Ipinaliwanag ni Vice Ganda ang kanyang sarili sa mga nagkomento tungkol sa kanyang opinyon sa away-pamilya ng “EXpecially For You” contestant na si Ky sa August 20 episode ng It’s Showtime.
Sinabi ni Vice na kahit ano man ang isyu sa pamilya, hindi siya naniniwala na maaari itong i-let go, bagay na hindi sinang-ayunan ng isang netizen.
Komento ng nasabing netizen sa X (dating Twitter), “Sorry Meme Vice but hindi ako agree sa’yo this time
not every kid have a good relationship and supportive family, kung ikaw meron kang magandang relasyon sa mga magulang mo then good for you but don’t blame or invalidate someone –.”
Sinagot naman ito ni Vice at binigyang-diin ang isa pang punto na ibinahagi niya sa segment, kung saan sinabi niyang paraan ang pag-alis pansamantala sa bahay para huminga muna sa gitna ng hindi pagkakaunawaan ng mga miyembro ng pamilya.
Paglilinaw ng TV host, “Yes ur right. Kaya nga may part ng episode na yan na sinabi ko din na di mo masisisi ang iba na umalis dhil un ang paraan nila para makasurvive. Un ang paraan nila para maituloy nila ang buhay nila dahil ung pananatili nila sa bahay na un ay maaari nilang ikamatay o ikasama nila.”
Yes ur right. Kaya nga may part ng episode na yan na sinabi ko din na di mo masisisi ang iba na umalis dhil un ang paraan nila para makasurvive. Un ang paraan nila para maituloy nila ang buhay nila dahil ung pananatili nila sa bahay na un ay maaari nilang ikamatay o ikasama nila. https://t.co/3WiCIz19SG
— jose marie viceral (@vicegandako) August 20, 2024
Ipinaalala rin ni Vice na siguraduhing panoorin ang buong segment bago magbigay ng konklusyon para hindi ma-take out of context ang maliit na parte ng kanyang sinabi.
Reply niya sa isang tweet, “Though gets ko naman ung mga point nila. At tama din sila. Pero sana napanuod din nila at di nila ininvalidate ung iba ko pang sinabi sa isang buong episode.”
True. Though gets ko naman ung mga point nila. At tama din sila. Pero sana napanuod din nila at di nila ininvalidate ung iba ko pang sinabi sa isang buong episode.
https://t.co/PiBSqgUOas— jose marie viceral (@vicegandako) August 20, 2024
Sa sumunod na tweet ni Vice, nadismaya ang komedyante nang iugnay ng isang commenter ang kanyang statement sa family issues ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo na mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media.
Ayon sa tweet, “CONFIRMED. Vice supports Angelica’s side nga. Im so disappointed in you
@vicegandako I hope Carlos Yulo doesnt bother to guest sa showtime. #ShowtimeBestPick”
Sa buong segment, nabanggit ni Vice na mas mahirap solusyunan ang away-pamilya kaysa makakuha ng ginto sa Olympics. Pero hindi nagbigay ng opinyon si Vice tungkol sa personal na isyu ni Caloy kaya dinepensahan niya ang kanyang sarili.
Katwiran niya, “Ha?!!! Saan galing to? Never akong nagbigay ng opinion ko tungkol sa issue ng pamilyang yan dahil mas gusto kong icelebrate ang tagumpay ni Carlos Yulo kesa makisawsaw sa eksena ng pamilya nya.”
Ha?!!! Saan galing to? Never akong nagbigay ng opinion ko tungkol sa issue ng pamilyang yan dahil mas gusto kong icelebrate ang tagumpay ni Carlos Yulo kesa makisawsaw sa eksena ng pamilya nya. https://t.co/EiiHmcBF5g
— jose marie viceral (@vicegandako) August 20, 2024
Ini-repost naman ng hiwalay na X user ang buong clip kung saan sinabi ni Vice na hindi niya hinihikayat ang paglalayas. Bagkus, maaari itong maging defense mechanism para kumawala muna sa problemang hinaharap ng pamilya.
