Joross: “Sa totoo lang, ako kasi hindi ako maaasahan sa mga bali-balita.”

joross gamboa kathden

Joross Gamboa (left) says even his wife grilled him if there’s any updates on Alden Richards’ reported courtship of Kathryn Bernardo.
PHOTO/S: SANY CHUA / NICE PRINT PHOTOGRAPHY

Hindi maiwasang matanong si Joross Gamboa tungkol sa tunay na estado ng relasyon nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Si Joross ay bahagi ng cast ng Hello, Love, Goodbye (2019), at parte pa rin ng sequel nitong Hello, Love, Again (2024).

Balitang nanliligaw si Alden kay Kathryn mula nang madalas makita ang binata sa mga espesyal na okasyon sa buhay ng dalaga.

kathryn bernardo alden richards hello love again

Kathryn Bernardo and Alden Richards 
PHOTO/S: @STARCINEMA ON INTAGRAM

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), tinanong si Joross kung nagbukas sa kanya ng saloobin si Alden tungkol sa pagkagusto nito kay Kathryn.

Kasama si Joross nang mag-shoot si Alden ng Hello, Love, Again sa Hong Kong kamakailan.

“Aware naman,” saad ni Joross nang tanungin kung alam niya ang balitang panliligaw ni Alden kay Kathryn.

“Yun nga ang kinaaasar sa akin ng asawa ko. ‘Di ka man lang nagtatanong. Ano, may update ba?’

“‘Hindi ko natanong.’

“‘Bakit di mo tinanong? Ilang araw kayo magkakasama,'” napapangiting lahad ni Joross sa usapan nila ng asawang si Kat, na halatang nag-aabang din ng progress report tulad ng ibang fans.

Katuwiran naman ni Joross, “Sa akin kasi, hangga’t di sila nagkukuwento, hindi ako nakikialam sa love life ng mga kaibigan ko.

“Kumbaga, nandito lang ako para sa kanilang lahat. In general, hindi lang kina Alden at Kathryn.”

Kung may nalalaman man si Joross, malinaw na ayaw niyang ilaglag sina Alden at Kathryn.

“Sa totoo lang, ako kasi, hindi ako maaasahan sa mga bali-balita. Hindi kasi namin masyadong napag-usapan si Kathryn, more on dun kami sa bonding namin.”

Bilang malapit na kaibigan ng dalawa, boto ba siyang magkahulugan ng loob sina Alden at Kathryn?

“Alam niyo ako, kung sino ang para kanino at sino ang mahal nino, dun ako sa kanila.

“Kumbaga, keep lang nila si God sa center ng relationship nila, all is good ako,” safe na sabi ni Joross.

ON WHO’S THE BEST MAN FOR KATHRYN BERNARDO

Hindi kaila na naging kaibigan din ni Joross ang ex-boyfriend ni Kathryn na si Daniel Padilla.

Nakatrabaho niya ang ex-couple sa dalawang pelikula, ang Can’t Help Falling In Love (2017) at The Hows of Us (2018).

Sino sa tingin niya ang lalaking nababagay para kay Kathryn?

Sagot ni Joross, “For Kathryn? Sa akin, ang makakapili lang talaga nun ay siya, e.

“Hindi naman niya ako magulang, hindi naman niya ako BFF.

“Ultimo nga kay Sandara tinatanong nila ako, ano ba?”

Si Sandara Park ay kaibigan ni Joross mula nang magkasama sila sa defunct Kapamilya reality search na Star Circle Quest noong 2004, bago pa sumikat si Sandara bilang Dara ng 2NE1 K-pop girl group noong 2009.

Dagdag ni Joross, “Alam ninyo, kung sino ang gusto nila, basta suportahan ko lang, kasi sila naman ang nakakaalam talaga.”

Sa ilang eksena ng Hello, Love, Again na kinunan na sa Hong Kong, masayang nagkuwento si Joross na nag-enjoy siya sa bonding nila nina Alden at Jeff Tam.

“Enjoy yung Hong Kong namin, talagang nag-flashback lahat ng shooting namin nung 2018.

“Looking forward ako dito sa next leg, which is yung Canada.”

 

ON WORKING AGAIN WITH ALDEN

Ikinatuwa naman ni Joross ang magandang dynamics nila ni Alden.

“Wala, siya pa rin yung same Alden as before. Kasama nga namin si Alden, sobrang tuwang-tuwa siya, ‘Na-miss ko kayo ni Jeff. Sa inyo lang ako tumatawa nang ganito kagrabe.’

“Kapag kami, walang Alden Richards, walang Jeff Tam, walang Joross, lahat kami magtotropa.

“Same pa rin kami ng kuwarto, mayroon nga kaming mga skit na ginawa, pero abangan ninyo yun, ipo-post namin yun.”

Ayon kay Joross, nanghihinayang siya at hindi kasama si Kathryn sa shooting nila sa Hong Kong.

“Yes, sayang dahil yung nag-shoot lang dito sa Hong Kong is me, Jeff Tam and Alden.

“Wala si Kathryn dahil ang story nasa Canada na siya. End of July magsisimula na kaming mag-shoot sa Canada for one month.

“Looking forward kaming makasama si Kath. Medyo nagtatampo lang si Jeff kasi di siya kasama sa Canada.”

Dagdag ni Joross, “Abangan ninyo ito kasi maganda and istorya ng Part 2 namin, itong Hello, Love, Again.

“Siyempre malaking factor, lalo na sa mga OFW dahil talagang istorya nila ito, e. Masaya, excited ako, excited ako sobra.”