– Puring-puri ni Gymnastics Association of the Philippines (GAP) president Cynthia Carrion ang girlfriend ni Carlos Yulo na si Chloe San Jose
– Sa panayam ng DWIZ News, nabanggit ni Carrion ang tungkol sa pinaplano noon ni Chloe na family dinner kasama ang pamilya ng kanyang boyfriend
– Gayunpaman, dahil sa pagputok ng kontrobersiya ay naudlot ang plano nito
– Aniya, napagpasyahan nilang manahimik na lang muna at titingnan kung ano ang mangyayari
Ibinahagi ni Cynthia Carrion, ang president ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP), ang kanyang pagkagiliw sa girlfriend ni Carlos Yulo na si Chloe San Jose. Ayon kay Carrion, si Chloe ay isang mabait at maalalahaning kasintahan na nagpakita ng tunay na malasakit hindi lamang kay Carlos kundi pati na rin sa kanyang pamilya.
Cynthia Carrion, binahagi ang plano ni Chloe San Jose noon na family dinner Source: Facebook
Sa isang panayam ng DWIZ News, isiniwalat ni Carrion ang naging plano noon ni Chloe na magkaroon ng isang family dinner kasama ang pamilya ni Carlos. Gayunpaman, hindi natuloy ang nasabing dinner dahil sa patuloy na pagputok ng kontrobersiya na nagdulot ng masalimuot na sitwasyon sa pagitan ng mga partido.
Dagdag pa ni Carrion, napagpasyahan nilang huwag ituloy ang dinner at manahimik na lamang muna habang tinitingnan ang magiging takbo ng mga pangyayari. Sa kabila ng sitwasyon, sinabi ni Carrion na si Chloe ay umiiwas sa anumang media attention na maaaring makapagpalala ng isyu. Ayaw din umano ni Carlos na pag-usapan ang kanyang personal na buhay sa mga panayam, kaya’t pinipili niya ang pinapaunlakang panayam.
@dwiznews #DWIZEXCLUSIVES | Gymnastics Association of the Philippines President Cynthia Carrion, kinumpirmang nagplano si Chloe San Jose na magkaroon ng dinner ang family nito at family ni Carlos Yulo YouTube: www.youtube.com/@DWIZ882Live #dwiz
#dwiznews #aliw23
Nakiusap si Carrion sa publiko at sa media na huwag nang pag-usapan pa ang kontrobersiya upang hindi na ito lumala. Ayon sa kanya, ang patuloy na pagtatalakay ng isyu ay maaaring magdulot lamang ng mas maraming hindi pagkakaunawaan at mas masidhing tensyon sa mga taong sangkot.
Si Carlos Edriel Yulo ay isang kilalang gymnast mula sa Pilipinas na nagpakitang-gilas sa mga gymnastics competitions, lalo na sa floor exercise at vault. Bata pa lamang si Yulo nang magsimula siyang mag-ensayo, at nagkaroon siya ng pagkakataong mag-aral at magsanay sa Japan, kung saan higit pang nahasa ang kanyang kakayahan. Siya ang unang Pilipino na nagwagi ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships noong 2019.
Ngayong 2024 Paris Olympics, si Yulo rin ang naging unang gymnast at lalaking atleta mula sa Pilipinas na nag-uwi ng gintong medalya. Samantala, ibinunyag ng ina ni Carlos Yulo na si Angelica Poquiz Yulo ang kanilang alitan dahil sa kasintahan ni Carlos na si Chloe San Jose.
Sa kabila ng mga paratang na siya ang ugat ng tensyon sa pagitan ni Carlos at ng kanyang pamilya, nanatiling matatag si Chloe San Jose. Sa comment section ng kanyang post, tinanong pa niya kung bakit nawala ang video ng panayam sa ina ni Carlos at humiling ng kopya para sa kanyang reference.
News
HOT VIDEO: BB Gandang Hari Breaks Silence On A Decade-Old Feud with Vice Ganda
BB Gandang Hari, kilala sa kanyang mga naging papel sa industriya ng showbiz at sa kanyang paglalakbay tungo sa pagiging trans woman, ay waring hindi na napigilan ang kanyang damdamin laban kay Vice Ganda, isang kilalang komedyante at personalidad sa…
Vice Ganda, binuking si Darren pag nanonood sila ng concert: “Binibilangan niya yung performer”
– Nakwento ni Vice Ganda ang aniya’y ginagawa ni Darren Espanto kapag nanonood sila ng concert – Ani Vice, nagugulat siya na pasimple daw itong bumibilang tuwing nakakarinig ng sabit tuwing kumakanta ang performer – Nagtatawanan daw sila at minsan…
Vice Ganda: “Gamit na gamit ako sa mga clickbait at mga fake news”
– Sumang-ayon si Vice Ganda sa komento ng isang netizen na pinagkakaperahan daw ng ibang tao ang paninira – Ito ay kasunod ng pag-alma ni Vice kaugnay sa headline ng isang online news site na aniya ay clickbait – Ani…
Video ng batang di nakilala si Bea Alonzo sa Singapore, viral: “Excuse me, what are you famous for?”
– A video of a little boy who did not know who Bea Alonzo was has gone viral – The boy was in Singapore and he tried to interview the actress at a food court – His first question was…
Bea Alonzo, pinagtanggol ni Beatriz Saw: “I assure you wala siyang something sa character”
– Sinagot ni Beatriz Saw ang komento ng isang netizen tungkol sa opinyon niya matapos ang kumpirmasyon sa hiwalayang Bea Alonzo at Dominic Roque – Ayon sa netizen na ito, masyadong mataas ang tingin ng tao kay Bea dahil meron…
Mark Yulo, nanawagan kay Carlos Yulo sa isang video sa social media: “Umuwi ka na sa bahay”
– Mark Andrew Yulo, the father of Carlos Yulo, and the Pinoy Olympian’s younger brother, Karl Eldrew Yulo, recently held a live session on social media where the dad of Caloy asked him to come home – In the video,…
End of content
No more pages to load