– Sinurpresa ni Ion Perez si Vice Ganda sa set ng shooting ng bagong proyekto nito
– Naisipan ni Ion na bisitahin ang kanyang “misis” para dalhan ito ng makakain
– Samantala, hindi naman lubos na maipakita ni Vice ang kanyang kasiyahan sa pagdating ni Ion dahil sa pagi-internalize niya para sa susunod na eksena
– Gayunpaman, matapos ang eksena, makikita ang saya ng Unkabogable star habang pinagsasaluhan nila ng kanyang mga kasama ang mga dinala para sa kanya ni Ion
Ibinahagi ni Ion Perez sa kanyang bagong vlog kung paano niya naisipang isupresa ang kanyang “misis” na si Vice Ganda.
Ion, sinurpresa si Vice Ganda: “Para sa busy kong misis” (@pereziion27) Source: Facebook
Abala raw kasi ito sa bagong proyekto kaya naman malimit na lamang silang magkasama ng matagal.
Madalian niya itong binisita dala ang danggit, dinuduan, chicharon at iba pang pagkaing nailambing sa kanya ni Vice nang minsang nakita nitong kinakain ito ni Ion.
Pagdating sa set, hindi agad maipakita ni Vice ang kanyang emosyon gayung naghahanda na siya para sa susunod na eksena.
Gayunpaman, hindi naman nito napigilang maglambing sa kanyang mister na talagang dinalaw siya sa kanilang set.
At matapos nga ang eksena, masaya namang pinagsaluhan nina Vice at kanyang mga kasama ang dalang pagkain ni Ion.
“Ang tagal na naming hindi kumakain ng sabay dahil sa shooting,” ani Vice.
Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Ion Perez:
Si Vice Ganda ay isang TV host at komedyante na tinagurian ding ‘Unkabogable Star’. Sa ngayon, bukod sa It’s Showtime, abala rin si Vice sa paggawa niya ng mga videos para sa kanyang YouTube channel kung saan mayroon na siyang 8.17 million subscribers.
Bukod sa It’s Showtime, naging host din ng (LOL) Last One Laughing Philippines si Vice. Ito ay isang reality show kung saan nagsama-sama ang ilang mga kilalang komedyante sa Pilipinas at si Chad Kinis ang itinanghal na kauna-unahang winner nito.
Samantala, abala rin si Vice sa pelikulang kanyang pagbibidahan kasama sina Eugene Domingo, Jhong Hilario, Lassy at MC. Matatandaang nabanggit ito ni Sarina, ang anak ni Jhong na nilarawan niyang may supresa raw sa publiko ang kanyang daddy Jhong at Ninang Vice.
News
Andrea Brillantes, ni-like ang comment ni Chloe San Jose sa bagong post niya
– Chloe San Jose could not help but leave a comment on Andrea Brillantes’ new post on Instagram – In the said post, Andrea shared a set of photos and a video taken during her recent “ASAP” guesting – Carlos…
Chloe San Jose, nag-react sa bashers na kinumpara siya kay Chucky’s Bride
– Carlos Yulo and Chloe San Jose are the new brand ambassadors of Urban Smiles Dental Clinic – The two-time Olympic gold medalist’s girlfriend shared the good news on her Facebook page – In the comments sections of her post,…
Angelica Yulo, labis na nagpasalamat nang tanggapin ang ‘Ulirang Ina Award’
– Natanggap na ni Angelica Yulo, ina ng Paris Olympics gold medalist na si Carlos Yulo ang kanyang award – Kasama ni Angelica ang kanyang mister na si Mark nang tanggapin niya ang ‘Ulirang Ina Award’ – Bagama’t marami ang…
Julia Barretto at Gerald Anderson, nasa Gensan para sa kaarawan ng ina ni Gerald
– Binahagi ni Gerald Anderson ang ilang pictures na kuha sa ika-66 na kaarawan ng kanyang ina – Bukod sa picture nilang mag-ina ay naroroon din ang kasintahan ni Gerald na si Julia Barretto – Base sa nakalagay sa post…
Stell Ajero of SB19 shares inspiring journey from McDonald’s crew to endorser of the same brand
– Stell Ajero, a member of SB19, shared his memories as a McDonald’s crew during a fan meet – He worked at McDonald’s while he was still in college, which taught him many life lessons – Now, Stell is one…
Anne Curtis, may nakakaaliw na entrance sa pagbabalik niya sa ‘It’s Showtime’
– Anne Curtis definitely knows how to put up a show – Just recently, she appeared in the ‘Kalokalike!’ segment of ‘It’s Showtime’ – It was her much-awaited comeback after her absence from the noontime show – She even pretended…
End of content
No more pages to load