kathden

Naku, mukhang special talaga itong upcoming sequel ng hit movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards!

Paano ba naman kasi ay nagkalat na nga sa social media ang clips and pics ng pagbisita mismo ng CEO ng ABS-CBN na si Carlo Katigbak sa set ng ‘Hello, Love, Again’ sa Calgary, Canada!

Ni-repost nga rin ni Kath mismo sa kanyang Instagram story ang isa sa mga litrato kasama si CLK, na for sure nga ay pinusuan ng maraming netizens.

Huli nga rin ng isang netizen na nagbibigay ng interview sina Kath and Alden na inaabangan na ng mga utaw online.

Marami nga rin ang nagre-repost ng mga KathDen moments online at nagbabahagi ng kanilang kilig para sa dalawa, ha!

Talagang iba umano ang chemistry ng dalawa at excited na sila sa nasabing sequel movie na inaasahang ipapalabas sa November ng taong ito. Ang bongga!

Sey nga sa isang quote ay to whom much is given, much will be required at mukhang much is to be expected sa upcoming film na ito na talaga namang binuhusan ng suporta hindi lang ng mga netizen pero maging ng mga executives.

Ka-excite, ha! (Carl Balasa)