Kathryn Bernardo ayaw marinig ang name ni Daniel, true kaya?

Daniel Padilla at Kathryn Bernardo

 

TRULILI nga kaya ang chika na ayaw na raw umanong marinig ng Kapamilya A-lister na si Kathryn Bernardo ang pangalan ng kanyang ex-boyfriend na si Daniel Padilla?

Ito kasi ang napag-usapan ng showbiz columnist na si Cristy Fermin at kasamahan nitong si Romel Chika sa show nilang “Cristy Fermin”.

Sa episode nila nitong March 6, naikuwento ng kolumnista ang na may nakarating sa kanyang chika tungkol kay Kathryn.

Aniya, may nagkuwento raw sa kanya tungkol sa Kapamilya actress.

“Natawa ako dito sa kuwentong ito. So, lahat pala ng ‘Daniel’ ngayon ayaw na talagang marinig ni Kathryn Bernardo. Kung totoo ‘yong kuwento na ayaw na niyang naririnig pa ang pangalan na ito,” saad ni Cristy.

Aniya, nasa moving on stage raw kasi ang dalaga mula sa nangyari at kahit sino naman ay may ganoong prosesong pagdaraanan.

 

“Alam n’yo po, nando’n kasi sa pagsulong mula sa isang pagkabigo si Kathryn Bernardo at kahit sino naman po siguro ay ganyan ang magiging emosyon,” pagpapatuloy pa ni Cristy.

Chika pa niya, dalawang linyahan raw ang madalas gamitin sa mga ganitong pagkakataon.

“Dalawa po ang gasgas na linya kapag ganyan. Ang una, ‘change topic please.’ Ang mas harsh na atake, ‘please don’t say bad words,’” natatawang sey ni Cristy.

Sabi naman ni Romel, talaga namang nangyayari ang ganitong phase sa mga nagmu-move on gaya ni Kathryn na bagama’t OA para sa iba ay natural lang naman ang ganitong ganap lalo na kung nasaktan ang isang tao nang sobra.

Matatandaang November 2023 nang aminin ng dalaga sa publiko na tuluyan na silang naghiwalay ni Daniel.

Tumagal rin ng 11 years ang relasyon nina Kathryn at Daniel.

Samantala, para naman kay Gelli de Belen, ang gumanap bilang ina ng aktres sa seryeng “2 Good 2 Be True”, walang problema kung magkakabalikan ang dalawa.

“Mga bata pa naman sila [Kathryn at Daniel]. Kung uukol, bubukol! Malay mo? Pero kung hindi, maybe it’s time for them to do other things, and discover themselves. More than anything, sa kanila pa rin. Yun ang pinakaimportante!” ani Gelli.