Kumakalat ngayon ang mga balita na umano’y tinanggihan ng Jollibee si Carlos Yulo bilang kanilang brand ambassador dahil sa isyu sa pagitan ng kanyang pamilya. Bagama’t wala pang opisyal na kumpirmasyon mula sa Jollibee o kay Carlos mismo, maraming netizens ang nagpahayag ng kani-kanilang opinyon sa nasabing chismis.

Ayon sa mga haka-haka, ang imahe ng Jollibee bilang isang tatak na nakatuon sa pagpapahalaga sa pamilya ay tila hindi angkop sa kasalukuyang sitwasyon ni Carlos, lalo na’t nahaharap siya sa kontrobersya kaugnay ng isyu sa kanyang pamilya. Ipinapahiwatig ng mga opinyon na hindi raw nababagay si Carlos na maging mukha ng isang brand na nagtataguyod ng family values kung may tensyon sa kanyang personal na buhay.

Marami rin sa mga netizens ang nagsabi na ang Jollibee ay tungkol sa pagpapahalaga sa pamilya, at kung totoo man ang tsismis, maaaring ang nasabing isyu ang naging dahilan ng desisyon ng kompanya na huwag kunin si Carlos bilang ambassador.