Opinyon ni Vice base sa It’s Showtime segment, “Hindi natin ine-encourage yung paglalayas o paglisan sa bahay at sa pamilya pero hindi natin masisisi yung ibang tao ah. Yun ang pamamaraan nila para maka-survive, yun ang paraan nila para maituloy yung buhay nila dahil ang pananatili nila sa loob ng bahay na yon ay maaari nilang ikamatay, ikaupos ng kanilang espiritu, ikaupos ng kanilang lakas, ikadilim ng kanilang pag-iisip at ikakaubos ng pagmamahal nila.”
Naka-relate naman si Vice sa “EXpecially For You” contestant na si Ky.
Patuloy niya, “No’ng nagte-therapy ako, ‘pag ‘di mo na kaya, time out, bitaw, ‘di mo pwede ipilit. Bibilis yung ikot ng mundo ng utak mo, iingay lalo sa utak mo.”
Dagdag na paliwanag ni Vice via X, “I don’t think it’s wrong to hope for every problematic family to resolve their issues and eventually reconcile. Pero alam ko din namang may mga kaso na dapat iligtas at ilayo ang mga miyembro ng pamilya sa pang-aabuso.”
Ayan. Salamat po! I dnt think its wrong to hope for every problematic family to resolve their issues and eventually reconcile. Pero alam ko din namang may mga kaso na dapat iligtas at ilayo ang mga miyembro ng pamilya sa pangaabuso. https://t.co/RDwu461Wfs
— jose marie viceral (@vicegandako) August 20, 2024
News
Carlos Yulo NAGULAT sa IBINIGAY sa KANYANG PAYO ni Coco Martin Tungkol sa KANYANG PAMILYA!-A
Kamakailan lamang, isa sa mga pinakatanyag na atleta ng Pilipinas na si Carlos Yulo ay nagbahagi ng isang di-inaasahang karanasan matapos siyang mabigyan ng payo ng aktor na si Coco Martin tungkol sa mga isyung pampamilya. Sa isang hindi inaasahang…
LUMANG VIDEO ng SINABI ni Chloe San Jose NABUKING! PERA lang pala ang HABOL kay Carlos Yulo?-A
Isang mainit na isyu ang patuloy na pinag-uusapan ngayon matapos lumabas ang isang lumang video kung saan tila nasambit ni Chloe San Jose, isang influencer at fitness enthusiast, na “pera lang” ang habol niya sa gymnast na si Carlos Yulo….
🔴VICE GANDA at ITS SHOWTIME FAMILY, EMOSYONAL at DUMALO SA SEREMONYA ni BILLY CRAWFORD! 🔴
Isang emosyonal na araw ang naganap para kay Billy Crawford at sa kanyang It’s Showtime family matapos ang matinding pagsubok na sinapit ng TV host at singer. Dumating ang araw ng seremonya para kay Billy, at hindi nakaligtas sa mata…
🔴KIM CHIU, HINDI INAKALA NA MAY KAUGNAYAN SI COLEEN GARCIA SA TRAHEDYANG SINAPIT NI BILLY CRAWFORD!
Isang malaking kontrobersya ang sumabog sa social media at entertainment world nang lumabas ang mga bagong detalye tungkol sa pagkakaugnay ni Coleen Garcia sa trahedyang sinapit ni Billy Crawford. Ayon sa mga lumabas na impormasyon, hindi inakala ng kanyang mga…
Sunshine Cruz HIWALAY NA sa MAYAMANG BOYFRIEND NA si Atong Ang INAHAS?-A
Isang shocking revelation ang bumangon sa showbiz world nang kumalat ang balita na Sunshine Cruz at ang kanyang mayamang boyfriend na si Atong Ang ay naghiwalay na! Ang mas nakakagulat pa, may mga alegasyong nagpapakita ng matinding betrayal at pagkaloko…
Gretchen Barretto NAGSALITA NA sa HIWALAYAN ni Sunshine Cruz at Atong Ang!
Isang kontrobersyal na pahayag mula kay Gretchen Barretto ang umani ng atensyon ng publiko nang magsalita siya tungkol sa hiwalayan nina Sunshine Cruz at Atong Ang, na isang malaking isyu sa showbiz nitong mga nakaraang linggo. Ang hindi inaasahang pahayag…
End of content
No more pages to load