Matapos ang ilang linggong pananahimik, sa wakas ay naglabas ng pahayag ang kampo ng biological na ina ni Chloe San Jose na si  si Maria Fe San Jose. Ang pahayag ay inilabas upang linawin ang mga alegasyon na ikinabit ng ilang netizens sa isyu sa pagitan ng ni Chloe San Jose at ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo.

Nais ni Maria Fe San Jose, na ituwid ang ilang maling impormasyon na kumakalat sa social media. Isa sa mga ito ay ang maling pagkakakilanlan kay niya bilang isang nanny, na itinanggi niya nito. Ibinahagi nito ma soya nagtatrabaho bilang isang staff member sa aged care services sa Australia, at hindi bilang isang nanny gaya ng iniulat ng ibang balita.

Aminado hindi maayos ang relasyon nina Chloe at ng kanyang ina. Ang pangunahing ugat ng kanilang hidwaan ay ang pagkakaiba ng kanilang pananaw at pagnanais ni Chloe na mamuhay nang iba mula sa tradisyonal na mga pagpapahalaga ng mga Pilipino na nais ituro ng kanyang ina.

“Totoo na bago pa lamang magkakilala sina Carlos at Chloe, mayroon na kaming problema ni Chloe dahil na rin sa pagkakaiba naming ng ideya tungkol sa pagpapalaki ko sa kanya”

nagsimula ang hindi pagkakaunawaan noong menor de edad pa lamang si Chloe. Ayon sa ina ni Chloe, nais nitong ipatupad ang mga tradisyunal na Filipino values, ngunit si Chloe ay mas nagnanais na sundin ang kanyang sariling landas at mamuhay ayon sa mas liberal na pamantayan.

“Gusto ni Chloe na siya ang masusunod at hindi ako. Nais ko lang matutunan ni Chloe ang Filipino values, lalo na’t ako ay protective mother at nais ko lamang mapabuti ang aking anak,” dagdag Maria Fe.