– Naglabas ng pahayag si EJ Obiena laban sa mga maling balita tungkol sa kanya at sa kaibigan niyang si Carlos Yulo
– Nilinaw ni Obiena na hindi siya nakikipag-kompetensya kay Yulo at matagal na silang magkaibigan
– Iginiit niya na hindi siya nagbibigay ng komento tungkol sa pribadong buhay ng ibang tao, lalo na kay Yulo
– Hinimok ni Obiena ang publiko na huwag magpadala sa mga gawa-gawang kwento at suportahan ang mga atletang Pilipino
Naglabas ng pahayag ang pole vaulter na si EJ Obiena kaugnay ng mga kumakalat na gawa-gawang kwento tungkol sa kanilang dalawa ng gymnast na si Carlos Yulo. Sa kanyang social media account, ibinahagi ni Obiena ang isang litrato kasama si Yulo kalakip ang kanyang pahayag na nagsasaad ng malinaw na paglilinaw hinggil sa isyu.
EJ Obiena, nagsalita kaugnay sa mga gawa-gawang kwento tungkol sa kanila ni Carlos Yulo Source: Facebook
Ayon kay Obiena, matagal na silang magkaibigan ni Yulo at patuloy niyang nirerespeto at hinahangaan ang tagumpay nito para sa bansa. “I don’t compete with my friend Caloy and I deeply respect him. He is a great champion for our country and I applaud him. I am proud of him. I am thankful for the glory he has brought our country,” ani Obiena.
Binatikos din ni Obiena ang mga pekeng balita at mga maling kwento na ginagamit para lamang makakuha ng atensyon sa social media. Aniya, “This is the ONLY statement I am going to make on the issues. There are the facts. So everyone knows.”
Idiniin din ni Obiena na hindi siya kailanman nagbibigay ng komento tungkol sa personal na buhay ng iba, partikular na kay Yulo. Tinawag niyang “libel” ang anumang pahayag na nagsasabing may ginawa siyang komento tungkol dito.
Pinaalalahanan ni Obiena ang publiko na suportahan na lamang ang mga atleta ng bansa kaysa lumikha ng mga maling isyu para sa pansariling interes.
Si Carlos Edriel Poquiz Yulo o mas kilala bilang Caloy, ay isang kinikilalang atleta na nagsimulang sumabak sa gymnastics sa edad na pito at sumali sa pambansang koponan noong 2018. Nakilala siya bilang isang two-time Olympic champion matapos mag-uwi ng gintong medalya sa floor exercise at vault sa 2024 Paris Olympics. Siya rin ang kauna-unahang Pilipino at Southeast Asian gymnast na nagwagi ng medalya sa World Artistic Gymnastics Championships, kung saan nagtamo siya ng bronze noong 2018 at gold noong 2019.
Ngayong 2024 Paris Olympics, si Yulo rin ang naging unang lalaking atleta at gymnast na mula sa Pilipinas na nag-uwi ng dalawang gintong medalya. Samantala, ibinunyag ng ina ni Carlos Yulo na si Angelica Poquiz Yulo ang kanilang samaan ng loob ay dahil sa daw kasintahan ng anak na si Chloe San Jose.
Sa gitna ng mgaakusasyon ay espikulasyon na siya ang ugat ng tensyon sa pagitan ni Carlos at ng kanyang pamilya, nanatiling matatag si Chloe San Jose. Sa comment section ng post niya, tinanong pa niya kung bakit nawala ang video ng panayam sa ina ni Carlos at humiling siya ng kopya para daw sa kanyang reference.