Gerald Anderson says five years of being in a relationship with Julia Barretto is proof that she’s the “right one.” But he adds that there’s no need for them to rush into marriage.
PHOTO/S: Rachelle Siazon / @juliabarretto Instagram
Sigurado na si Gerald Anderson, 35, na si Julia Barretto, 27, ang “the right one” para sa kanya.
“Of course, five years na kami, di ba?” diretsong sagot ni Gerald nang tanungin siya ukol dito.
Taglay raw ni Julia ang mga katangiang gusto niya sa isang babae.
“Yung personality niya, yung pagiging fighter niya, yung pagiging malambing niya.
“Pag tiningnan mo siya, parang mukha siyang bata, mukha siyang pretty face lang.
“Pero, hindi. Malalim siyang tao. She’s very beautiful inside and out,” paglalarawan ng aktor sa kasintahan.
Photo/s: @andersongeraldjr Instagram
Bago pa mapunta ang usapan kung may plano na silang lumagay sa tahimik, inunahan na ni Gerald ang press.
“She’s very special to me. Alam naman yun lahat yan. Hindi naman magbabago yan.
“But, itong moment na to, yung moment na ngayon, let her enjoy.
“Huwag natin madaliin,” saad niya.
Humarap si Gerald sa entertainment press noong August 24, 2024 sa Studio 8 ng ABS-CBN.
Inilunsad siya bilang lead star ng upcoming teleserye ng ABS-CBN Studios, ang Nobody, kunsaan gaganap siya bilang isang pulis.
GERALD ANDERSON ON JULIA BARRETTO’S BOX-OFFICE MOVIE
Hindi maiwasang tanungin si Gerald tungkol kay Julia, na matagumpay ang pagbabalik-tambalan sa ex-boyfriend nitong si Joshua Garcia sa pelikulang Un/Happy For You.
As of August 28, ayon sa Star Cinema, humakot na ng PHP320 million box-office sales ang pelikula.
Ayon kay Gerald, “Well, ang gandang ibig sabihin para sa industriya, right?
“Kasi for a time, parang hindi mo alam, babalik ba mga tao sa sinehan?
“It’s a challenge for everyone kasi we have to keep producing good projects, quality projects.”
Patuloy niya: “At pinapakita natin na pag gawang Pinoy, papanoorin pa rin yan, e, di ba?
“Hindi naman kailangan laging Hollywood.
“Kasi nga, with the given situation, siyempre hindi naman kasing laki ng budget natin sa ibang bansa.
“But we always produce. So, yun. Galing, no?”
Nakarating kay Gerald ang feedback na maganda ang performance ni Julia sa pelikula.
“Pinaghirapan niya yun. I haven’t seen it, pero sobrang galing daw niya,” ani Gerald.
Proud na sabi pa niya sa successful movie ng nobya, “It’s long overdue.
“Para sa akin, she’s one of the best, if not the best, sa generation niya. At marami pa siyang ipapakita sa inyo.”
News
Aiai Delas Alas, nais daw bumili sa live selling ni Angelica Yulo: “Support ko live selling nila”
– Nag-post si AiAi delas Alas upang ipakita ang suporta sa pamilya ni Carlos Yulo sa gitna ng isyu sa pagitan nila ng 2-time Olympic gold medalist – Ipinost ni AiAi sa Facebook ang larawan nina Angelica at Edriel Yulo…
Vice Ganda, napa-mura matapos malamang na-prank siya ni Bea Alonzo
– Isa sa tinawagan ni Bea Alonzo sa kanyang prank call ay ang kaibigang si Vice Ganda – Sinabi niya rito na nababahala umano siya dahil hindi sumasagot si Dominic Roque sa kanya – Ito ay matapos kunwari ay umayaw…
Video ni Jennica Garcia na dala-dala ang kanyang mga paninda, umani ng papuri
– Jennica Garcia has recently been praised for working hard lately – On Instagram, Jennica uploaded a video of herself carrying tons of items onto a hotel trolley – Despite struggling, Jennica managed to carry everything she needed to load…
Kaladkaren at Luke Wrightson, ikinasal na sa United Kingdom
– Ikinasal sina Kaladkaren at Luke Wrightson sa Raven Hall County, United Kingdom – Naganap ang seremonya noong ika-8 ng Setyembre 2024 sa gitna ng makapal na ulap – Dinaluhan ito ng kanilang mga pamilya at malalapit na kaibigan –…
Mark Yulo, nagpatutsada kina Caloy, Chloe: “Di pa nila alam yung mga mangyayaring karma. Joke lang”
– Mark Andrew Yulo, the father of two-gold Olympic medalist Carlos Yulo, was recently seen in a video talking about the Pinoy Olympian and a certain “Goldie” – In the video, which was uploaded by a @peejayparastv on social media,…
John Estrada, nag-react sa pagkasa nina Carlos Yulo, Chloe San Jose sa ‘Rigor’ dance challenge
– John Estrada could not help but share Carlos Yulo and Chloe San Jose’s viral dance video – The video shows the two-time Olympic gold medalist and his girlfriend hopping on the “Rigor” dance trend – In the said trend,…
End of content
No more pages to load