DIRETSAHANG sinabi ni 2-time Olympic gold medalist at Filipino gymnast na si Carlos Yulo na gusto niyang magkaroon ng baby.
Isa raw iyan sa talagang mga pinapangarap niya sa buhay at sana raw ay biyayaan sila ng kanyang girlfriend na si Chloe San Jose ng sarili nilang anak pagdating ng tamang panahon.
Sa interview episode ng “Toni Talks” kay Caloy, naitanong sa kanya ni Toni Gonzaga kung ano nga ba ang naibibigay ng relasyon nila ni Chloe sa kanilang personal lives.
Sagot ni Carlos, “Peace and ‘yung motivation na gawin ‘yong mga gusto kong gawin sa buhay ko po.”
Dugtong pa ng Pinoy champion, “And siyempre like in the future, kung magkapamilya na po kami. Kasi gusto ko pong magkaroon ng baby po. Gusto kong maging tatay po, e.”
Reaksyon naman ni Toni sa naging pahayag ni Carlos, “Ready ka na at 24?”
“In the future naman po,” nangingiting sagot ni Caloy.
Sey pa ng Pinoy Olympian, masasabi niyang si Chloe na ang kanyang “the one” at palagi niyang ipinagdarasal na sana’y pang-forever na nga ang pagsasama at pagmamahalan nila ng kanyang girlfriend.
Nauna rito, naibalita na rin namin ang naging sagot ni Carlos sa tanong ni Toni na, “Kasi we are hearing one side of the story, but you are not sharing your side of the story. Bakit?”
Sagot ng binta, “Personal po kasi masyado eh. Like, hindi na rin po para malaman ng tao, ng buong sambayanan yung nangyari.
“Basta ako, alam ko po sa sarili ko, sa puso ko na napatawad ko sila and inamin ko sa sarili ko na nagkamali ako.
“Kinarma na ako kasi mali nga naman na sagutin mo sila ng ganu’n, na…siyempre emosyonal ka na po, eh. Gusto mo ipaglaban yung sarili mo and yung relationship niyo.
“Alam ko kung ano yung mali ko, tinanggap ko yun, ipinagdasal ko yun kay Lord, humingi ako ng tawad,” mahabang tugon ni Carlos.
Nauna rito, may FB follower naman si Chloe na naniniwalang darating din ang panahon na magkakasundo rin sina Carlos at mga parents niyang sina Mark Andrew Yulo at Angelica Yulo.
“Try to reunite and compromise with Caloy’s family. Chloe Anjeleigh San Jose you both will be blessed more,” payo ng isang netizen.
Ang makahulugang sagot sa kanya ni Chloe, “Reunion and compromise isn’t going to happen when the other party’s not willing to do so too.”
News
Vice Ganda, Sinupalpal Si Xian at Sinabing Hindi Kawawa Si Kim Chui
Vice Ganda, ipinagtanggol si Kim Chiu laban sa mga nagpapahayag ng kanilang hindi magandang opinyon. Si Vice Ganda ay isa sa matagal nang kaibigan ni Kim Chiu sa industriya ng showbiz, at tunay na kaibigan ang turing niya sa…
Cristy Fermin sa suspension ng ‘Showtime’: “Kasalanan ng dalawa, kasalanan ng lahat”
– Cristy Fermin recently stirred buzz on social media after reacting to “It’s Showtime’s” suspension – Previously, MTRCB made headlines when they announced the show’s 12-day suspension – Following this news, Cristy addressed the matter with her co-host, Romel Chika…
KAPATID NI CARLOS YULO, MAY GALIT RIN KAY CHLOE SAN JOSE
Hindi lamang si Carlos Yulo at ang kanyang mga magulang ang may hinanakit kay Chloe San Jose, kundi pati na rin ang kanyang kapatid na si [Pangalan ng Kapatid]. Ayon sa mga ulat at ilang mga social media posts, may…
Mark Andrew Yulo MULING NAGMAKAAWA kay Caloy na PATAWARIN na SILA BAGO pa SILA “MAWALA” sa MUNDO!
Mark Andrew Yulo Muling Nagma-makaawa kay Caloy na Patawarin na Sila Bago pa Sila “Mawala” sa Mundo Sa isang emosyonal at desperadong pahayag, muling nagmakaawa si Mark Andrew Yulo sa kanyang anak na si Carlos “Caloy” Yulo, ang tanyag na…
Carlos Yulo speaks up about family rift: “Nakarma na ako…”
Carlos Yulo on worsening family rift: “Basta ako, alam ko po sa sarili ko, sa puso ko na napatawad ko na sila and inamin ko sa sarili ko na nagkamali ako. Kinarma na ako kasi mali nga naman na sagutin…
Lagot! Manny Pacquiao Bumanat Kay Carlos Yulo Dahil Bastos Na Ugali at Kawalang Respeto Sa Magulang!
Naging mainit ang usapan sa pagitan ng dating senador at kilalang boksingerong Pilipino na si Manny Pacquiao at ang dalawang beses na gintong medalist na si Carlos Yulo. Ipinahayag ni Pacquiao ang kanyang saloobin sa mga aksyon ni Yulo na…
End of content
No more pages to load