LizQuen nauna pang mag-break sa KathNiel.
In an unreleased interview in March 2023, Liza Soberano admitted that she and Enrique Gil had broken up since October 2022. But that part of the interview was never released because of the request of some people close to the ex-couple.
Ang paghihiwalay nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang isa sa pinakamalaking balita sa showbiz bago matapos ang 2023.
Talagang pinag-uusapan at pinagpipistahan ito ng publiko na may mga iba’t ibang haka-haka tungkol sa tunay na ugat ng pagwawakas ng relasyong tumagal ng labing-isang taon.
Ang desisyon nina Kathryn at Daniel na tapusin ang kanilang pagmamahalan ang dahilan kaya nauungkat ang relasyon nina Liza Soberano at Enrique Gil.
Maragal nang napapabalitang hiwalay ang LizQuen, pero walang inaamin ang magkabilang-panig.
Hindi puwedeng isali ang breakup nina Liza at Enrique sa listahan ng malalaking kontrobersiya sa showbiz ngayong 2023 dahil naganap ang kanilang paghihiwalay noon pang Oktubre 2022.
In denial pa si Enrique.
Sa panayam sa kanya ng TV Patrol noong April 2023, “We’re good, we’re good” ang sagot niya nang tanungin tungkol sa estado ng relasyon nila ni Liza.
Dagdag pa ni Enrique, “She’s just really busy with her stuff there. I am going to be visiting her maybe when my schedule clears up. I think she’s coming back here. But yeah, we’re good.
“Because Hope [palayaw ni Liza] is in the U.S., she is doing her own thing which I am going to support no matter what. I love her to death.”
Sinakyan ni Liza ang pahayag ni Enrique dahil sa isang interbyu, tatlong buwan na ang nakalilipas, hindi rin niya inaming hiwalay na sila.
Sinabi ni Liza na nagkikita pa rin sila ni Enrique.
Aniya, “Every once in a while. Occasionally mostly because we’re both, like, constantly flying.
“I’ve been in the [United] States for a while and then I came back, and he’s been flying. So it’s very seldom now. But we do [meet], we still do.”
Naging maingat si Liza sa pagsagot dahil sa isang interbyu noong Marso 2023, tahasan niyang sinabing hiwalay na sila ni Enrique mula pa noong Oktubre 2022.
Pero may mga nakiusap na huwag ilabas ang panayam sa kanya kaya hindi ito napanood ng publiko.
Ang “unreleased interview” kay Liza ang matibay na ebidensiyang mahigit isang taon na ang nakararaan buhat nang tapusin nila ni Enrique ang kanilang walong taong pagsasama.
Nauna silang maghiwalay bago pa man kinumpirma nina Kathryn at Daniel noong Huwebes, Nobyember 30, 2023, ang pagwawakas ng kanilang labing-isang taong pagmamahalan.
News
OMG! LUCY TORRES NAGSAMPA NG KAS0 LABAN KAY RICHARD GOMEZ AT DAWN ZULUETA!
Isang malaking balita ang umusbong sa mundo ng showbiz matapos ang pagsampa ng kaso ni Lucy Torres laban sa kanyang asawa na si Richard Gomez at aktres na si Dawn Zulueta. Ang insidenteng ito ay nagdulot ng gulo at tensyon…
DAWN ZULUETA EMOSYONAL NA ISINAPUBLIKO ANG ANAK NILA NI RICHARD GOMEZ!
Isang napaka-emosyonal na sandali ang nangyari sa mundo ng showbiz nang si Dawn Zulueta ay lumantad at isinapubliko ang kanyang anak na si Cassie, ang kanilang anak ni Richard Gomez. Ang pagbabahagi niya ng mga detalye tungkol kay Cassie ay…
MILO BRAND MAS TUMAAS ang SALES SIMULA ng PALITAN ni EJ Obiena si Carlos Yulo Bilang ENDORSER!
Isang malaking balita ang umikot sa mundo ng sports at marketing nang ilabas ng Milo ang kanilang bagong endorser na si EJ Obiena, kasunod ng pagpalit kay Carlos Yulo. Ang desisyon na ito ay agad na nagbunga ng positibong resulta,…
Netizens, ibo-boycott umano ang isang mall dahil sa pagbibigay ng gift card kay Carlos Yulo
Disappointed netizens vowed to boycott the shopping mall chain after they expressed their support to two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo. This week, Carlos visited the headquarters of the said mall at Pasay City, where he received a gift check…
REAKSYON ni SYLVIA Sanchez sa PAGBUBUNTIS ng ANAK na si RIA Atayde!
Ang aktres na si Sylvia Sanchez ay hindi na bago sa pagiging bukas at tapat tungkol sa kanyang pamilya. Kamakailan, naging tampok ang reaksyon ng ina nang ibalita ng kanyang anak na si Ria Atayde ang pagbubuntis nito. Isang malaking…
JUST IN! Sylvia Sanchez TINUTULAN ang PAGBABALIKAN nila Arjo Atayde at Sue Ramirez! Maine NAGBUNYI!
Nagulantang ang mga tagahanga ng showbiz nang maglabasan ang mga balita tungkol sa posibleng pagbabalikan nina Arjo Atayde at Sue Ramirez, dalawang kilalang personalidad sa industriya. Ang kuwento ay mabilis na kumalat matapos magbigay ng pahayag si Sylvia Sanchez, ina…
End of content
No more pages to load