CYNTHIA CARRION, SINABIHAN UMANO NI CARLOS YULO TUNGKOL SA SAMA NG LOOB NG GYMNAST SA PA-MEDIA NG KANYANG INA.

May be an image of 2 people and text that says '" P We are wondering why in his stage of winnings, they will come up with media saying things against him. Carlos is just wondering and we were wondering why? Carlos thinks that his mother wants him to lose. ILIPINA CynthiaCarrion Cynt Cynthia Carrion pinoytrend.net net'
Inamin ni Gymnastics Association of the Philippines (GAP) President Cynthia Carrion na sinusubukan niyang kumbisihin ang two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo na tigilan na ang pag-iisip ng masama sa kanyang inang si Angelica Yulo.

Sa panayam sa kanya, sinabi ni Carrion na nagtataka si Carlos kung bakit gumawa ng eksena si Mrs. Yulo sa gitna ng kompetisyon nito sa 2024 Paris Olympics.

Ayon kay Carrion ay napatawad na noon pa ni Carlos ang kanyang ina at nagbabalak na sana itong makipag-ayos pagkatapos ng Olympics.

Matatandaan na pinag-piyestahan sa social media ang isyu sa pamilya ni Carlos matapos mag-post si Mrs. Yulo ng “Japan parin talaga… Lakas!”

Lalo pa itong lumala ng bigla na lamang magpa-interview si Mrs. Yulo sa media bago ang laban ni Carlos para sa kanyang ikalawang gintong medalya.

“We are wondering why in his stage of winnings, they will come up with media saying things against him. Carlos is just wondering and we were wondering why? Carlos thinks that his mother wants him to lose,” aniya.

Ngunit naniniwala si Carrion na mali ang iniisip ni Carlos kaya naman gumagawa siya ng paraan para pag-ayusin ang pamilya.

“I’ve been trying to talk to the mother, I’ve been trying to make her reach out to her son and I’ve been trying to talk to Carlos to reach out to his mother. I want them to be talking, I want them to be a family,” wika pa niya.

Sinabi pa ni Carrion na kailangan muna siguro ng oras ni Carlos para magpalamig.

“She (Angelica) wants to be acknowledged, but you know… give him (Carlos) time… I promise you, I will do my best to make it work out because for me, family is important,” ani Carrion.

Hindi rin naman umano mapipilit ni Carrion si Carlos dahil dapat manggaling sa puso nito ang desisyon na makipag-ayos sa kanyang mga magulang.