Inamin ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo na kahit ilang beses na siyang nagtagumpay at tumanggap ng mga malalaking insentibo, hindi pa rin niya alam kung paano gagastusin ang mga ito. Sa isang panayam, sinabi ni Carlos na hindi siya isang materialistic na tao at noon ay tanging sasakyan lamang ang kanyang pinapangarap.

“Siguro nu’ng una po ako gusto ko sasakyan. Kaso binigyan na po ako ng Toyota, e. So I don’t have to buy na po,” ani Carlos. Dahil dito, napagtanto niyang hindi na niya kailangan bumili ng kotse, at mas pipiliin niyang gastusin ang insentibo sa mga bagay na kailangan niya sa kanyang gymnastics career, tulad ng mga kagamitan sa gym.

“Siguro sa mga gym stuff ko po na kailangang gastusan, du’n po ako magpo-focus. Sobrang bonus na po kasi talaga yung dumadating sa buhay ko,” dagdag ni Carlos, na pinapakitang ang mas mahalaga sa kanya ay ang kanyang mga tagumpay sa sports kaysa sa mga materyal na bagay. Ayon pa sa kanya, ang pinakamahalaga sa lahat ng kanyang natanggap ay ang mga gintong medalya, dahil ito ang katuparan ng kanyang pangarap mula pa pagkabata.

Sa kabila ng lahat ng ito, hindi naman direktang nasagot ni Carlos ang tanong tungkol sa kung sino ang humahawak ng kanyang mga finances sa kasalukuyan, na nag-iwan ng tanong sa ilan kun