– Sinagot ni Chloe San Jose ang komento ng ama ni Carlos Yulo tungkol sa isyu ng pamilya
– Ibinunyag ni Chloe ang mga pangyayaring nagdulot ng alitan sa pagitan ni Carlos at ng kanyang ina
– Inihayag ni Chloe na matagal na silang nag-sorry at nag-try makipag-usap sa pamilya ni Caloy
– Binigyang-diin ni Chloe na nakapagpatawad na sila at patuloy silang nagdarasal para sa kapayapaan
Mainit na usapin ang nabuo matapos magkomento ang ama ni Carlos Yulo, si Mark Andrew Yulo, sa isang post ng kanyang anak sa social media. Sa kanyang komento, ipinahayag ni Mark Andrew ang kanyang kasiyahan sa mga narating ni Caloy, ngunit binigyang-diin niya na dapat itong mag-sorry sa kanyang ina na sinabihan umano ni Caloy ng “magnanakaw.”
Chloe San Jose, sinagot ang komento ng ama ni Carlos Yulo Source: Facebook
Hindi naman ito pinalampas ni Chloe San Jose, isang malapit na kaibigan ni Carlos Yulo, at agad itong nagbigay ng kanyang saloobin sa naturang komento. Sinabi ni Chloe, “Pasensya na po kayo tito, alam ko po na hindi po ikaw ang nag-comment nito. Pero kung gusto niyo po talaga ng ganito, bat hindi niyo din po sabihin na sinumpa po siya ni Tita Angge na gagapang si Caloy sa lupa before po siya mag-qualify sa Olympics last year.”
Chloe San Jose, sinagot ang komento ng ama ni Carlos Yulo Source: Facebook
Dagdag pa ni Chloe, ibinahagi niya ang ilang pangyayari noong nakaraan na ayon sa kanya ay naging dahilan ng kanilang alitan. Ayon kay Chloe, “Matagal na panahon at ilang beses na po kami nag-sorry ni Caloy at nag-try makipag-usap po sa inyong lahat, pero bakit po ganito?” Gayunpaman, binigyang-diin ni Chloe na nakapagpatawad na sila ni Caloy at patuloy silang nagdarasal para sa kapayapaan at paggabay.
Si Carlos Edriel Yulo ay isang kilalang gymnast mula sa Pilipinas na nagpakitang-gilas sa mga gymnastics competitions, lalo na sa floor exercise at vault. Bata pa lamang si Yulo nang magsimula siyang mag-ensayo, at nagkaroon siya ng pagkakataong mag-aral at magsanay sa Japan, kung saan higit pang nahasa ang kanyang kakayahan. Siya ang unang Pilipino na nagwagi ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships noong 2019.
Matatandaang nag-post si Chloe San Jose ng mga larawan mula sa condominium ni Carlos Yulo.Ibinigay ng Megaworld ang P32 milyong condo bilang regalo kay Carlos dahil sa kanyang tagumpay. Pinuri naman ni Carlos ang bagong hairstyle ni Chloe sa social media. Umugong ang espekulasyon ng mga netizen na maaaring naninirahan na si Chloe sa condo ni Carlos.
Samantala, ibinulgar ni Chavit Singson na hindi na makontak ng pamilya niya si Carlos Yulo. Nag-alok si Singson ng P5-M pabuya para sa pagbabati-bati ng pamilya ni Yulo. Hinimok ni Singson si Caloy na unahin ang kanyang pamilya sa kabila ng tagumpay. Patuloy na umaasa si Singson na maaayos ang gusot sa pagitan ni Yulo at ng kanyang pamilya.
News
SHOCK: Ion Perez breaks silence on rumours ‘CHEATING’ on Vice Ganda
PHOTO: @praybeytbenjamin on Instagram Ion Perez took to Instagram to address bashers who think he will cheat on Vice Ganda! Ion Perez condemned accusations made by critics that he will most likely cheat on his partner, the Phenomenal Box Office Star Vice…
SHOCK VIDEO: VICE GANDA’S WIG BEING PULLED IN CANADA, AND HIS CALM REACTION
Photo lifted from the Instagram account of Kapamilya host Vice Ganda. @praybeytbenjamin via Instagram MANILA, Philippines — Host-comedian Vice Ganda kept a calm composure as he confronted a couple of fans who tried to pull his wig while at a concert…
Gerald Anderson, inihayag naramdaman sa pelikula ni Julia at Joshua: “Awkward talaga trabaho namin”
– Gerald Anderson, in an interview with ABS-CBN, expressed what he felt about the movie of Julia Barretto and Joshua Garcia – In an interview, he was first asked of his reaction about rumors about him and Julia, as well…
Rumored gf ni Joshua Garcia, nanood ng pelikula nina Joshua at Julia Barretto
– Masayang ibinahagi ni Emilienne, rumored girlfriend ni Joshua Garcia, ang kanyang kagalakan matapos mapanood ang pelikulang #UnHappyForYou – Ipinahayag niya ang kanyang paghanga sa talento nina Joshua Garcia, Julia Barretto, at director na si Antoinette Jadaone – Sinabi ni…
Joshua Garcia, ginulat mga fans sa kissing scene nila Julia Barretto sa pinost na BTS video
– Joshua Garcia’s fans were thrilled at his kissing scene with ex-GF Julia Barretto in the “Un/Happy For You” BTS video that he posted – In the video, one can see one scene where the ex-couple hugged and kissed –…
Charlene Gonzalez reacts to Julia Barretto’s stunning photo: “beautiful”
– Julia Barretto didn’t fail to captivate the netizens with her new post on Instagram – The actress showed off her stunning outfit and captioned her post with an ice cream emoji – Furthermore, Julia’s post has gone viral and…
End of content
No more pages to load