HINDI napigilan ng aktres na si Kathryn Bernardo ang maging emosyonal nang mag-renew siyang muli ng exclusive contract sa Star Magic ang talent management arm ng ABS-CBN.
Ngayong araw, February 2, winakasan na ng dalaga ang bulung-bulungan na diumano’y iiwan na niya ang Kapamilya network kasunod ng paghihiwalay nila ng kanyang ka-love team at ex-boyfriend na si Daniel Padilla.
At bilang pagbibigay suporta kay Kathryn ay present ang lahat ng mga big boss ng ABS-CBN.
Dumalo sa kanyang contract signing sina Chief Executive Officer and President Carlo Katigbak, Chairman Mark Lopez, Chief Operating Officer for Broadcast Cory Vidanes, Head of Star Magic and Entertainment Production Laurenti Dyogi, Head of Star Magic Marketing and Senior Talent Manager Alan Real, Chief Finance Officer Rick Tan, Head of ABS-CBN Films Kriz Gazmen.
Pagbabahagi ni Kathryn, malaki ang kanyang utang na loob sa ABS-CBN na itinuring na niyang pangalawang tahanan at siyang naging daan para matupad niya ang kanyang mga pangarap para sa sarili at sa kanyang pamilya.
Aniya, nangako daw siya noon na hindi niya iiwan ang Kapamilya network noong may mabigat itong pinagdaraanan.
“I remember in 2020, I made a promise. Sinabi ko sa ABS-CBN na, ‘Hindi kita iiwan at nandito lang ako hanggang makabangon ka ulit.’ And today, here I am, fulfilling that promise,” lahad ni Kathryn.
Nagpasalamat rin si Kathryn sa mga taong nakasama, naniwala, at nagmahal sa kanya sa loob ng dalawang dekada niya sa showbiz.
“To my bosses, you’re like a family to me, and my friends. Itong signing ng contract na ito [ang dahilan] is because I trusted you more than anybody when it comes to work.
“I’m signing this contract to seal the friendship. Hindi ako mag-i-stay dito sa ABS-CBN kung wala kayo. Malaking parte sila kung bakit ako nandito,” sinserong sabi ni Kathryn.
Aniya, hindi niya kakayanin ang payapang makatulog sa gabi knowing na iniwan niya ang mga taong naniwala sa kanya.
“It’s my appreciation because ang hirap dito sa industry na to, e, these people, grabe, sinuportahan nila ako.
“Kaya thank you for making time to know me, understand me, and thank you for supporting my decisions in everything that I do,” pagpapatuloy ni Kathryn.
News
SHOCK: Ion Perez breaks silence on rumours ‘CHEATING’ on Vice Ganda
PHOTO: @praybeytbenjamin on Instagram Ion Perez took to Instagram to address bashers who think he will cheat on Vice Ganda! Ion Perez condemned accusations made by critics that he will most likely cheat on his partner, the Phenomenal Box Office Star Vice…
SHOCK VIDEO: VICE GANDA’S WIG BEING PULLED IN CANADA, AND HIS CALM REACTION
Photo lifted from the Instagram account of Kapamilya host Vice Ganda. @praybeytbenjamin via Instagram MANILA, Philippines — Host-comedian Vice Ganda kept a calm composure as he confronted a couple of fans who tried to pull his wig while at a concert…
Gerald Anderson, inihayag naramdaman sa pelikula ni Julia at Joshua: “Awkward talaga trabaho namin”
– Gerald Anderson, in an interview with ABS-CBN, expressed what he felt about the movie of Julia Barretto and Joshua Garcia – In an interview, he was first asked of his reaction about rumors about him and Julia, as well…
Rumored gf ni Joshua Garcia, nanood ng pelikula nina Joshua at Julia Barretto
– Masayang ibinahagi ni Emilienne, rumored girlfriend ni Joshua Garcia, ang kanyang kagalakan matapos mapanood ang pelikulang #UnHappyForYou – Ipinahayag niya ang kanyang paghanga sa talento nina Joshua Garcia, Julia Barretto, at director na si Antoinette Jadaone – Sinabi ni…
Joshua Garcia, ginulat mga fans sa kissing scene nila Julia Barretto sa pinost na BTS video
– Joshua Garcia’s fans were thrilled at his kissing scene with ex-GF Julia Barretto in the “Un/Happy For You” BTS video that he posted – In the video, one can see one scene where the ex-couple hugged and kissed –…
Charlene Gonzalez reacts to Julia Barretto’s stunning photo: “beautiful”
– Julia Barretto didn’t fail to captivate the netizens with her new post on Instagram – The actress showed off her stunning outfit and captioned her post with an ice cream emoji – Furthermore, Julia’s post has gone viral and…
End of content
No more pages to load