Birthday ni Ron Angeles ngayong August 12 at ang wish niya ay maging banner year para sa kanya ang susunod na 12 months.
Sa kuwentuhan namin ng 26-year old actor ay ni-reveal niya na pinakaaasam niyang makapareha si Kathryn Bernardo.
“Doon ko kasi nakita na kahit kanino mo i-partner si Kath ay kaya niyang dalhin,” sey ni Ron. “Andun lagi ‘yung pagiging aktres niya, ang pagmamahal niya sa craft.”
Kung sakaling magkatotoo ang tambalan nila ay hindi rom-com movie ang nais ni Ron, kundi cyber drama or sci-fi, “Para maiba sa panlasa ng tao,” he said. “Kung sakali ay first time makikita si Kath sa ganung genre.”
Pangarap lang naman ni Ron ‘yon kaya huwag nang magtaas ng kilay ang mga intrigero’t intrigera, ha!
Anyway, hindi na namin natanong si Ron kung crush din ba niya si Kath. Pero napag-usapan namin ni birthday boy ang kanyang love life. Well, meron nga ba?
“Wala, hindi ko priority ‘yan. Sa dami ng ginagawa ko ay baka ‘di ko lang siya mapagtuunan ng panahon,” sey ni Ron. “Ang kailangan ko ay taong makakaintindi sa trabaho ko, sa schedule ko.”
Hindi lang naman kasi sa showbiz nakatuon ang aktor kundi sa kanyang businesses tulad ng isang restaurant sa Q.C. at fitness center sa Parañaque City.
Nabanggit nga pala ni Ron na may isu-shoot siyang movie starting next month, pero hindi pa niya puwedeng sabihin ang pamagat. Napag-uusapan na rin daw nila ng kanyang manager na si Bryan Dy, of Mentorque Productions, ang isang malaking solo movie para sa kanya, so wait na lang natin ang mga developments, ok?
News
Andrea Brillantes, ni-like ang comment ni Chloe San Jose sa bagong post niya
– Chloe San Jose could not help but leave a comment on Andrea Brillantes’ new post on Instagram – In the said post, Andrea shared a set of photos and a video taken during her recent “ASAP” guesting – Carlos…
Chloe San Jose, nag-react sa bashers na kinumpara siya kay Chucky’s Bride
– Carlos Yulo and Chloe San Jose are the new brand ambassadors of Urban Smiles Dental Clinic – The two-time Olympic gold medalist’s girlfriend shared the good news on her Facebook page – In the comments sections of her post,…
Angelica Yulo, labis na nagpasalamat nang tanggapin ang ‘Ulirang Ina Award’
– Natanggap na ni Angelica Yulo, ina ng Paris Olympics gold medalist na si Carlos Yulo ang kanyang award – Kasama ni Angelica ang kanyang mister na si Mark nang tanggapin niya ang ‘Ulirang Ina Award’ – Bagama’t marami ang…
Julia Barretto at Gerald Anderson, nasa Gensan para sa kaarawan ng ina ni Gerald
– Binahagi ni Gerald Anderson ang ilang pictures na kuha sa ika-66 na kaarawan ng kanyang ina – Bukod sa picture nilang mag-ina ay naroroon din ang kasintahan ni Gerald na si Julia Barretto – Base sa nakalagay sa post…
Stell Ajero of SB19 shares inspiring journey from McDonald’s crew to endorser of the same brand
– Stell Ajero, a member of SB19, shared his memories as a McDonald’s crew during a fan meet – He worked at McDonald’s while he was still in college, which taught him many life lessons – Now, Stell is one…
Anne Curtis, may nakakaaliw na entrance sa pagbabalik niya sa ‘It’s Showtime’
– Anne Curtis definitely knows how to put up a show – Just recently, she appeared in the ‘Kalokalike!’ segment of ‘It’s Showtime’ – It was her much-awaited comeback after her absence from the noontime show – She even pretended…
End of content
No more pages to load