Rommel Padilla umaray sa quote card na tumitira kay Kathryn: Kondenahin!

INALMAHAN ng dating action star na si Rommel Padilla ang lumabas na quote card tungkol sa umano’y pagiging “cheater” ng anak niyang si Daniel Padilla.

Wala raw bahid ng katotohanan ang nakasulat sa isang social media quote card na kalat na kalat na ngayon kung saan “dinedepensahan” niya si DJ sa sinasabing panloloko raw nito kay Kathryn Bernardo.

Ni-repost ni Rommel ang screenshot ng pekeng quote card sa kanyang Facebook page kung saan makikita rin ang handle name ng social media account na naglabas nito.

Mababasa rito ang mensaheng, “Puro kayo panghuhusga kay Daniel na cheater siya, akala niyo naman ang lilinis niyo!

“Ikaw Kathryn, kung hindi dahil kay Daniel wala ka sa kinatatayuan mo ngayon!

“Alam mong gwapo ‘yung anak ko, dapat expected mo na hindi lang ikaw ang babae niyan.”

 

Ang caption na inilagay ng tatay ni Daniel sa kanyang post, “FAKE NEWS! Wag po paniwalaan at ikalat. Ito po ay may pananagutan sa batas.”

Nilagyan pa niya ito ng hashtag na, “Kondenahin ang pagpapakalat ng pekeng balita.”

Humingi rin ng tulong si Romnel sa kapatid na senador na si Robin Padilla kaya naman naglabas agad ang opisina ng actor-public servant ng official statement na nagsasabing peke nga ito.

Narito ang ilang reaksyon ng mga netizens sa post ni Rommel.

“Masyado na po nilang inaabuso si dj sa pambabatikos sobra na ang mga tao sana ok ka lng dj namin mag iingat ka lagi laban ka lng anjan lagi ang diyos para umalalay sayo.  nkakalungkot ang nangyayari sa ngayon kay dj sobrang naaawa ako sa kanya lalo na sa nararamdaman niya neun.”

“THANK YOU PO TITO OMENG. SANA BIGYAN NA YAN NG LEKSYON ANG MGA GUMAGAWA NG FAKE NEWS ‼️”

“No to fake news.. sana mabigyan aksyon yang mga ganyan.. subra na talaga ang ginagawa nila kay daniel.”

“Sige bff Rommel Padilla bigyan mo ng lesson yan gumagawa ng fake news!”

“Maraming beses na to dumaan sa wall ko at nag comment pa ako ng fake news yan dahil walang matino ang pag-iisip na magsasabi ng ganyan dabi ko pa nga matino pa nmn ang pag-iisip ni romel para pagpost ng ganyan, kaya marami gunagawa ng ganyan dahil marami rin taga panuod na agad agad naniniwala pag my dumaan sa wall nila.”