In a 9-3 jury verdict, Paradigm Sports wins lawsuit vs. Manny Pacquiao.

California jury ordered Manny Pacquiao to pay $5.1-M to Paradigm Sports Management

A California jury sides with Paradigm Sports Management and orders Pambansang Kamao Manny Pacquiao to pay the company a total of $5.1M. 

PHOTO/S: JEROME ASCANO

Pinaboran ng California jury ang breach of contract lawsuit ng Paradigm Sports Management laban kay Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.

Ang Paradigm Sports Management ay isang international sports management company na pag-aari ng Iraqi-American entrepreneur na si Audi Attar. Kabilang sa mga kliyente nila sa kasalukuyan, ayon sa sportskeeda.com, ay sina UFC star Conor McGregor, UFC welterweight champion Leon Edwards, middleweight kingpin Israel Adesanya, light heavyweight champion Jiri Prochazka, at Bellator welterweight fighter Michael Page.

Si Manny, na itinuturing na Philippine pride, ang kaisa-isang eight-divison champion sa kasaysayan ng boxing at mayroon siyang 12 major world titles.

Dati siyang nakakontrata sa Paradigm.

Nag-ugat ang kaso sa hindi pagtupad ni Manny sa kasunduan nila ng Paradigm kahit na nabigyan na siya ng advance payment sa halagang $2M, o lagpas sa P100M.

Lumalabas na nakipaglaban si Manny sa ibang boksingerong labas sa napirmahan nitong kontrata sa Paradigm.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News ngayong araw, May 3, 2023, 9-3 ang resulta ng botohan ng jury pabor sa Paradigm.

Inutusan din ng hukuman si Manny na ibalik ang nakuha nitong $3.3M sa kumpanya at magbayad ng karagdagang $1.8M para sa damages.

Suma-total, $5.1M o mahigit sa P280M ang kailangang bayaran ni Manny.

October 2021, ibinunyag ng dating matalik na kaibigan ni Manny na na si Jayke Joson na tinakbuhan umano sila nito kahit na nakapagbigay na ng cash advance ang Paradigm Sports sa mambabatas ng halagang $2M, o lagpas P100M, para sana sa laban nito kay Comor McGregor sa Las Vegas, Nevada.

Pero hindi natuloy ang Pacquiao-McGregor match.

Bago pa nito, sa isang panayam ni Jayke, inakusahan niya si Pacquiao na tinakbuhan umano siya at si Arnold Vegafria ng halos P65M mula sa kanilang sariling bulsa.

Si Vegafria ang business manager ni Manny at tumatayo ring national director ng Miss World Philippines Organization.

Lahad niya, “Nakapag-raise po kami sa sarili naming pera na P65M. So, nakuha po niya P165M sa amin.

“P65M, sa amin dalawa ni Arnold, personal money. Nagkasanla-sanla po kami para lang itulong at ibigay kay Senator Pacquiao. And then, yung P100M, sa Paradigm.

“To cut the long story again, part 3, nabigay namin ang pera, nagkasanla-sanla po kami, nakuha niya yung pera ng Paradigm, tinakbuhan po kami.”

Dahil sa nangyari, nagkalamat ang pagkakaibigan nina Jayke at Pacquiao na halos labimpitong (17) taon ang itinagal.