Manny to “Maritess”: “Paparusahan kayo ng ating Panginoon.”

manny pacquiao jinkee pacquiao

Manny Pacquiao on rumor that he and wife Jinkee have broken up: “Kasi binabalita, mga Maritess diyan… baka mamatay kayo sa inggit.” 
PHOTO/S: @JINKEEPACQUIAO ON INSTAGRAM / MANNY PACQUIAO TIKTOK

May pasaring si Manny Pacquiao sa mga “Maritess” na nagpapakalat ng pekeng balita na hiwalay na sila ng asawang si Jinkee Pacquiao.

Ngayong Miyerkules, February 1, 2023, nag-post ng TikTok video ang Pambansang Kamao.

Magkasama ang mag-asawa sa isang coffee shop sa General Santos City, at kumuha ng video si Manny habang nagdi-date sila.

“Nandito kami ngayon sa Starbucks sa GenSan sa SM kasama ang aking soulmate, si Jinkee.

“Kasi binabalita, mga Maritess diyan…” pahayag ni Manny na nagpahalakhak kay Jinkee.

Natatawang pagpapatuloy ni Manny, “Baka mamatay kayo sa inggit.”

Paalala pa ng dating senador, “Mga tsismis diyan, naku, paparusahan kayo ng ating Panginoon dahil sa mga ginagawa ninyo, alalahanin nyong mabuti.

“Stay safe. Know that God is good all the time.”

JINKEE PACQUIAO DECLARES LOVE FOR MANNY ON IG

Kasabay ng TikTok video ni Manny ay may makahulugang IG post din si Jinkee ngayong araw. Mahihinuhang reaksiyon niya ito sa isyung hiwalayan nila ni Manny.

Idineklara ni Jinkee ang pagmamahal kay Manny sa kanyang post.

“Home is wherever i’m with you. By your side is where i want to be. I Love You, babe!” caption ni Jinkee na pinuno pa niya ng mga love at positive emojis.

Ang mga larawan ay kuha rin sa pagpasyal nila sa coffee shop at may mga kuha rin sa kanilang tahanan.

Sunud-sunod din ang post ni Jinkee sa IG Story niya ng video ni Manny at mga larawan nilang mag-asawa.

manny pacquiao jinkee pacquiao

THE BREAKUP RUMOR

Nitong mga nakalipas na araw ay may lumabas na isyung hiwalay na ang mag-asawa na tinalakay sa isang YouTube video.

Diumano ay nag-file pa raw ng annulment case si Jinkee.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Pero ipinagtanggol ang mag-asawa ng kanilang mga kaibigan, kabilang na si Annabelle Rama, na sinabing walang katotohanan ang isyu.

Sinabi rin ni Annabelle sa kanyang Facebook post na buntis umano si Jinkee.