Enrique Gil naghahanap nga ba ng bagong pag-ibig?
NAGING bukas ang aktor na si Enrique Gil nang matanong siya tungkol sa kanyang love life.

Nitong Lunes, February 12, nag-guest ang aktor sa Kapamilya morning show na “Magandang Buhay” para i-promote ang kanyang pelikula na “I Am Not Big Bird”.

Dito ay nausisa si Enrique ng host na si Regine Velasquez kung pwede bang magtanong tungkol sa “love”.

“Can I ask about love?” tanong ni Regine.

Sagot naman ni Enrique, “Puwede naman po.”

Muling tanong ni Regine, “Are we ready for love? Are we looking for love?”

Sey ni Enrique, sa ngayon ay hindi siya naghahanap.

“Well, not really looking. Not really looking…

 

“But, you know, yeah, I’m happy. I’m at peace. I’m happy,” lahad ni Enrique.

Kasunod nito ay nabanggit ng aktor si Liza Soberano at kung ano ang focus nilang dalawa ngayon sa buhay.

Sey ni Enrique, “Me, I’m focusing on this [movie]. Liza is also focusing on her own production company, on her own projects.

“So, I’m just really happy that we’re both focused on ourselves first. Because we were so caught up on the two of us so much.”

Chika pa ni Enrique, may napagkasunduan sila ni Liza.

“We talked na nga… This is also really good for us to go on our own path in our career, just to be able to grow.

“It’s just really exciting for me, right now, what we’re going to be doing and giving to the industry,” pagbabahagi ni Enrique.

Bagamat hindi niya diretsong sinagot kung sila pa rin ba ni Liza, ang malinaw ay nagdesisyon silang dalawa na mag-focus sa kanilang kanya-kanyang career at umiwas muna sa pagiging isang love team.

Matatandaang last year ay kumalat ang balitang hiwalay na sina Liza at Enrique na inamin raw mismo ng dalaga sa isang unreleased interview.

Pero sa isang interview ng aktor noong February 1, sinabi nitong masaya sila ni Liza ngunit parehas lang talaga silang abala sa buhay.

“Yeah, yeah, we’re happy. We’re just really busy. I think we just realized na, in life, parang we shouldn’t always be centered around each other. We can do more, grow more, achieve more. And it just makes us better,” ani Enrique.