– Hot topic si Carlos Yulo hindi lamang bilang isang atleta kundi pati na rin sa kanyang natatanging fashion sense
– Naging usap-usapan ang suot niyang cropped shirt sa isang biyahe sa South Korea kasama ang kasintahang si Chloe San Jose
– Maraming netizen ang humanga sa kanyang pagiging nonconformist sa pananamit
– Pareho silang mahilig sa fashion at luxury brands ng kanyang kasintahan na si Chloe
Si Carlos Yulo, na kilala bilang “Golden Boy” ng Pilipinas, ay unti-unting nagiging usap-usapan hindi lamang dahil sa kanyang galing sa larangan ng gymnastics kundi pati na rin sa kanyang kakaibang fashion sense.
Carlos Yulo, nagbahagi ng bagong pictures kasunod ng mga komento sa ‘crop top’ outfit niya (@c_edrielzxs | Instagram) Source: Instagram
Sa kanyang mga post sa Instagram, napansin ng mga netizen ang pagkahilig ni Carlos sa mga modernong kasuotan, kabilang na ang kanyang mga outfit sa biyahe nila sa South Korea kasama ang kanyang kasintahang si Chloe San Jose, isang content creator.
Isa sa mga pinag-usapang outfit ni Carlos ay ang kanyang suot na cropped shirt na nakapukaw ng atensyon ng online community. Marami ang nagbigay ng kani-kanilang opinyon ukol dito, ngunit karamihan ay sumusuporta sa kakaibang estilo ni Carlos. Napuno ang comment section ng mga papuri mula sa kanyang mga followers na humanga sa kanyang pagiging hindi tradisyonal sa pananamit.
Sa kanyang Instagram account ay nagbahagi siya ng kanyang solo pics kasunod ng nag-viral niyang picture kasama si Chloe suot ang kanyang cropped shirt.
Hindi lamang si Carlos ang may hilig sa fashion, kundi pati na rin ang kanyang kasintahang si Chloe. Ayon sa ilang tagasubaybay, pareho nilang sinusuportahan ang kani-kanilang mga istilo, kaya’t lagi silang nagiging patok sa mata ng publiko kapag magkasama. Malinaw na ang “Golden Boy” ng Pilipinas ay hindi lamang magaling sa pagbuo ng mga panalong performance sa gym, kundi pati na rin sa pagbuo ng mga makabagong fashion ensemble para sa anumang okasyon.
Si Carlos Edriel Yulo ay isang tanyag na gymnast mula sa Pilipinas na nagningning sa mga kumpetisyon sa gymnastics, partikular sa floor exercise at vault. Mula pagkabata, nagsimula na siyang magsanay, at nabigyan siya ng pagkakataong mag-aral at mag-ensayo sa Japan, kung saan lalo pang pinahusay ang kanyang mga kakayahan. Noong 2019, siya ang kauna-unahang Pilipino na nakasungkit ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships.
Ngayong 2024 Paris Olympics, si Yulo rin ang naging unang lalaking atleta at gymnast na mula sa Pilipinas na nag-uwi ng dalawang gintong medalya. Samantala, ibinunyag ng ina ni Carlos Yulo na si Angelica Poquiz Yulo ang kanilang samaan ng loob ay dahil sa daw kasintahan ng anak na si Chloe San Jose.
Sa gitna ng mgaakusasyon ay espikulasyon na siya ang ugat ng tensyon sa pagitan ni Carlos at ng kanyang pamilya, nanatiling matatag si Chloe San Jose. Sa comment section ng post niya, tinanong pa niya kung bakit nawala ang video ng panayam sa ina ni Carlos at humiling siya ng kopya para daw sa kanyang reference.
News
RR Enriquez, nag-react sa usap-usapang outfit ni Carlos Yulo
– Recently, the Olympian posted photos of him wearing a stylish ensemble, including a crop top – In her commentary, the dancer-turned-entrepreneur stressed that “we are in 2024” – She noted that Gen Z individuals are unafraid to experiment with…
Chloe San Jose, ibinida ang love letter ni Caloy para sa kanya
– Binahagi ni Chloe San Jose ang natanggap niyang bulaklak at letter mula sa kanyang boyfriend na si Carlos Yulo – Ito ay sa pagdiriwang nila ng kanilang ika-52 na buwan bilang magkasintahan – Mababasa sa sulat ni Carlos ang…
Angelica Yulo, Ibinida ang anak na Gymnastics Coach at national judge
– Ipinagmalaki ni Angelica Yulo ang kanyang panganay na anak na si Jorielgel Yulo bilang isang coach at national judge sa gymnastics – Nagsimula si Jorielgel bilang gymnast noong elementarya at high school, at naging bahagi ng N.U. Pep Squad…
Karl Eldrew Yulo, Mataas ang Pag-asa na Magwagi ng Gold Medal sa Susunod na Olympics, Ayon sa Presidente ng Gymnastics Association of the Philippines
Matapos ang tagumpay ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo, isa na namang Yulo ang inaasahang susunod sa yapak ng kanyang kuya sa larangan ng gymnastics. Ipinahayag ng Presidente ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP)…
Carlos binoldyak ni La Oro: Masyado nang matindi ang tabas ng dila!
SINERMUNAN ng veteran actress na si Elizabeth Oropesa ang 2-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo dahil sa umano’y pambabastos nito sa kanyang inang si Angelica Yulo. Hindi na raw nakayanan ni La Oro ang mga nababasa at naririnig niya tungkol sa kawalang…
Chloe San Jose, Matapang na Sinagot ang Isang Netizen Bakit Walang Suot na Bra: “WALA PO PAMBILI”
Nagbigay ng diretsahang sagot ang nobya ni Carlos Yulo na si Chloe San Jose matapos mapansin ang isang komento mula sa netizen na nagtanong kung bakit tila hindi siya nagsusuot ng bra. Sa kanyang Instagram post, napansin ng isang…
End of content
No more pages to load