– Trending si Ry Velasco dahil sa video kung saan binigyan niya ng kotse ang amang si Onyok Velasco
– Ibinigay ni Ry ang isang pickup truck na matagal nang pinapangarap ng kanyang ama
– Hindi maitago ni Onyok Velasco ang tuwa at emosyon sa natanggap na regalo mula sa anak
– Muling nag-viral ang video matapos balikan ng netizens sa gitna ng diskusyon tungkol sa pagpapahalaga sa mga magulang
Nag-trending muli ang social media influencer na si Ry Velasco matapos binalikan ng netizens ang kanyang viral video kung saan ibinigay niya ang isang kotse sa kanyang ama, ang 1996 Atlanta Olympic silver medalist na si Onyok Velasco. Sa nasabing video, ipinakita ni Ry ang kanyang surpresa sa ama, na isang pickup truck na matagal nang pinapangarap ni Onyok. Hindi maitago ng dating boksingero ang kanyang tuwa at emosyon nang makita ang regalong inihandog sa kanya ng anak.
Ry Velasco, trending dahil sa video ng pagbigay niya ng kotse sa amang si Onyok Velasco Source: TikTok
Sa kanyang mensahe, inihayag ni Ry ang kanyang pasasalamat sa lahat ng sakripisyong ginawa ng kanyang ama para sa kanilang pamilya. “I love you, dad. You deserve everything,” ani Ry, na sinundan pa ng mas emosyonal na pahayag, “You’ve given everything to us Dad. I owe it all to you.”
@av98 you have the purest heart dad. you deserve everything, ily đź’«
Matapos ang mga diskusyon sa social media tungkol sa pagpapahalaga sa mga magulang, muling naging usap-usapan ang video ni Ry na unang in-upload noong nakaraang taon, at nagbigay inspirasyon sa maraming netizens na alagaan at pahalagahan ang kanilang mga magulang.
Si Mansueto “Onyok” Velasco Jr. ay isang retiradong Filipino boxer. Taong 1994 nang makuha niya ang gold medal sa Asian Games. Matapos namang masungkit ang silver medal sa 1996 Atlanta Olympics mula sa 64 na taong paghihintay ng Pilipinas, mas pinili na ni Onyok na pasukin ang showbiz kung saan naging isa siyang komedyante.
Matatandaang naging matunog kamakailan ang hindi pa buong insentibo na natanggap ni Onyok mula sa pamahalaan matapos ang sunod-sunod naman na pledges ng mga indibidwal para sa apat na atletang nagbigay din ng karangalan sa bansa sa pag-uwi ng medalya mula sa Tokyo 2020 Olympics.
Dumulog din sa programa ni Raffy Tulfo si Onyok matapos na mabangga ang kanyang sasakyan at magkaproblema umano sa insurance. Sa naturang paglapit ni Onyok kay Tulfo, nagpahayag din ng respeto at paghanga si Tulfo kay Onyok at sinabing isa pa siya sa mga nag-cover ng laban nito noong siya pa ay reporter ng PTV4.
News
SHOCK: Ion Perez breaks silence on rumours ‘CHEATING’ on Vice Ganda
PHOTO: @praybeytbenjamin on Instagram Ion Perez took to Instagram to address bashers who think he will cheat on Vice Ganda! Ion Perez condemned accusations made by critics that he will most likely cheat on his partner, the Phenomenal Box Office Star Vice…
SHOCK VIDEO: VICE GANDA’S WIG BEING PULLED IN CANADA, AND HIS CALM REACTION
Photo lifted from the Instagram account of Kapamilya host Vice Ganda. @praybeytbenjamin via Instagram MANILA, Philippines — Host-comedian Vice Ganda kept a calm composure as he confronted a couple of fans who tried to pull his wig while at a concert…
Gerald Anderson, inihayag naramdaman sa pelikula ni Julia at Joshua: “Awkward talaga trabaho namin”
– Gerald Anderson, in an interview with ABS-CBN, expressed what he felt about the movie of Julia Barretto and Joshua Garcia – In an interview, he was first asked of his reaction about rumors about him and Julia, as well…
Rumored gf ni Joshua Garcia, nanood ng pelikula nina Joshua at Julia Barretto
– Masayang ibinahagi ni Emilienne, rumored girlfriend ni Joshua Garcia, ang kanyang kagalakan matapos mapanood ang pelikulang #UnHappyForYou – Ipinahayag niya ang kanyang paghanga sa talento nina Joshua Garcia, Julia Barretto, at director na si Antoinette Jadaone – Sinabi ni…
Joshua Garcia, ginulat mga fans sa kissing scene nila Julia Barretto sa pinost na BTS video
– Joshua Garcia’s fans were thrilled at his kissing scene with ex-GF Julia Barretto in the “Un/Happy For You” BTS video that he posted – In the video, one can see one scene where the ex-couple hugged and kissed –…
Charlene Gonzalez reacts to Julia Barretto’s stunning photo: “beautiful”
– Julia Barretto didn’t fail to captivate the netizens with her new post on Instagram – The actress showed off her stunning outfit and captioned her post with an ice cream emoji – Furthermore, Julia’s post has gone viral and…
End of content
No more pages to load