Muling pinatunayan ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo ang kanyang kakayahan hindi lamang sa larangan ng gymnastics kundi pati na rin sa mundo ng endorsements. Kamakailan lamang ay inanunsyo ang kanyang bagong partnership bilang ambassador ng Choco Barley, isang brand na kilala sa mga produktong may halong barley at chocolate.

Matapos ang maraming taon bilang mukha ng Milo, isang iconic brand na naging kaakibat ng mga atleta, tila mas pinili ngayon ni Carlos Yulo ang mas natural at healthy na alternatibo – ang Choco Barley. Ayon sa mga ulat, ang naturang brand ay nagbibigay-diin sa healthy lifestyle, partikular na sa mga bata at atleta na nais mapanatiling malusog ang kanilang katawan habang mas pinapahusay ang kanilang performance.

Sa isang opisyal na pahayag, ibinahagi ni Carlos ang kanyang pananabik bilang bagong ambassador ng Choco Barley. Aniya, “Excited ako maging bahagi ng Choco Barley family. Naniniwala ako sa produktong ito dahil nagpo-promote ito ng tamang nutrisyon, na mahalaga lalo na sa mga tulad ko na nasa sports.”

Ang Choco Barley ay isang inumin na may kakaibang blend ng barley at tsokolate, kilala sa pagiging masarap at masustansya. Sa tulong ni Carlos Yulo bilang kanilang ambassador, inaasahan ng brand na mas marami pang tao ang mahikayat na subukan ang kanilang produkto.

Marami ang umaasa na magtutuluy-tuloy ang tagumpay ni Carlos, hindi lamang sa larangan ng palakasan kundi pati na rin sa industriya ng mga endorsements. Sa paglipat niya mula sa Milo patungo sa Choco Barley, mas pinapatibay niya ang kanyang reputasyon bilang isang huwarang atleta na nagbibigay importansya hindi lamang sa kanyang pagganap, kundi pati na rin sa kanyang kalusugan.