Super shookt kami nang makita namin sa socmed ang balitang kasama diumano ni Kathryn Bernardo si Alden Richards sa finals night ng Superbods last July 9 sa Marriott Grand Ballroom, Pasay City.
Nandoon ako sa mismong event, nakatsikahan at nakasama ko kahit sandali si Kathryn at ang team niya. Kaya nagtaka ako sa mga kumakalat na fake news na nandoon daw sa event si Alden para samahan at panoorin ang leading lady niya sa isu-shoot na movie nila sa Canada.
Sa totoo lang, wala ang Kapuso actor sa nasabing event kaya nagtataka ako at ang iba pang saksi sa event kung saan napulot ng mga online marites ang nasabing fake news.
Sa rami ng taong nakaabang sa labas ng grand ballroom at ng mismong lobby ng hotel ay imposibleng walang nakakita at nakapagpa-picture kay Alden, ha. Super abangers pa naman ang mga Gaka (gate crashers) sa mga celebrities na nandoon sa event.
Hindi rin totoo na nasa backstage ang aktor para samahan si Kath. Hindi naman nag-stay ang Asia’s Phenomenal Superstar sa backstage dahil punong-puno na ito ng mga candidates ng Superbods at glam team.
Sa isang room ng kalapit na hotel nag-stay, inayusan, at nagbihis si Kath. Bumabalik lang ito sa grand ballroom at pumupunta lang ito sa gilid ng stage kapag kailangan na siya. Dalawang beses lang naman nag-appear on stage ang aktres, una ‘yung sumayaw siya at pangalawa ‘yung interview at awarding ng prizes sa winners ng Superbods 2024.
Ang kasama lang ni Kath sa hotel room ay ang kanyang niece na si Lhexine Alcantara, handler na si Lulu Romero, road manager na si Arlie Salagantin, at ang kanyang glam team na kinabibilangan nina stylist Lulu, makeup artist Justine Claudia, at hairstylist John Valle. Sila rin ang kasama niyang lumakad from hotel room hanggang event’s venue with security guards.
Busy rin si Alden noong araw na iyon kaya imposible na pumunta ito para samahan si Kathryn dahil kasabay ng nasabing finals night ang promo event niya para sa bagong serye sa GMA-7.
Pero mukhang alam naman ng KathDen fans na fake news ang nasabing issue dahil dinedma nila ito. Komento nga ng isang netizen, alam daw nila na hindi magkasama ang dalawa ng araw na iyon at gawa-gawa lang ng mga clout chaser. ‘Mema’ (may masabi) lang daw ang mga nagkakalat ng mga tsikang ito. Kaloka.
Samantala, malapit-lapit nang mag-shooting ng ‘Hello, Love, Again’ sa Canada sina Kath, Alden kaya for sure malulunod sa sandamakmak na mga ayudang photos at videos ang KathDen.
Waiting na nga raw sila rito at siguradong hindi ito fake news.
‘Yun na!
News
May Violation Ulit! It’S Showtime, Bibigyan Ulit Ng Parusa Nang MTRCB Dahil Naman Kay Vice Ganda
Kapamilya noontime show na It’s Showtime, maaring mapatawan na naman ng panibagong parusa ng MTRCB nang dahil muli sa Unkabogable Star na si Vice Ganda. Muling tinawag ng ilang mga netizens ang pansin ng MTRCB, dahil sa naging pahayag…
BREAKING NEWS: Binggo Na! Its Showtime Nanganganib Na Muling Masuspinde?!
Sa pinakabagong episode ng It’s Showtime, muling nakakuha ng pansin ang Unkabogable Star na si Vice Ganda dahil sa kanyang mga kontrobersyal na biro. Ang mga birada ni Vice Ganda ay naglalaman ng mga pahayag na tila may target…
Vice Ganda, sinagot ang netizen na sinabihan siyang wag pisikalin si Anne Curtis
– Vice Ganda recently responded to some netizens on Twitter – One netizen called him out and told him to avoid having “pisikilan” jokes with Anne Curtis – It didn’t take long for Vice to address the said tweet –…
Gerald Anderson’s mother opens up about relationship between Bea Alonzo and her son: ‘I never liked her!’
27 Aug – Gerald Anderson’s mother Evangeline Opsima is definitely unhappy with the controversy surrounding her son’s breakup with Bea Alonzo, as she recently admitted that she has never liked the actress for her son. As reported on Rappler, Opsima, known…
Bea Alonzo reacts after touring Thailand at same time as Gerald Anderson, Julia Barretto
From left: Bea Alonzo, Gerald Anderson and Julia Barretto at the 2019 ABS-CBN Ball Philstar.com / Kat Leandicho, file MANILA, Philippines — Kapuso actress Bea Alonzo is unbothered to cross paths with her ex-boyfriends in the future. In GMA7 reporter…
Xian Gaza, sinagot ang netizen na nagtanong kung bakit sila naghiwalay ng ex
https://www.facebook.com/photo.php?fbid=478551918363683&set=a.106700708882141&type=3&ref=embed_post- Sa kanyang post kamakailan ay pinakita niya ang aniya’y dinatnan niya nang umuwi siya sa bahay nila – Aniya, bago siya umuwi ay sinabihan niya na ang ex girlfriend niya na lumipat na – Bukod sa pagpuri niya na…
End of content
No more pages to load