– Nagbigay komento si Cristy Fermin at mga kasama niya sa Showbiz Now Na! sa ilang hosts ng “It’s Showtime” lalo na kay Vice Ganda
– Marami ang nakapansin umano na naulit pa rin ang tila malisyosong pahayag ng ilang mga host ng programa
– Ito ay sa kabila ng paghihintay ng hatol ng MTRCB sa umano’y icing incident nina Vice at Ion
– Matatandaang naging kontrobersyal ito gayung nangyari ito sa harap din ng mga kasama nilang bata sa programa
Isa sa natalakay nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendel Alvarez sa Showbiz Now Na! ang umano’y nagawa pa rin ng ilang It’s Showtime hosts sa kabila ng kontrobersyal na ‘icing incident’ ni Vice Ganda.
Vice Ganda (@praybeytbenjamin) Source: Instagram
Matatandaang naging usap-usapan ito gayung nakarating sa Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB ang naturang insidente at hanggang ngayong tila sinusuring mabuti matapos ang sinasabing paglabag nito sa Section 3 ng Presidential Decree No. 1986.
Ibinahagi nina Cristy na tila may nagawa na naman ang ilang host tulad nina Kim Chiu, at Jackie Gonzaga na nilarawan ang kanilang bulaklak.
“Ito po ‘yung katabi niya si Kim Chiu at saka si Jackie Gonzaga. Ang punto po nilang pinagtatalunan at pinaksa, tungkol po sa bulaklak. Alam naman po nating ang terminong bulaklak ay ginagamit ng mga manunulat, ng mga nobelista, sa napakahalgang parte ng katawan ng isang babae depende na lang po ‘yan sa ating interpretasyon,” ani Cristy na naisalaysay din ang sagot nina Jackie at Kim nang matanong sila ni Vice. Gayundin ang umano’y naging talakayan din ng ilang hosts tungkol naman sa sandata, kabilang muli rito si Vice.
Dahil dito, tila nakaaalarma muli ang napag-usapang ito sa kanilang programa.
“Pa’no ka makikisimpatya sa katulad ni Vice Ganda na alam na nga na nadiyan pa ang problema nila ni Ion Perez na ngayon po ay papalabas na ang magiging verdict ng MTRCB, pero para pang nananadya,” pahayag ni Cristy.
“Sa nobela, ‘yang bulaklak ‘yang sandata, bahagi po ng panulat na talaga namang ang meaning po ay dalawa ang meaning talaga. Kaya sana, kung ganyan na meron ka na ngang kaso, meron na ngang problema, pinagdedesisyunan ng MTRCB kung anong ibibigay na verdict sa inyo. Cool lang, chillax lang. ‘Wag na kayong maghamon… Isang araw, pagsisisihan niyo ang mga ginagawa niyong ‘yan,” dagdag pa niya.
Narito ang kabuuan ng pahayag mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:
Si Vice Ganda ay isang TV host at komedyante na tinagurian ding ‘Unkabogable Star’. Sa ngayon, bukod sa It’s Showtime, abala rin si Vice sa paggawa niya ng mga videos para sa kanyang YouTube channel kung saan mayroon na siyang 7.8 million subscribers.
Nito lamang Hunyo 28 ng kasalukuyang taon, pinakaabangan ng lahat ang mensahe ni Vice Ganda sa ginanap na contract signing ng kanyang It’s Showtime family sa GTV. At nito lamang Hulyo 1, isang bonggang opening number ang hinandog ng kanilang programa bilang first episode na mapapanood sila sa GTV.
Samantala, minsan na ring nabanggit ni Ogie Diaz sa kanyang Showbiz Update channel ang umano’y pamamahinga ni Vice ngayong taon sa Metro Manila Film Festival na ginaganap tuwing Disyembre. Ipinalabas ito sa sinehan sa araw ng Kapaskuhan.
News
Chloe San Jose, naniniwalang gabayan dapat ng magulang mga anak sa pagtingin ng mga pics
– Chloe San Jose, in a screengrab of her reply to a comment shared by FashionPulis, expressed her belief that parents should guide their kids when looking at photos – Earlier, a netizen commented on her post showing photos of…
Regalong Singsing Ni Paulo Avelino Kay Kim Chiu, Million Ang Halaga!
Usap-usapan ngayon ng mga netizens ang regalong singsing ni Paulo Avelino para kay Kim Chiu, na tinatayang nagkakahalaga ng milyon. Ang Kapamilya actress at rumored partner ni Paulo ay naging sentro ng atensyon dahil sa kanyang agaw-pansin na alahas. Ayon…
Nadulas, Kim Chiu Tinawag Na Papi Si Paulo Avelino
Binati ni Paulo Avelino ang aktres na si Kim Chiu sa kanyang pagkapanalo sa Seoul International Drama Awards 2024 na ginanap noong Setyembre 25, Miyerkules. Sa kanyang post sa X, ipinahayag ni Paulo ang kanyang pagbati gamit ang isang…
Carlos Yulo Muling Tinanggal Bilang Endorser Ng Isang Kilalang Company Dahil Sa Isyu Sa Pamilya!
Kasalukuyan, kumakalat ang balita sa social media tungkol sa pag-atras ng isang kilalang kumpanya sa Pilipinas sa kanilang plano na kunin si Carlos Yulo, ang two-time gold medalist, bilang bagong endorser. Ayon sa mga ulat, tinanggal na si Carlos…
Janella Salvador Nagsalita Sa Isyu Sa Its Showtime, Kim Chiu at Vice Ganda Imbiyerna!
Mainit pa ring pinag-uusapan sa ilang mga social media platforms ang aktres na si Janella Salvador matapos makatanggap ng pambabatikos mula sa mga fans ng aktres na si Kim Chiu dahil sa pagbibiro nito noong naging guest ito sa It’s…
“OMG” Daniel IPINAGTAPAT kay Kathryn na isa siyang BAKLA na Sobra Niyang IKINAGULAT!
In an unexpected revelation, Filipino actor Daniel Padilla has reportedly come out as gay to his longtime on-screen partner, Kathryn Bernardo. This unexpected announcement has left Bernardo, along with their fans and the rest of the entertainment industry,…
End of content
No more pages to load