– Binalikan ng netizens ang lumang post ni Angelica Yulo tungkol sa kanyang sakripisyo bilang ina
– Ibinahagi ni Angelica kung paano niya sinantabi ang kanyang mga pangarap para sa kapakanan ng kanyang mga anak
– Umani ng iba’t ibang reaksyon ang post, lalo na’t naging mainit ang usapin ang tungkol sa tampuhan nila ng anak niyang si Carlos Yulo
– Naging usap-usapan din ang relasyon ni Carlos kay Chloe San Jose na posibleng may kaugnayan sa isyu
Umani ng pansin at mga reaksyon mula sa netizens ang isang lumang post ni Angelica Yulo, ina ng gymnast na si Carlos Yulo, kung saan ibinahagi niya ang kanyang mga karanasan at sakripisyo bilang isang ina.
Lumang post ni Angelica Yulo tungkol sa pagiging ina, binalikan ng netizens Source: Facebook
Sa nasabing post, emosyonal niyang inilahad ang kanyang mga pinagdaanan bilang isang batang ina na hindi handa ngunit buong puso ang dedikasyon para sa kanyang mga anak.
Ang post na ito ay muling binalikan ng mga netizens matapos lumabas ang isyu tungkol sa samaan ng loob si Angelica at ang kanyang anak na si Carlos Yulo, lalo na nang masangkot si Chloe San Jose, kasintahan ni Carlos, sa isyu. Nagkaroon ng sari-saring komento ang mga netizens, ang iba’y bumilib sa mga sakripisyo ni Angelica bilang ina, habang ang iba naman ay nagtatanong kung ano ang tunay na dahilan ng hidwaan sa kanilang pamilya.
https://www.facebook.com/angelica.yulo/posts/pfbid0Z8mLrRsBwum6vkCawsFccmQT3x7tqqhBoNk5jyCrKitXbsBuzsoWy7eMWmddgZiMl?ref=embed_POST
Patuloy na sinusubaybayan ng publiko ang sitwasyong ito habang naghihintay ng karagdagang pahayag mula sa magkabilang panig.
Si Carlos Edriel Yulo ay isang kilalang gymnast mula sa Pilipinas na nagpakitang-gilas sa mga gymnastics competitions, lalo na sa floor exercise at vault. Bata pa lamang si Yulo nang magsimula siyang mag-ensayo, at nagkaroon siya ng pagkakataong mag-aral at magsanay sa Japan, kung saan higit pang nahasa ang kanyang kakayahan. Siya ang unang Pilipino na nagwagi ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships noong 2019.
Matatandaang nag-post si Chloe San Jose ng mga larawan mula sa condominium ni Carlos Yulo.Ibinigay ng Megaworld ang P32 milyong condo bilang regalo kay Carlos dahil sa kanyang tagumpay. Pinuri naman ni Carlos ang bagong hairstyle ni Chloe sa social media. Umugong ang espekulasyon ng mga netizen na maaaring naninirahan na si Chloe sa condo ni Carlos.
Samantala, ibinulgar ni Chavit Singson na hindi na makontak ng pamilya niya si Carlos Yulo. Nag-alok si Singson ng P5-M pabuya para sa pagbabati-bati ng pamilya ni Yulo. Hinimok ni Singson si Caloy na unahin ang kanyang pamilya sa kabila ng tagumpay. Patuloy na umaasa si Singson na maaayos ang gusot sa pagitan ni Yulo at ng kanyang pamilya.
News
SHOCK: Ion Perez breaks silence on rumours ‘CHEATING’ on Vice Ganda
PHOTO: @praybeytbenjamin on Instagram Ion Perez took to Instagram to address bashers who think he will cheat on Vice Ganda! Ion Perez condemned accusations made by critics that he will most likely cheat on his partner, the Phenomenal Box Office Star Vice…
SHOCK VIDEO: VICE GANDA’S WIG BEING PULLED IN CANADA, AND HIS CALM REACTION
Photo lifted from the Instagram account of Kapamilya host Vice Ganda. @praybeytbenjamin via Instagram MANILA, Philippines — Host-comedian Vice Ganda kept a calm composure as he confronted a couple of fans who tried to pull his wig while at a concert…
Gerald Anderson, inihayag naramdaman sa pelikula ni Julia at Joshua: “Awkward talaga trabaho namin”
– Gerald Anderson, in an interview with ABS-CBN, expressed what he felt about the movie of Julia Barretto and Joshua Garcia – In an interview, he was first asked of his reaction about rumors about him and Julia, as well…
Rumored gf ni Joshua Garcia, nanood ng pelikula nina Joshua at Julia Barretto
– Masayang ibinahagi ni Emilienne, rumored girlfriend ni Joshua Garcia, ang kanyang kagalakan matapos mapanood ang pelikulang #UnHappyForYou – Ipinahayag niya ang kanyang paghanga sa talento nina Joshua Garcia, Julia Barretto, at director na si Antoinette Jadaone – Sinabi ni…
Joshua Garcia, ginulat mga fans sa kissing scene nila Julia Barretto sa pinost na BTS video
– Joshua Garcia’s fans were thrilled at his kissing scene with ex-GF Julia Barretto in the “Un/Happy For You” BTS video that he posted – In the video, one can see one scene where the ex-couple hugged and kissed –…
Charlene Gonzalez reacts to Julia Barretto’s stunning photo: “beautiful”
– Julia Barretto didn’t fail to captivate the netizens with her new post on Instagram – The actress showed off her stunning outfit and captioned her post with an ice cream emoji – Furthermore, Julia’s post has gone viral and…
End of content
No more pages to load