wala po akong pakialam doon sa girlfriend niya kung sino man ‘yun, siya bilang anak, hindi dapat nagtatrato ng magulang nang ganyan. Kahit anong sabihin, mali po ‘yun.
“‘Yun pong pagtulong sa magulang ay hindi responsibilidad, ito po ay galing sa puso ng taong marunong magmahal sa kapwa, ke nanay mo o hindi, lalo na kung nanay mo,” lahad ni La Oro.
Pagpapatuloy niya, “Kung mabuti kang tao, hindi ka magsasalita ng kung ano-ano doon sa babaeng pinanggalingan mo kaya ka nabuhay.”
Para kay Elizabeth, kawalang-respeto raw ang ipahiya ni Caloy ang ina sa social media at sabihan ito ng kung anu-anong masasakit na salita.
Sana raw ay inayos nila ang kanilang problema sa pribadong paraan at hindi na gumawa ng video para idiin si Angelica.
“Hijo, Caloy, marami kang hindi alam. Alam mo parang masyadong matigas na ang puso mo.
“Sino ba ang nagturo sa iyo niyan, hindi ka naman siguro tinuruan ng nanay mo nang ganyan, kahit ano pang kasalanan ng nanay mo, nanay mo pa rin ‘yan. Kahit gaano kasama ang ina, ina mo pa rin ‘yan, tandaan mo ‘yan.
“Hihiyain mo ‘yung mother mo? Tatawagin mong magnanakaw? Tandaan mo, your cells, galing sa ina mo, hanggang mamatay ka.
“Kahit patay na na ang ina mo, iyan ang tutulong sa health mo, iyan ang reason kung bakit ang galing mong athlete, tanga!” ang talak pa ni Elizabeth.
Dagdag pa ng aktres, sobrang nahe-hurt siya kapag may mga anak na nambabastos at nagsasalita nang hindi maganda sa kanilang mga magulang.
Bukas ang BANDERA sa magiging reaksiyon ni Carlos sa mga pahayag ni La Oro.
News
Chloe San Jose, Matapang na Sinagot ang Isang Netizen Bakit Walang Suot na Bra: “WALA PO PAMBILI”
Nagbigay ng diretsahang sagot ang nobya ni Carlos Yulo na si Chloe San Jose matapos mapansin ang isang komento mula sa netizen na nagtanong kung bakit tila hindi siya nagsusuot ng bra. Sa kanyang Instagram post, napansin ng isang…
Leyna Bloom clarifies she’s the first Filipina to walk Paris runway before Pia Wurtzbach
Leyna Bloom (left) and Pia Wurtzbach | Image: Instagram/@leynabloom, @piawurtzbach Filipino-American transgender model Leyna Bloom looked back on the time that she made history as the first Filipina to walk the L’Oréal Paris runway, after Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach made…
KimPau Alert‼️ Kim Tinawag Na Mrs Avelino Sa Korea
Kim Chiu, kilalang aktres at host, ay tinawag na “Kim Chiu Avelino” sa Korea, na nagdulot ng labis na kilig sa kanyang mga tagahanga, lalo na sa mga tagasuporta ng kanilang tambalang KimPau. Sa kasalukuyan, naroroon si Kim sa…
Detalye Sa Kidney Operation Ni Zsa Zsa Padilla at Kumusta Na Ang Kalagayan Niya Ngayon?
Zsa Zsa Padilla ay nagbigay ng update tungkol sa kanyang kalusugan sa pamamagitan ng Instagram. Siya ay kasalukuyang nasa Singapore para sa kanyang post-operative checkup. Ayon sa kanya, nakapag CT urogram siya at naalis na ang stent mula sa…
Pamilya Yulo “for Sale” Na Ang Bahay Mark Andrew Yulo Inamin Ang Totoong Dahilan! Naghihirap Na?
Ang ari-arian na binili ng pamilya Yulo sa Cavite ay kasalukuyang ibinebenta. Ayon sa isang post mula sa isang kamag-anak ni Gng. Angelica Yulo, ang property na matatagpuan sa isang subdivision sa Imus, Cavite, ay bukas na ngayon para sa…
Elizabeth Oropesa, nagbahagi ng mensahe para kay Carlos Yulo
– Pinangaralan ni Elizabeth Oropesa si Carlos Yulo sa isang TikTok video dahil sa umano’y hindi magandang pakikitungo nito sa kanyang ina – Ipinahayag ni Oropesa na mali ang pagtrato ni Yulo sa kanyang ina at dapat itong igalang anuman…
End of content
No more pages to load