MARAMI ang naghihintay sa magiging resbak ni Vice Ganda sa mga umano’y mga patutsada sa kanya nina Juliana Parizcova Segovia at Direk Darryl Yap.
Wala mang binanggit na pangalan si Juliana sa kanyang Facebook post nitong nagdaang araw ay marami ang nagsabing patama raw niya ito kay Vice Ganda.
Ito’y sa gitna nga ng kinasasangkutang kontrobersya ng Phenomenal Box-Office Star hinggil sa pinag-uusapang segment sa “It’s Showtime” na “EXpecially For You” na naging national issue na dahil sa viral “beso” na eksena ng isang male searcher sa female searchee.
Mas tumindi pa ang isyu nang magsalita ang aktor na si Nikko Natividad at birahin si Vice sa ginawa nitong pamamahiya sa searcher na si Axel pati na rin sa searchee na si Christine.
Umani ng batikos si Nikko mula sa supporters ni Vice pero may mga nagtanggol din naman sa kanya, kabilang na si Albie Casiño na nagsabing walang masama sa mga naging aksyon ng dating member ng Hashtag.
Kasunod nga nito ang pagpo-post ni Juliana sa Facebook ng cryptic post na, “MINSAN ANG TAO, PAG TUMATAAS ANG VALUE, BUMABABA ANG VALUES.”
Sa comments section ng FB post ng komedyante ay may mga nagbanggit ng pangalan ni Vice at ilan sa mga ito ay binanatan si Juliana bilang pagtatanggol sa host ng “It’s Showtime.”
Sa kanya namang Facebook page, ni-repost ni Direk Darryl Yap ang video clip kung saan binanggit ni Vice ang kanyang pangalan. Dito maririnig si Vice na nagkamali sa pagbanggit ng name ni Darryl Yap.
Ang gusto sana niyang sabihin ay Darryl Ong dahil kamukha raw nito ang isa nilang contestant pero Darryl Yap ang nasabi niya sabay baling kina MC at Lassy.
“Yung friend pala nila MC yun, di ba, yung direktor n’yo ng pelikula? Parang ayaw mong umamin?” hirit ni Vice sa dalawang kasamahang komedyante.
Sabi naman ni Direk Darryl sa kanyang caption, “Mahal ko sina MC at Lassy, parehas magalang, mahusay at mabubuting tao — hindi ko naramdaman na gusto nilang itangging kaibigan nila ako on National TV.
“Hindi ko lang alam kung anong damo ang nakain ni Vice para gumanyan.
“Wag mo ko masyadong isipin, para di ka nahahalata…” aniya pa.
Narito naman ang mga nabasa naming reaksyon sa comment section ng FB post ni Direk Darryl.
“Pati mutual friends parang gusto pang ipitin. throwing his tantrums on national TV.”
“Nakikisawsaw ka sa Bardagulan Daryl.. Natural babanat si meme diba gusto nyo naman yan? Mag bardagulan online? Kumikita naman kayo jan dahil sa mga viewers. Kaya go lang makipag bardagulan kayo ang unang mapikon.. Talo.”
“Direk Darryl Yap pag ganyan pangalan mo namumutawi sa bibig ni Vice ikaw nasa puso’t isipan niyan.”
“Darryl Yap yan na gusto mo, napansin ka. Papansin ka kase hahaha. Saka tingin2 din sa salamin kase. Walang wala ka sa kalingkingan ni VG. Di kayo level.”
“Darryl Yap may mga ganyang tao, direk. Pakiramdam nakalutang sa lupa ang mga paa.”
“Obvious na obvious direk na nakarating sa kanya yun post mo. Ingat na ingat sya ngyon dba. Nice one sa pag puna.”
“Buti na lang naiintindihan mo direk sina MC at Lassy… kasi nga #ManagementDecision kaya ok lang mag-bootlick sila sa bidang hosts at namamahala ng show para hindi sila mawalan ng kabuhayan.”
“This is gonna be a good fight! Go go go Direk Darryl Yap ! You’re on the right track!”
News
Mark Andrew Yulo, ibinida ang paghanga kay Nesthy Petecio
– Nirepost ni Mark Andrew Yulo ang isang quote card ni Nesthy Petecio kung saan ibinida niya ang paghanga sa mga prinsipyo nito – Tinawag ni Mark Andrew na “idol” si Petecio dahil sa dedikasyon nito sa pagtulong sa kanyang…
Gary Valenciano pens a message of appreciation for Carlos Yulo: ‘A dream come true, a champion, a national hero’
Gary Valenciano is happy and proud to finally meet Filipino double gold medalist Carlos Yulo. Photo credit to @garyvalenciano Instagram Kapamilya singer Gary Valenciano was still in awe after meeting double gold Olympic medalist Carlos Yulo, who previously visited the…
Vice Ganda, nag-react nang tawaging ‘babae’ ni Jhong: Magagalit si Cristy Fermin’
– Usap-usapan ang naging pahayag ni Vice Ganda habang nasa Expecially For You segment ng ‘It’s Showtime’ – Nag-uusap sila ni Jhong Hilario tungkol sa desisyon ng mga magkasintahang maghiwalay nang sabihin ni Jhong na ‘ganyan naman kayong mga babae’…
Vice Ganda, may makulit na nabanggit sa umano’y love life ni Kathryn: “Wala akong sinasabi!”
– May makulit na nabanggit umano si Vice ganda ukol sa love life ni Kathryn Bernardo – Ito ay matapos siyang magkomento sa isang performance sa anniversary concert ni Darren Espanto – Kasama ni Kathryn sina Chie Filomeno at Alora…
Vice Ganda, nagpasalamat matapos hiranging #1 most followed male influencer
– Nagpasalamat si Vice Ganda matapos siyang hiranging #1 Most Followed male influencer – Sa kanyang Facebook post, ibinahagi niya ang screenshot ng mga male influencers na pasok sa listahan na pinangunahan niya – Kabilang din sa naturang listahan sina…
WATCH: Vice Ganda, inalala ang biglaang request sa kanya ni Billy Crawford sa phone call
– Vice Ganda, during one “It’s Showtime’s” episode, mentioned Billy Crawford – On Instagram, ABS-CBN uploaded a video of the clip from the noontime show – In the video, Vice recalled Billy randomly calling him once and asked where he…
End of content
No more pages to load