– Pinangaralan ni Elizabeth Oropesa si Carlos Yulo sa isang TikTok video dahil sa umano’y hindi magandang pakikitungo nito sa kanyang ina
– Ipinahayag ni Oropesa na mali ang pagtrato ni Yulo sa kanyang ina at dapat itong igalang anuman ang naging kasalanan nito
– Binigyang-diin ni Oropesa na ang pagiging mahusay ni Yulo bilang atleta ay dahil sa kanyang ina, at hindi dapat itong ipahiya
– Umani ng iba’t ibang reaksyon online ang matapang na pahayag ni Oropesa, at inaabangan ang magiging tugon ni Yulo
Sa isang kontrobersyal na TikTok video, tahasang pinangaralan ng veteran actress na si Elizabeth Oropesa ang two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo dahil sa umano’y hindi magandang pakikitungo nito sa kanyang ina. Sa naturang video, sinabi ni Oropesa, “The way he’s treating his mother is horrible,” at idiniin na mali ang paraan ng pakikitungo ni Yulo sa kanyang magulang.
Ayon kay Oropesa, walang lugar sa lipunan ang ganitong klaseng asal, lalo na pagdating sa isang anak na hindi marunong gumalang sa kanyang ina. “Kahit anong sabihin, mali po ‘yun. Ang pagtulong sa magulang ay hindi responsibilidad, ito po ay galing sa puso ng taong marunong magmahal,” ani pa ng aktres. Idinagdag niya na kahit anong kasalanan ng ina, ito pa rin ay nanay na nararapat igalang at mahalin.
Mas lalo pang uminit ang pahayag ni Oropesa nang sinabi niya, “Tandaan mo, your cells galing sa ina mo… Hanggang mamatay ka, kahit patay na ang ina mo, ‘yan ang tutulong sa health mo. ‘Yan ang reason kung bakit ang galing mong athlete, t*nga!” Dagdag pa ng aktres, hindi dapat ipinapahiya ni Yulo ang kanyang ina at hindi rin tamang tawagin itong magnanakaw.
Ang matapang na komento ni Oropesa ay mabilis na umani ng atensyon online, kung saan nagkaroon ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizen. Sa kabila ng matinding pahayag, marami ang nag-aabang sa magiging tugon ni Yulo o ng kanyang kampo sa mga akusasyon at pananaw ni Elizabeth Oropesa.
@jacquelineelizabethfree0Caloy Yulo. Sana Makarating Sayo
Si Elizabeth Oropesa ay isang aktres at beauty queen sa Pilipinas. Siya ay isang Grand Slam Best Actress winner para sa pelikulang Bulaklak Ng Maynila. Sa ngayon, maraming pinagkakaabalahan si ‘La Oropesa’ na isa ring doctor. Isa rin umano siyang animal advocate. Katunayan, nasa 17 ang aso na kanyang inaalagaan sa kanyang tahanan at marami rin siyang pinakakaing mga pusa.
Sa kasagsagan ng eleksyon noong 2022, naging kontrobersyal ang kanyang pahayag tungkol sa pagpapaputol umano ng kanyang mga paa kung mapatunayan ng mga nag-aakusa na binabayaran sila umanong mga artista sa pagsuporta nila sa nanalong pangulo na si PBBM.
Naikwento ni Elizabeth na nanalo siya sa Miss Philippines sa edad na 15 anyos. Dahil dito, nabawian siya ng titulo, at isinauli ang lahat ng kanyang naging premyo. Maliban sa korona na hindi na nila ibinalik at hanggang ngayon ay nasa kanila pa rin. Bukod sa pagiging isang aktres, isa ring doktor si La Oropesa at aminado na isang supporter ng mga Marcos sa loob ng nasa 37 na taon.
News
Diwata, Nagbigay ng Mensahe kay Carlos Yulo Tungkol sa Pagturing sa Magulang: “Magulang ay Magulang, Ikaw ang Dapat Magpakumbaba”
Sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo, isa sa mga personalidad na nagbigay ng kanyang opinyon ay ang social media influencer na si Diwata. Sa kanyang naging pahayag, nagbigay siya ng mensahe…
Miss America and Miss World pageants accused of discrimination by candidate disqualified for being a mother
Miss USA and Miss Teen USA have both stepped down amid allegations of a toxic work environment, sparking a larger conversation about the mental health of pageant participants. Miss USA’s mental health crisis Miss USA and Miss Teen USA have…
Kathryn Bernardo, Alden Richards, kumasa sa ‘Maybe This Time’ dance challenge
– Kathryn Bernardo and Alden Richards are making the rounds on social media – On his TikTok account, Alden recently shared a fun dance video of him with Kath – The “Hello, Love, Again” lead stars hopped on the “Maybe…
Carlos Yulo Minura Ni Elizabeth Oropesa
Si Carlos Yulo, na dalawang beses nang nagkampeon sa Olympics, ay tumanggap ng sermon mula sa award-winning na aktres na si Elizabeth Oropesa dahil sa patuloy na paglayo nito sa kanyang mga magulang. Sa isang video, hindi napigilan ni…
Did Julia Barretto CONFIRM Breakup Rumours with Gerald Anderson?
(From left) Gerald Anderson and Julia Barretto. Image: Instagram/@andersongeraldjr Julia Barretto said she and her boyfriend Gerald Anderson are still going strong despite recent breakup rumors, which she considers a “compliment” as they were able to keep the real status…
WATCH: Gerald accidentally reveals being back together with Bea. What happened to Julia?
They’ve been mum about whether they’re officially back together. But a slip of the tongue appears to confirm that Gerald Anderson and Bea Alonzo are a couple once more. In an interview at the 2017 Star Magic Ball held Saturday…
End of content
No more pages to load