At inabangan talaga ng netizens ang announcement ng bagong movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na ‘Hello, Love, Again’ nitong Linggo ng gabi sa online world.
Matiyagang tumutok sa online ang fans para updated sila sa sisimulang pelikula ng KathDen.
Nagpaulan ng kilig worldwide sina Kath at Alden. Kapansin-pansin kasi ang sweetness at closeness ng dalawa, ha!
Hindi rin nakaligtas sa mapanuring mga mata ng fans ang maya’t mayang paghaplos at paghawak ng Kapuso aktor sa braso, kamay, likod, at bewang ng Asia’s Phenomenal Superstar.
Komento ng mga fan, parang komportable na raw si Alden kapag katabi ang kanyang ‘Joy’ (pangalan ni Kath sa pelikulang ‘Hello, Love, Goodbye’ at ‘Hello, Love, Again’).
Pansin din ng netizens na tila sanay na sanay na raw si Kathryn sa pagiging touchy ni Tisoy sa kanya.
Marami tuloy ang naghinala na mukhang malalim na nga raw ang relasyon ng KathDen. Umaasa ang mga faney na bago matapos ang shooting ng part 2 ng ‘Hello, Love, Goodbye’ sa Canada ay umamin na raw ang dalawa sa kanilang relasyon. May ganun?
Advance talaga mag-isip ang netizens. Pero hindi lahat ay naniniwala na may relasyon na ang dalawa.
Marami rin ang nagkokomento na for publicity lang daw ang pinapakitang closeness ng dalawang bida sa pelikulang ipo-produce ng ABS-CBN Film Productions (Star Cinema) at GMA Pictures. Kaloka!
Samantala, ngayon pa lang ay excited na ang KathDen at solid fans nina Kath at Alden sa November 13 para suportahan ang pagpapalabas ng reunion movie ng dalawa after 5 years.
Abala na sila sa pag-o-organize ng mga block screenings.
‘Yun na!
News
Julia Barretto at Gerald Anderson, nasa Gensan para sa kaarawan ng ina ni Gerald
– Binahagi ni Gerald Anderson ang ilang pictures na kuha sa ika-66 na kaarawan ng kanyang ina – Bukod sa picture nilang mag-ina ay naroroon din ang kasintahan ni Gerald na si Julia Barretto – Base sa nakalagay sa post…
Stell Ajero of SB19 shares inspiring journey from McDonald’s crew to endorser of the same brand
– Stell Ajero, a member of SB19, shared his memories as a McDonald’s crew during a fan meet – He worked at McDonald’s while he was still in college, which taught him many life lessons – Now, Stell is one…
Anne Curtis, may nakakaaliw na entrance sa pagbabalik niya sa ‘It’s Showtime’
– Anne Curtis definitely knows how to put up a show – Just recently, she appeared in the ‘Kalokalike!’ segment of ‘It’s Showtime’ – It was her much-awaited comeback after her absence from the noontime show – She even pretended…
Ion Perez, sinurpresa si Vice Ganda: “Para sa busy kong misis”
– Sinurpresa ni Ion Perez si Vice Ganda sa set ng shooting ng bagong proyekto nito – Naisipan ni Ion na bisitahin ang kanyang “misis” para dalhan ito ng makakain – Samantala, hindi naman lubos na maipakita ni Vice ang…
Eldrew Yulo Steps into the Limelight: Following in Brother Carlos’ Footsteps as SEAAA 2024 Ambassador
In an exciting development for the sporting world, Eldrew Yulo, the younger brother of celebrated gymnast Carlos Yulo, has been named the Ambassador for the Southeast Asian Achievement Awards (SEAAA) 2024. This prestigious role highlights Eldrew’s outstanding accomplishments and his…
Ogie Diaz, nausisa si Gerald Anderson ukol sa nababalitang kasal na umano sila ni Julia Barretto
– Natanong ni Ogie Diaz si Gerald Anderson tungkol sa nababalitang kasal na ito kay Julia Barretto – Ayon sa nababalita, sa Amerika raw umano nagpakasal ang dalawa – Gayunpaman, sinabi ni Ogie na sakaling totoo ito ay wala naman…
End of content
No more pages to load