– Nakwento ni Vice Ganda kung paano nagsimula ang muli nilang pag-uusap ni Billy Crawford
– Aniya, sa isang event kung saan naroroon din ang mag-asawa, nakita ni Vice Ganda si Coleen at pinansin niya ito
– Nakiusap daw ni Coleen sa kanya na magbati na daw sila ng asawa nitong si Billy dahil alam niya kung gaano kahalaga ang pagkakaibigan nila sa isa’t-isa
– Dagdag pa ni Vice Ganda, sino daw ba ang makakatanggi sa pakiusap na ito ni Coleen lalo at damang-dama niya ang sinseridad nito
Binahagi ni Vice Ganda kung paano nagsimula ang pagbabati nila ng kaibigang si Billy Crawford. Nang magkita daw sila ni Coleen sa isang event ay nakiusap ito na magbati na sila ni Billy.
Coleen Garcia kay Vice Ganda nang magkita sila: “Magbati na kayo please” Source: Youtube
Ani Vice, masaya siya at ramdam niya na iyon daw ang tamang panahon. Ramdam na ramdam daw niya ang sensiridad ni Coleen.
Story time kung paano kami nagkita ni Billy. Si Coleen ang nakita ko sabi ko Hi Coleen Bye.Tas sabi niya magbati na kayo please tapos nung nakita ko si Billy di ko alam kung anong gagawin ko. Sabi niya sige na please.
Dagdag pa ni Vice, nasaksihan ni Coleen kung gaano kahalaga para sa kanila ang pagkakaibigan nila.
Paano ka mag-no no kay Coleen, tapos ang mukha niya ang sincere. Tapos alam niya kung gaano kahalaga yung relationship namin ni Billy, nasaksihan niya.
Sagot naman ni Coleen, pinaliwanagan niya si Billy na parehas lang silang nasaktan dahil mahal nila ang isa’t-isa.
And pareho kayong nasaktan. Yun yung sinasabi ko kay Billy. Sabi niya, Eh sinaktan niya ako eh. Sabi ko kasi you’re also in pain so lahat ng nasasabi niyo, nagagawa niyo its all coming from a place of pain. You have to understand din na minsan may nagagawa tayo, may nasasabi tayo because nasasaktan din tayo. Its not because masama yung iniisip mo tungkol sa isang tao pero dahil nga mahal na mahal mo yung isang tao kaya ka nasasaktan.
Pagkatapos daw ng event na ito ay nag-te-text na sila kaagad ni Billy pagsakay pa lang niya sa kanyang sasakyan.
Korek. Kaya at that point, walang pagdadalawang-isip. It was the perfect time. I felt so good kaya nung naghiwalay kami text kami agad ni Billy. As in pagsakay ko pa lang ng kotse nagtetext na kami, nagtatawagan na, nagsesendan na kami ng kung anu-anong picture. Ganun agad, parang this is the perfect time ang sarap-sarap sa pakiramdam.
Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It’s Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.
Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.
Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.
News
Kim Chiu, di napigilang maiyak sa kwento ni Beverly sa ‘It’s Showtime’
– Kim Chiu, in the latest episode of “It’s Showtime” on ABS-CBN, talked to Beverly – During the episode, Kim turned emotional upon hearing Beverly’s story – The actress even raised the prize money, making Beverly cry – According to…
Kaye Abad, natawa sa alegasyon na isa umano siya sa naging “babae” ni Daniel Padilla
– Nagsalita si Kaye Abad kaugnay sa alegasyong isa siya sa mga naugnay na babae kay Daniel Padilla – Lumabas ang isang blind item kamakailan at kaugnay ito sa mga babaeng iniuugnay sa aktor – Sagot ni Kaye nang hingan…
WATCH: HOW JOSHUA GARCIA SUPPORTED JULIA BARRETTO IN THAT INTENSE ‘UN/HAPPY FOR YOU’ PARKING LOT SCENE SPARKS ROMANTIC RUMOURS
In the high-stakes world of film, the pressure can often feel overwhelming, especially during emotionally charged scenes. But as seen in the behind-the-scenes footage from their much-anticipated reunion film, “Un/Happy For You,” Joshua Garcia and Julia Barretto demonstrate that the…
Kathryn Bernardo and Alden Richards: Tourist Sighting in Calgary Reveals Couple’s Hands Entwined!
Kathryn Bernardo and Alden Richards Spotted Holding Hands in Calgary The charming duo of Kathryn Bernardo and Alden Richards has once again caught the public’s attention, this time in Calgary, Canada. As the two continue to work on their highly…
AiAi delas Alas pinayuhan si Chloe San Jose na wag awayin ang nanay ni Carlos Yulo
– Para kay Aiai Delas Alas, hindi dapat inaaway ni Chloe San Jose ang ina ng kanyang boyfriend – Aniya, kung wala ang nanay niya ay wala siyang boyfriend ngayon lalo at girlfriend pa lang naman daw siya – Sa…
Vice Ganda, halos isang taong hindi pinalabas ng bahay si Awra Briguela
– Ibinahagi ni Awra Briguela ang kanyang mapusong pag-amin kaugnay sa kinasangkutang kontrobersiya sa vlog ni Vice Ganda – Matapos ang kinasangkutang gulo sa Poblacion, Makati, hindi iniwan ni Vice Ganda si Awra – Kwento pa ni Vice, halos isang…
End of content
No more pages to load