MAY bonggang rebelasyon ang Unkabogable Star na si Vice Ganda tungkol sa pagsasama nila ni Ion Perez bilang mag-asawa.
Knows n’yo ba na hindi pala nag-aaway ang mag-partner at never naging issue sa kanilang ang trust at selosan kaya naman smooth na smooth ang kanilang relationship.
Sa nakaraang episode ng “EXpecially For You” segment ng “It’s Showtime” ng ABS-CBN at GMA 7, napag-usapan ang tungkol sa madalas na pinag-aawayan ng mga magdyowa.
Nagkuwento ang searcher na si Joel tungkol sa madalas nilang pinag-aawayan nila ng kanyang ex-girlfriend na si Jen.
“Nag-start po kasi siya kasagsagan po ng debut ng mga friends ko ganu’n. Tapos po nagpaalam po ako sa kanya kung puwede ako pumunta dun sa debut na ‘yun.
“So siya, siyempre po alam ko naman po ayaw niya. Pero, pinilit ko pa rin pumunta, tapos gumawa pa po ako ng away ganu’n po. Para lang makapunta doon,” pag-amin ni Jen.
Bigla namang humirit si Vice at nagsabing may ganu’n ngang eksena sa mga magdyowa na talagang gumagawa lang ng away para hindi na kailangan magpaalam sa kanilang partner.
Guilty daw ang isa pang host ng programa na si Jhong Hilario sa ganitong style pero dati pa raw yun.
“Hindi ko itinatanggi yan. Minsan nakakagawa tayo ng ganun dahil gustong-gusto natin makapunta du’n sa okasyon na yun. Pero may mga consequences siya mga ganiyan ‘di ba,” sey ng TV host-actor.
Dagdag pa niya, “Maaaring maging katapusan ng relasyon yun or maaaring maayos.”
Tinanong naman ni Jhong si Vice, “Ikaw ba, nakagawa ka na rin ng ganu’n? Nag-excuse ka, nang-away?
“Sa mga past. Hindi kasi kami nag-aaway ni Ion. Wala kaming ganu’n. At saka kami yung, ‘labas ka!’” sagot ni Vice Ganda.
“Minsan kami pa yung ‘labas ka mag-enjoy ka’. ‘Hindi ka nababagot dito?’ ‘Yung ganu’n.
“E kasi, ang tanda ko na, ang tanda na rin namin. At tsaka kapag matanda ka na, pinipili mo na lang ‘yung ikasasakit ng ulo mo at pinag-aawayan n’yong magdyowa.
“Hindi na ‘yung mga petty. Du’n na tayo sa malaking issue,” paliwanag pa ni Vice.
Matatandaang nagkaroon ng wedding commitment ceremony sina Vice at Ion noong 2021 sa The Little Vegas Chapel sa Nevada, USA.
News
Mark Andrew Yulo, ibinida ang paghanga kay Nesthy Petecio
– Nirepost ni Mark Andrew Yulo ang isang quote card ni Nesthy Petecio kung saan ibinida niya ang paghanga sa mga prinsipyo nito – Tinawag ni Mark Andrew na “idol” si Petecio dahil sa dedikasyon nito sa pagtulong sa kanyang…
Gary Valenciano pens a message of appreciation for Carlos Yulo: ‘A dream come true, a champion, a national hero’
Gary Valenciano is happy and proud to finally meet Filipino double gold medalist Carlos Yulo. Photo credit to @garyvalenciano Instagram Kapamilya singer Gary Valenciano was still in awe after meeting double gold Olympic medalist Carlos Yulo, who previously visited the…
Vice Ganda, nag-react nang tawaging ‘babae’ ni Jhong: Magagalit si Cristy Fermin’
– Usap-usapan ang naging pahayag ni Vice Ganda habang nasa Expecially For You segment ng ‘It’s Showtime’ – Nag-uusap sila ni Jhong Hilario tungkol sa desisyon ng mga magkasintahang maghiwalay nang sabihin ni Jhong na ‘ganyan naman kayong mga babae’…
Vice Ganda, may makulit na nabanggit sa umano’y love life ni Kathryn: “Wala akong sinasabi!”
– May makulit na nabanggit umano si Vice ganda ukol sa love life ni Kathryn Bernardo – Ito ay matapos siyang magkomento sa isang performance sa anniversary concert ni Darren Espanto – Kasama ni Kathryn sina Chie Filomeno at Alora…
Vice Ganda, nagpasalamat matapos hiranging #1 most followed male influencer
– Nagpasalamat si Vice Ganda matapos siyang hiranging #1 Most Followed male influencer – Sa kanyang Facebook post, ibinahagi niya ang screenshot ng mga male influencers na pasok sa listahan na pinangunahan niya – Kabilang din sa naturang listahan sina…
WATCH: Vice Ganda, inalala ang biglaang request sa kanya ni Billy Crawford sa phone call
– Vice Ganda, during one “It’s Showtime’s” episode, mentioned Billy Crawford – On Instagram, ABS-CBN uploaded a video of the clip from the noontime show – In the video, Vice recalled Billy randomly calling him once and asked where he…
End of content
No more pages to load