– Nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat si Vice Ganda sa mga hosts ng “Showtime Online U” sa kanilang dedikasyon at sakripisyo
– inigyang-diin ni Vice na malaki ang kontribusyon ng mga hosts sa pagpapanatili ng sigla ng programa kahit na maliit ang kanilang sahod
– Sinabi ni Vice Ganda na patuloy nilang susuportahan si Ana Ramsey sa bagong yugto ng kanyang karera
Nagbigay ng taos-pusong mensahe si Vice Ganda para sa mga hosts ng “Showtime Online U,” kabilang na ang dating host na si Ana Ramsey, na ngayon ay lumipat na sa “Wil to Win.”
Vice Ganda, may mensahe para sa dating Showtime Online U host na si Ana Ramsey Source: Youtube
Sa kanyang pahayag, ipinaabot ni Vice Ganda ang kanyang malalim na pasasalamat sa lahat ng hosts na walang sawang nagbigay ng kanilang dedikasyon para sa ikatatagumpay ng programa. Ayon kay Vice, mahalaga ang ginagampanan ng mga hosts sa pagbibigay-buhay sa “Showtime Online U,” lalo na sa mga pagkakataong dumadaan ito sa pagsubok.
Binigyang-diin ni Vice Ganda ang sakripisyong ibinibigay ng mga hosts, kahit na hindi kalakihan ang kanilang sahod. Sa kabila nito, aniya, ay patuloy silang nagpapakita ng mahusay na paghohost at sinisigurong maayos ang takbo ng programa.
Ipinaabot niya ang kanyang pasasalamat dahil sa kanilang tulong, nagiging mas matatag ang programa sa kabila ng mga hamon. Ayon pa sa kanya, malaking bagay ang ginagawa ng mga hosts.
Partikular na nagbigay ng espesyal na mensahe si Vice Ganda kay Ana Ramsey, na naging bahagi ng “Showtime Online U” bago lumipat sa “Wil to Win.”
“Kay Ana Ramsey maraming maraming salamat. You did so good. Ang galing-galing mo kaya magpaka-galing ka diyan. At papalakpakan ka namin. We are rooting for you Ana Ramsey.”
Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It’s Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.
Hindi nag-atubili si Vice Ganda na magtanggal ng kanyang wig upang ipadama sa kalahok sa Expecially for You na si April. Ani Vice, hindi na siya taong affected sa mga taong napapangitan sa kanya pag wala syang wig. Dagdag pa niya, may wig o wala, alam niyang may mga nagmamahal sa kanya. Hindi napigilan ni April na maiyak at maging ang mga studio audience ay naging emosyonal din.
Binatikos ng netizens ang Cebu-based LGBTQIA+ writer dahil sa pagagalit sa food server na tumawag sa kanya ng “Sir”. Ikinumpara ng netizens ang insidente sa karanasan ni Vice Ganda na tinawag ding “Sir” pero tinanggap lang niya ito nang walang galit. Naglabasan ang mga videos, memes, at art cards tungkol sa insidente ni Vice Ganda sa “It’s Showtime”. Patuloy pa rin ang bashing sa nasabing writer kahit naglabas na siya ng official statement tungkol sa isyu.
News
Vice Ganda, napansin ang maduming electric fan sa bahay ni Dra. Vicki Belo
– Kinaaliwan ang bagong vlog ni Vice Ganda kung saan pumunta siya sa lumang bahay ni Dra. Vicki Belo – Isa lamang ito sa dalawang bahay ni Dra. Belo sa isang eksklusibong village at nakalipat na umano sila sa bago…
Dina Bonnevie, masayang ibinida ang panibagong apo niya
– Dina Bonnevie is one happy and proud grandmother on social media – Just recently, Dina visited Kristine Hermosa and Oyo Boy Sotto – In her post, Dina shared photos she had taken with Baby Isaiah Timothy – She also…
Photos of Kathryn Bernardo and Nadine Lustre together at a party go viral
– Kathryn Bernardo and Nadine Lustre recently hung out together – Photos of them at a party have recently circulated on social media – Apparently, the two stars attended Dra. Aivee Teo’s grand birthday – Needless to say, netizens rejoiced…
Chloe San Jose, inalala ang umano’y pagtrato noon ni Angelica Yulo sa kanya at kay Carlos Yulo
– Chloe San Jose shared her story after showing alleged screenshots of hate messages from Carlos Yulo’s family – According to her statement in the comments section of her post, she and Carlos tried to make amends with Angelica Yulo…
Chloe San Jose, ibinahaging sinubukan raw kausapin ng kanyang ina si Angelica Yulo noon
– Chloe San Jose shared in a new statement that her mother tried to talk to Carlos Yulo’s mom, Angelica Yulo, to resolve their issues – She posted a message addressing why her replies were shared without proper context Likewise,…
Carlos Yulo at Chloe San Jose, nasa Paris muli para sa Paralympics
– Carlos Yulo and Chloe San Jose are in Paris, France again – Chloe took to Instagram Stories to share a clip showing them watching the Paralympic Games – In the clip, the couple could also seen sweetly posing for…
End of content
No more pages to load