Kasabay ng paglutang ng isyu ng panliligaw ni Alden Richards kay Kathryn Bernardo, nagsulputan naman sa isang portal ang mga litrato nina Maine Mendoza at ng “Hello Love Again” star.

Makikita ang mga photo ng closeness nila sa mga ganap na nagsama sila.

Isa na rito ay nang dumalo sila sa kasal ni Maja Salvador.

Samu’t-sari naman ang naging reaksyon ng mga nagma-Marisol sa kanilang viral pictures.

Ito naman ang ilang komento ng kibitzers.

“Kaloka.Bilog talaga ang mundo.”

“Ayaw ng Aldub niyan.Ika-cancel si Kathryn.”

“Ano kaya ang feeling ni Menggay?”

” Wag nang gawan ng isyu. May asawa na si Maine.Move on na ang delulu fans.”

“Ang past at present.”

“Friends naman talaga sila pero hindi super close.Ang fans lang ang gumagawa ng isyu.”

“Kung magkatuluyan ang KathDen, invited kaya sa wedding si Maine.”

“Wala namang isyu.KathNiel was at ArMaine’s wedding.”

“Nagwawala na ang AlDub.” (Archie Liao)