– Viral ang video ni Julia Barretto kung saan kumakanta ng mga awiting “You’re Still The One” at Dancing Queen”

– Umabot sa mahigit 1.5 million views ang video ng kanyang pagkanta na binahagi ng isang fan sa TikTok

– Hindi napigilang magkomento lalo na ng kanyang mga tagahanga na di napigilang purihin ang aktres

– Hindi naman ito nakakapagtaka ayon sa ilan sa kanyang fans dahil nagmula siya sa lahi ng mga barretto na kilala mga talentado

Todo-bigay si Julia Barretto sa kanyang pagkanta sa isang video na naibahagi ng isang fan sa TikTok. Agad itong nag-viral at umabot sa mahigit 1.5 million views matapos lamang ang ilang araw mula nang ito ay i-upload.

Pagkanta ni Julia Barretto nang live, mabilis na nag-viral

Pagkanta ni Julia Barretto nang live, mabilis na nag-viral (@juliabarretto) Source: Instagram

Makikita sa naturang video ang kanyang pagkanta ng mga awiting “You’re Still The One” at Dancing Queen.”

Hindi napigilang magkomento lalo na ng kanyang mga tagahanga na di napigilang purihin ang aktres:

OMG, my favorite Julia! Kahit anong issue i’ll stand with here always.

Super gorgeuos talaga ni Julia.Idol ko to eh.

Fav niya yata ang dancing queen. The song is so lively naman talaga!

@rriiiich

You’re Still The One by @juliabarretto ☺️ #JuliaBarretto

#SamalIsland #pearlfarm #davao #jujuonthego #cttoofvideo

♬ original sound – RICH – RICH🦋

Si Julia Barretto ay aktres na nagmula mula sa angkan ng mga Barretto na kilala sa mundo ng showbiz. Anak siya ni Dennis Padilla at ng batikang aktres na si Marjorie Barretto. Pamangkin siya nina Claudine at Gretchen Barretto.

Sa kabila ng mga negatibong reaksiyon ng mga netizens, ibinahagi kamakailan ni Vicki Belo ang litrato nila ni Hayden kasama sina Gerald at Julia. Para naman kay Gerald, pakiramdam niya ay nabunutan siya ng tinik nang aminin ang tungkol sa relasyon nila ni Julia. Matatandaang naging usap-usapan nang aminin sa wakas ni Gerald ang tungkol sa relasyon nila ni Julia Barretto sa isang exclusive interview ni Boy Abunda sa kanya.

Aminado si Julia na nakakapag-usap pa rin sila ng kanyang ex-boyfriend na si Joshua Garcia. Naibahagi niya sa panayam ni Boy Abunda sa kanya na pinayuhan niya si Joshua na huwag munang makipagrelasyon. Sa pananaw niya ay maaring magiging sagabal lang sa kanyang showbiz career kapag makipagrelasyon ang dating nobyo. Gusto umano niyang ma-enjoy ni Joshua ang kanyang umaalagwang showbiz career.