– Ikinasal sina Kaladkaren at Luke Wrightson sa Raven Hall County, United Kingdom
– Naganap ang seremonya noong ika-8 ng Setyembre 2024 sa gitna ng makapal na ulap
– Dinaluhan ito ng kanilang mga pamilya at malalapit na kaibigan
– Ibinahagi ni Kaladkaren na sa kabila ng hamog, siya ang pinakamasuwerteng babae
Masayang ibinahagi ni Kaladkaren at ng kanyang asawang si Luke Wrightson ang kanilang kasal na naganap noong ika-8 ng Setyembre 2024 sa Raven Hall County, United Kingdom. Sa pamamagitan ng post mula sa Nice Print Photography, inanunsyo ang magandang balita: “It’s official! Congratulations and Best wishes @kaladkaren and Luke Wrightson 💍💍🤍🤍 Such a lovely, beautiful int!mate wedding at Raven Hall County, United Kingdom.”
Kaladkaren at Luke Wrightson, ikinasal na sa United Kingdom Source: Instagram
Sa kanyang sariling Instagram post, ibinahagi ni Kaladkaren ang kakaibang karanasan sa kanilang kasal na tinawag niyang “Wedding in the clouds.” Aniya, “Luke and I dreamed for a beautiful sunny day in this fantastic cliff top wedding venue in England. It’s supposed to have the best overlooking views in North Yorkshire. On our wedding day, ironically, the views were covered by a thick fog! It was almost zero visibility!!!!!! What a one in a million chance!”
Sa kabila ng makapal na ulap at hamog, hindi nagpatinag si Kaladkaren sa masayang araw ng kanilang buhay. “Unlucky? Not at all. But marrying the love of my life surrounded by our dearest friends and families … makes me feel the luckiest woman alive! And hey, who else can say they got married in the clouds?! 😘” dagdag niya.
Ang kasalan, bagaman puno ng hamog at limitado ang tanawin, ay puno naman ng pagmamahal mula sa kanilang mga pamilya at kaibigan. Ngayon, opisyal nang mag-asawa sina Kaladkaren at Luke Wrightson at sila’y masayang nagsimula ng kanilang bagong yugto ng buhay bilang Mr. & Mrs. L Wrightson.
Si Jervi Li o mas kilala bilang si Kaladkaren ay isang transwoman na kilala sa pag-impersonate sa respetadong broadcaster na si Karen Davila.
Nag-viral ang mga video niya ng panggagaya kay Karen Davila at dahil bukod sa pananamit at kuhang-kuha rin nito ang boses ng news anchor.
Sa isa sa mga video, makikitang naging emosyonal si KaladKaren habang nagpapahayag ng pasasalamat sa kanyang mga mahal sa buhay, kabilang na si Vice Ganda. Ayon kay KaladKaren, si Meme Vice ang pangunahing sponsor ng surprise bridal shower.
Ibinahagi ni KaladKaren sa Instagram Stories kung paano siya naapektuhan ng mensahe ni Kim Chiu para sa kanya. Sobrang naantig ang aktres sa mensahe na napaiyak siya. Nagpasalamat si KaladKaren kay Kimmy para sa kanilang magandang pagkakaibigan. Sumagot din si Kim at sinabing mahal niya ang kanyang “sis,” si KaladKaren
News
Vice Ganda, nagbiro matapos sumingit daw magperform si Anne Curtis: “Respect naman sa ibang artists”
– Kinaaliwan ang hirit ni Vice Ganda kay Anne Curtis matapos umano itong sumingit na mag-perform – Sa kanilang show na #BidaKapamilya sa SM City Pampanga, kasama sina Vice Ganda, MC, Lassy at Anne Curtis sa mga nag-perform – Hirit…
Vice Ganda binalikan ang naging joke niya noon tungkol kay Jessica Soho
– Sa kanyang vlog, nagbigay ng payo si Vice Ganda sa anak-anakan niyang si Awra Briguela – Ito ay tungkol sa pagpapatawad niya sa sarili sa kabila ng nagawang mali – Ginawang halimbawa ni Vice Ganda ang nagawang mali noon…
Video ng pagbili ni Julia Barretto ng Rolex, kinagiliwan ng netizens
– Dani Barretto’s husband, Xavi Panlilio, recently shared a video that has gone viral – In the video, it shows that his sister-in-law, Julia Barretto bought a Rolex from him – He captioned his post with, “Done deal Thanks for…
Chloe San Jose, napa-react sa ipinost ng “girlfriend ng atleta”
– Chloe San Jose reacted to the lengthy post of FB user Hergie & Lady – The latter titled her post with “Being a partner of an athlete is not easy” – Hergie & Lady enumerated the things that a…
Pamilya ni Chloe San Jose, binahagi ang reaksiyon sa winning moment ni Caloy
– Binahagi ng isang kaanak ni Chloe San Jose ang video ng kanilang reaksiyon sa pagkapanalo ni Carlos Yulo sa Olympics – Napatalon sila at naging emosyonal sa tagumpay ni Carlos – Si Chloe ang supportive girlfriend ng 2-time Olympic…
Jackie Gonzaga, naiyak nang sabihin niya ang linyang “Sorry ayoko na, ang sakit-sakit na”
– Hindi napigilan na Jackie Gonzaga na maging emosyonal nang isali siya ni Vice Ganda sa kanyang acting challenge – Sa kanilang segment na Expecially For You, natanong ng searcher na si Sam Shoaf kung ano ang masasagot ng searchees…
End of content
No more pages to load