PARA sa TV host-comedian na si Vice Ganda, napakaimportante ng “sense of intimacy” para mas tumagal at mas maging solid pa ang isang relasyon.
Nagbigay ng kanyang saloobin si Vice tungkol sa paghihiwalay ng dating magdyowa na sumabak sa “EXpecially For You” ng “It’s Showtime” last Friday.
Sa pagbisita ng ex-couple na sina Christine at Derick sa naturang dating game segment, isa raw sa mga naging dahilan ng kanilang paghihiwalay ay ang unti-unting pagbabago at pagkalimot sa mga espesyal na okasyon sa kanilang relasyon.
“Alam mo ‘yung difference ng love sa in love? Kasi puwede niyang sabihin na mahal ko naman siya e, ‘yun din ‘yung pinagkaiba ng mahal mo ba siya o iniibig mo siya.
“Kasi ‘yung mahal, puwede mo siyang ibigay sa lahat sa maraming tao, pero ‘yung iniibig mo siya na ipinaparamdam mo, ibinibigay mo lang iyan sa pinaka-natatangi,” ang simulang payo ni Vice sa dating magkarelasyon.
Sabi pa ni Vice, magkaiba ang salitang mahal sa pagmamahal, “Kaya kung nararamdaman ko na mahal niya ako o sinasabi mo na mahal ko na naman siya e.
“Pero, napaparamdam mo ba sa kanya kung iniibig mo ba siya? Napaparamdam mo ba ‘yung pagiging natatangi niya,” sabi pa ni Vice.
Bukod dito, nasabi din ni Vice kina Christine at Derick at sa iba pang mga magdyowa na mahalaga sa relasyon ang pag-maintain sa sense of intimacy sa isang relationship.
“Para ma-maintain mo ‘yung pagiging in love mo doon sa relationship, it is a combination of constant combination of both conscious and unconscious efforts.
“Kung hindi nararamdaman, kung hindi na evident sa relasyon ‘yung unique sense of intimacy mahal mo na lang siya pero hindi mo na siya iniibig.
“Kasi wala nang katangi-tangi sa nararamdaman niyo sa isa’t isa wala na kayong ginagawa sa isa’t isa na katangi-tangi.
“Yung ipinapakita at ginagawa at ginagawa niyo sa isa’t isa napapakita niyo na sa lahat at wala ng espesyal,” aniya pa.
News
Mark Andrew Yulo, ibinida ang paghanga kay Nesthy Petecio
– Nirepost ni Mark Andrew Yulo ang isang quote card ni Nesthy Petecio kung saan ibinida niya ang paghanga sa mga prinsipyo nito – Tinawag ni Mark Andrew na “idol” si Petecio dahil sa dedikasyon nito sa pagtulong sa kanyang…
Gary Valenciano pens a message of appreciation for Carlos Yulo: ‘A dream come true, a champion, a national hero’
Gary Valenciano is happy and proud to finally meet Filipino double gold medalist Carlos Yulo. Photo credit to @garyvalenciano Instagram Kapamilya singer Gary Valenciano was still in awe after meeting double gold Olympic medalist Carlos Yulo, who previously visited the…
Vice Ganda, nag-react nang tawaging ‘babae’ ni Jhong: Magagalit si Cristy Fermin’
– Usap-usapan ang naging pahayag ni Vice Ganda habang nasa Expecially For You segment ng ‘It’s Showtime’ – Nag-uusap sila ni Jhong Hilario tungkol sa desisyon ng mga magkasintahang maghiwalay nang sabihin ni Jhong na ‘ganyan naman kayong mga babae’…
Vice Ganda, may makulit na nabanggit sa umano’y love life ni Kathryn: “Wala akong sinasabi!”
– May makulit na nabanggit umano si Vice ganda ukol sa love life ni Kathryn Bernardo – Ito ay matapos siyang magkomento sa isang performance sa anniversary concert ni Darren Espanto – Kasama ni Kathryn sina Chie Filomeno at Alora…
Vice Ganda, nagpasalamat matapos hiranging #1 most followed male influencer
– Nagpasalamat si Vice Ganda matapos siyang hiranging #1 Most Followed male influencer – Sa kanyang Facebook post, ibinahagi niya ang screenshot ng mga male influencers na pasok sa listahan na pinangunahan niya – Kabilang din sa naturang listahan sina…
WATCH: Vice Ganda, inalala ang biglaang request sa kanya ni Billy Crawford sa phone call
– Vice Ganda, during one “It’s Showtime’s” episode, mentioned Billy Crawford – On Instagram, ABS-CBN uploaded a video of the clip from the noontime show – In the video, Vice recalled Billy randomly calling him once and asked where he…
End of content
No more pages to load