– Emosyonal si Vice Ganda sa sorpresa ni Ion Perez sa kanyang pag-uwi sa kanilang bahay matapos ang kanyang concert abroad

– Naisipang i-sorpresa ni Ion si Vice Ganda lalo at matagal na umano niyang hindi ito nagagawa

– May tumulong kay Ion sa pag-set up ng mga balloons at sa paghahanda

-Hindi naman maitago ng dalawa ang kanilang saya na muling magkasama matapos ang ilang araw na pagkakawalay

Naiyak si Vice Ganda sa effort ni Ion Perez para sorpresahin siya sa kanyang pag-uwi mula sa kanyang concert sa ibang bansa. Ilang araw din silang hindi nagkasama dahil naiwan si Ion dito sa Pilipinas.

Vice Ganda, sinorpresa ni Ion Perez sa kanyang pag-uwi galing sa ibang bansa

Vice Ganda, sinorpresa ni Ion Perez sa kanyang pag-uwi galing sa ibang bansa (@praybeytbenjamin) Source: Instagram

Ayon kay Ion, matagal na rin niyang hindi nasosorpresa si Vice kaya naisip niyang pasayahin ang kanyang partner. Bukod sa balloons at rose petals, mayroong tulip bouquet si Ion para kay Vice,

Nang sa wakas ay nakauwi na si Vice ay naiyak ito sa tuwa. Isang mahigpit at matagal na yakap ang salubong sa kanya ni Ion. Matapos ang sorpresa ay todo-alaga pa rin si Vice kay Ion na kanyang pinupunasan ng pawis dahil papasok pa ito sa trabaho. Marami naman ang kinilig sa effort na ito ni Ion.

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It’s Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.