– Nilinaw ni Cristy Fermin na wala umano siyang galit kay Vice Ganda tulad ng inaakala ng marami
– Aniya, ang kanyang nagagawa ay bahagi lamang ng kanyang pagiging isang manunulat at taga-ulat
– Matatandaang hindi ito ang unang pagkakataong napuna ni Cristy si Vice Ganda
Binigyang linaw ni Cristy Fermin ang pag-aakala ng marami na may galit umano siya sa It’s Showtime host na si Vice Ganda.
Vice Ganda (@praybeytbenjamin) Source: Instagram
Mayroon umano kasing nagtanong sa kanya tungkol dito at sinabi naman niyang wala siyang sama ng loob sa komedyante.
“May nagtanong po sa akin mga kaibigan ko, ano ang galit mo kay Vice Ganda? Wala. Sagot ko diretso, wala. Galing sa konsensya, galing sa puso ko wala. Wala ping ginagawang anumang masama sa akin si Vice Ganda. Kaya lang bilang bahagi po ng aming trabaho bilang manunulat at humaharap sa inyo sa humaharap sa camera, pinapalakpakan po namin ng tama at amin pong pinapansin ang sa palagay namin at sa aming opinyon ay lumalabis ay kailangan lamang sa himpapawid.”
Gayunpaman, hindi naman naiwasan ni Cristy na maglabas ng saloobin ukol sa umano’y pinakikitang pag-uugali ni Vice ayon sa kanyang pananaw.
At sa akin ano, ‘yung kayabangan ni Vice Ganda, pinaninindigan ko po ‘yan. Mula’t mula po talaga ay naturalesa na talaga ni tong si Vice Ganda ang kayabangan. Nang siya po ay sumikat nagkaroon ng milyones, Lalo pong nakadagdag yun sa lakas ng loob niya para magyabang. Pero yun po siya e. kailangan nating tanggapin na ang tao po, kapag ang naturalesa ay ganun na, kahit ano pong sabihin natin hindi naman siya susunod e. Walang kahit sino na pupwede siya mapagpahinuhod at magpapakumbaba. Naturalesa po ang tawag dun. ‘yun na siya. Kakambal na po ng kanyang inunan ang kanyang kayabangan. ‘Yun ang akin.”
Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:
Si Vice Ganda ay isang TV host at komedyante na tinagurian ding ‘Unkabogable Star’. Sa ngayon, bukod sa It’s Showtime, abala rin si Vice sa paggawa niya ng mga videos para sa kanyang YouTube channel kung saan mayroon na siyang 7.8 million subscribers.
Nito lamang Hunyo 28 ng kasalukuyang taon, pinakaabangan ng lahat ang mensahe ni Vice Ganda sa ginanap na contract signing ng kanyang It’s Showtime family sa GTV. At nito lamang Hulyo 1, isang bonggang opening number ang hinandog ng kanilang programa bilang first episode na mapapanood sila sa GTV.
Samantala, matatandaang pinayuhan pa ni Ogie Diaz si Vice Ganda at mga kasama nito sa It’s Showtime na mag-courtesy call sa MTRCB upang sila ay mas maunawaan ng naturang ahensya na nooo’y wala pang desisyon ukol sa mga reklamong nakarating sa kanila kaugnay ng noontime show.
News
SHOCK: Ion Perez breaks silence on rumours ‘CHEATING’ on Vice Ganda
PHOTO: @praybeytbenjamin on Instagram Ion Perez took to Instagram to address bashers who think he will cheat on Vice Ganda! Ion Perez condemned accusations made by critics that he will most likely cheat on his partner, the Phenomenal Box Office Star Vice…
SHOCK VIDEO: VICE GANDA’S WIG BEING PULLED IN CANADA, AND HIS CALM REACTION
Photo lifted from the Instagram account of Kapamilya host Vice Ganda. @praybeytbenjamin via Instagram MANILA, Philippines — Host-comedian Vice Ganda kept a calm composure as he confronted a couple of fans who tried to pull his wig while at a concert…
Gerald Anderson, inihayag naramdaman sa pelikula ni Julia at Joshua: “Awkward talaga trabaho namin”
– Gerald Anderson, in an interview with ABS-CBN, expressed what he felt about the movie of Julia Barretto and Joshua Garcia – In an interview, he was first asked of his reaction about rumors about him and Julia, as well…
Rumored gf ni Joshua Garcia, nanood ng pelikula nina Joshua at Julia Barretto
– Masayang ibinahagi ni Emilienne, rumored girlfriend ni Joshua Garcia, ang kanyang kagalakan matapos mapanood ang pelikulang #UnHappyForYou – Ipinahayag niya ang kanyang paghanga sa talento nina Joshua Garcia, Julia Barretto, at director na si Antoinette Jadaone – Sinabi ni…
Joshua Garcia, ginulat mga fans sa kissing scene nila Julia Barretto sa pinost na BTS video
– Joshua Garcia’s fans were thrilled at his kissing scene with ex-GF Julia Barretto in the “Un/Happy For You” BTS video that he posted – In the video, one can see one scene where the ex-couple hugged and kissed –…
Charlene Gonzalez reacts to Julia Barretto’s stunning photo: “beautiful”
– Julia Barretto didn’t fail to captivate the netizens with her new post on Instagram – The actress showed off her stunning outfit and captioned her post with an ice cream emoji – Furthermore, Julia’s post has gone viral and…
End of content
No more pages to load