– Naikwento ni Chloe San Jose ang kanyang mga dinanas sa kanyang kabataan
– Aminadong hindi naging madali ang kanyang sinapit na dumating pa sa puntong kinailangan niyang maghintay na maging 18-anyos
– Gayunpaman, aminado si Chloe ang mga karanasang ito ang nagpatatag sa kanya
– Naging kontrobersyal si Chloe sa kasagsagan ng pagkapanalo ng dalawang gold medal sa Paris Olympics ang kanyang nobyong si Carlos Yulo
Isa sa mga naibahagi ni chloe San Jose sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga ay ang kanyang pinagdaanan noong siya’y menor de edad pa lamang sa Australia.
Chloe San Jose, naikwento sa Toni Talks ang matinding dinanas sa kanyang kabataan (Toni Gonzaga Studios) Source: Instagram
Buong tapang na isiniwalat ni Chloe ang pinagdaanan na aniya’y nagpatatag naman sa kanya.
“Pero’nung nag-11 po ako and then 18, parang ang tough po ng naging, hindi po dahil sa adjustment. Relationship po talaga with like family members po na nandun sa Australia po,” panimula niya
“I experienced po domestic violence. Sa’kin po and witnessed also,” giit ni Chloe.
“Kaya ‘nung 16, gusto ko na po talagang umalis po. Pero since minor po ako, I couldn’t. So nag-intay pa po ako ng two years mag-18 para po makaalis.”
Nang magkaroon ng pagkakataon, aminado si Chloe na naglayas na lamang siya
“‘Yun po, kaya nami-misunderstood ‘yung tapang ko po kasi po they don’t know naman what happened sa early childhood ko po.”
Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:
Si Chloe San Jose ang girlfriend ng tanyag na gymnast ang pinagmamalaki ng Pilipinas na si Carlos Yulo. Si Carlos ang kauna-unahang Pilipino na nanalo ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships noong 2019. Sa natapos na Paris Olympics ngayong taon, dalawang gintong medalya ang naiuwi ni Carlos na mga panibagong karangalan para sa Pilipinas.
Samantala, gumulantang naman sa publiko ang naging post ng ina ni Carlos, ilang araw bago masungkit ng anak ang gold medal sa Artistic Gymnastics, Men’s Floor exercises mula sa Paris Olympic Games 2024.
Nasundan pa umano ito ng ilang sinasabing reaksyon ng girlfriend nitong si Chloe San Jose sa umano’y isyu na ito ng mag-ina na sa kasamaang palad ay lumitaw sa kasagsagan ng tagumpay na natamo ni Carlos. Gayunpaman, hangad na marami na magkaayos parin silang mag-ina
News
Ginawa Ng Ina Kay Chloe San Jose Pinagmalupitan Sa Australia Kaya Tumapang
Si Chloe San Jose, isang kilalang content creator, ay nagbigay ng paliwanag kung bakit siya nagdesisyon na umalis sa pangangalaga ng kanyang ina sa Australia. Sa isang panayam kasama si Toni Gonzaga, inilahad ni Chloe ang kanyang mga karanasan…
Carlos Yulo Pinatamaan Ang Milo Chocolate Drink Sa Isang Commercial?
Si Carlos Yulo, na dalawang beses nang nagwagi ng gintong medalya sa Olympics, ay kilala dati bilang endorser ng isang tanyag na brand ng chocolate drink. Subalit, matapos ang kanyang matagumpay na paglahok sa 2024 Paris Olympics, tila may…
Starstruck Transman Jesi Corcuera, Inanunsyo Ang Kanyang Pagbubuntis
Ibinahagi ni Jesi Corcuera, isang alumnus ng Starstruck, sa kanyang mga tagasubaybay ang kanyang makabuluhang desisyon na magbuntis. Kilala bilang isang transman, inilahad ni Jesi na sa wakas ay natagpuan na niya ang kanyang tunay na tawag sa buhay…
OMG!!! CARLOS YULO AND CHLOE SAN JOSE’S HAVE HINTED AT A GROWING RIFT. YULO FAMILY IS WINNING BACK HIS SON?
Sa mundo ng gymnastics, kung saan ang katumpakan, dedikasyon, at pagtutulungan ay napakahalaga, kahit ang pinakamalalakas na ugnayan ay maaaring makaranas ng hamon. Ito ay naging maliwanag sa nagdaang isyu sa pagitan ng Pilipinong gymnast na si Carlos Yulo at…
Chloe, ‘Unbothered’ Pag Sinasabihang Bad Influence Kay Caloy
Nagbigay ng kanyang pahayag si Chloe San Jose tungkol sa mga akusasyong siya raw ang masamang impluwensya sa kanyang nobyong si Carlos Yulo, na isang two-time Olympic gold medalist. Sa pinakabagong episode ng “Toni Talks” na ipinalabas noong Oktubre 6,…
Jackie Gonzaga Nagsalita Na Sa Wakas! Nabuntis Daw Ni Ion Perez Issue- Fake News Daw!
Tila naguluhan ang host ng It’s Showtime na si Jackie Gonzaga sa mga bali-balitang naglipana online tungkol sa diumano’y pagbubuntis niya, at ang kanyang co-host na si Ion Perez ang pinaghuhunalang ama. Sa kanyang livestream sa TikTok, nagulat si…
End of content
No more pages to load