Julia, Kathryn walang inggitan: Kami talaga ang magka-loveteam by heart!

Kathryn Bernardo at Julia Montes

 

NAGLABAN ang mag-BFF na sina Kathryn Bernardo at Julia Montes sa katatapos lamang na 7th The EDDYS o Entertainment Editors Choice last Sunday, July 7.

Si Julia ang nagwagi para sa pelikulang “Five Breakups And A Romance” kung saan nakasama niya ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards. Naka-tie niya sa pagka-best actress si Charlie Dizon for “Third World Romance.”

Bukod kay Kath na nominado para sa pelikulang “A Very Good Girl”, natalo rin ni Julia sina Marian Rivera (Rewind); Vilma Santos (When I Met You In Tokyo); at Maricel Soriano (In His Mother’s Eyes).

Matatandaang nagsama sina Kathryn at Julia sa remake ng classic Kapamilya series na “Mara Clara” na ipinalabas noong 2010. Gumawa rin sila ng pelikula noong 2011, ang “Way Back Home.”

Ayon kay Julia, super happy and very proud siya sa lahat ng achievements ni Kathryn, na nanalo namang Best Actress sa FAMAS last May.

 

“Ako, sobrang saya ko every time na nakikita ko siya na binibigyan ng parangal, nano-nominate kami.

“Ang layo na ng narating namin, yung mga pangarap namin, ako ang pinaka-proud sa kanya.

“Sabi ko nga, kami ang magkapatid by heart, kami ang magka-loveteam by heart. Kung ano ang success ng isa, ganun din ang saya nung isa.

“Hindi yun nakikita ng tao sa social media pero sobrang supportive si Kathryn sa akin,” pahayag ni Julia nang makachikahan ng BANDERA.

Maraming fans ang umaasa na muling magsasama ang dalawang Kapamilya superstars sa isang proyekto lalo pa’t pareho na silang award-winning actress ngayon.

Sey ni Julia, “Yes, actually we are really praying and hoping na mayroong magandang project na ibigay sa amin.

 

“Iba ring makipag-work sa taong alam mo at mahal mong makatrabaho. Sana, hopefully soon mayroong project for us,” aniya pa.

Samantala, excited na si Julia sa mga next projects niya this year until 2025, kung saan mas maipakikita pa niya ang kanyang versatility.

“Actually, may dalawang naka-line up na mas matapang dun, mas magandang materyal, pero dapat abangan niyo.

“Actually, open ako sa challenges, and siguro yun kung bakit lagi kong nababanggit sa speech ko si Sir Deo kasi yun ang tinuro niya sa akin,” aniya pa na ang tinutukoy na “Sir Deo” ay ang pumanaw na ABS-CBN executives na si Deo Endrinal, ang head ng Dreamscape Entertainment.

“Every time na may challenges, huwag kong i-close ang sarili ko sa box, maging open ako, kasi sobrang takot ko talaga. Yun ang problem sa akin.

“Pero sa nangyari ngayon, parang na-realize ko na kailangan ko talaga i-open ang mga bagay-bagay para masarap ding magtrabaho palagi,” aniya pa.

Bukod dito, balik-TV na rin si Julia very soon, “Yes, super excited, kasi bago pa pumasok ang taon na ito nasabi na, naplano na, at ngayon ginagawa na siya.

“Abangan ninyo. Pag puwede na naming i-announce, baka ma-suprise kayo. Kakaiba in the sense na espesyal sa akin yung project, plus yung purpose ng project is very special.

“Mahirap lang i-disclose, pero yun ang dapat abangan kasi marami siyang activity more than the series itself,” kuwento pa niya.

Sa ngayon, maligaya at contented na si Julia sa kanyang life and career, “Sobrang saya ko sa lahat ng anggulo ng buhay ko. Sa lahat ng blessings, sobrang blessed ko and sobrang happy.”